032: Invitation

123 13 4
                                    

LUAN VILLAMORTE ―ꨄ︎
REAL WORLD
Monday, 7:30 am

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na sinakripisyo ni Sparrow ang buhay niya para sagipin ako. Tapos ito pa, kami na sana ang mananalo kahapon kaso itong si Nayee umaktong national hero sa pag-sakripisyo ng buhay niya para kay Justnobody.

Nakakapagtaka lang diba? 

Napasabunot ako sa buhok ko. Hindi ko na talaga alam. Pero okay lang naman na natalo kami dahil may magaganap paring party mamaya sa buong City dahil maganda daw ang performance namin sa game.

Tumigil ang kotse na sinasakyan ko sa tapat ng school. Bumaba na ako at pinakita ang ID ko sa guard para papasukin ako. Dumiretso na ako sa room. Pagpasok ko ay halos tungkol sa Clash of the Cities ang usapan ng mga kaklase ko. Kagabi nag top 1 nanaman ang Gang Raid sa twitter at youtube.

"Grabe, ang ingay ng room," wika ni Astrid.

"Maingay naman talaga tong room natin, mas lumala nga lang ngayon," sagot naman ni Bliss.

Nilagay ko ang bag ko sa aking upuan at tumabi kay Bliss. Wala pa naman yung katabi niya.

"Alam niyo, hindi ako makapaniwala na hindi tayo kinakalaban ng Dark Demon Gang kahapon. Alam niyo ba, ilang beses sinagip ni Sparrow ang buhay ko," ani ko.

"Hala! ako din. Tinulungan din ako ni Lostsoul kaso na deds parin kaming dalawa hahahaha, yiee! kinikilig ako," wika ni Astrid at hinampas ang balikat ni Nayee.

"Buti pa kayo, samantala ako pa yung naunang mamatay sa atin kahapon, naging fireworks tuloy ako," walang emosyong wika ni Bliss.

"Atleast naranasan mo kung pano masabugan ng bomba," wika pa ni Astrid at tumawa ng malakas.

Sinipa naman siya ni Bliss mula sa ilalim ng upuan, "Sige, try mo din mamaya. Hahagisan kita ng bomba," ani nito kaya nag-peace sign nalang si Astrid.

"Speaking of mamaya, magkakaroon daw ng malaking party sa buong city dahil sa magandang performance ng mga participants kahit natalo tayo," sabi ko at sinulyapan si Nayee.

"Hay nako! ewan ko ba kung bakit ko nagawa 'yon," ani niya.

"Asus, may tama ka ata kay Justnobody eh. Crush mo 'yon 'no?" panunukso ni Astrid.

Namula naman ito at hinampas si Astrid, "Tange! hindi 'no! hindi ko nga alam kung sino 'yon. Malay mo shonget?"

"Uyy! defensive yan sha!" ani ni Bliss.

"Eh, what if pogi?" gatong pa ni Raine.

Nagpigil ng ngiti naman si Nayee, "Edi, go!" ani nito at tumawa ng malakas. Nag-apir naman sila ni Astrid.

"I raised you well!" ani pa nitong si Astrid.

"Heh!" inirapan siya ni Nayee at ngumiti pa na parang tanga.

"Pero seryoso maypa-party?" sulpot ni Raine.

Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓Where stories live. Discover now