03: Meeting the Campus King

199 12 12
                                    

NAYEE KIM JUNG
REAL WORLD
Tuesday, 6:30 am

Mabilis kong inayos ang mga gamit ko sa bag dahil tangina late nako. Dali-dali akong bumaba ng hagdan at tinungo ang kusina, saktong hinahain na ni mama ang baon ko.

"Ma, hindi na po ako kakain late na po talaga ako," ani ko at nilagay sa loob ng bag ang aking baon.

"Anong late ka diyan, 6:30 palang ng umaga, OA mo," sulpot ni Kuya Nathan.

Ba't nandito ang ugok na to?

"May meeting kami mamaya sa pageant Kuya ano ka ba," sagot ko. "Eh, ikaw? Diba may pasok ka din?" pagbaling ko sakanya.

"Well, wala kaming pasok ngayon kasi may event sa school," sagot niya pero nasa TV ang atensyon niya.

Edi kayo na.

"Ang aga naman ng meeting niyo na 'yan anak," wika ni mama.

"Ma, 7:00 po talaga ang meeting pero siyempre medyo malayo ang MIU dito sa satin kaya dapat umalis nako," sagot ko. Napatango naman si mama, halos 20+ minutes ata ang byahe mula samin papuntang school.

Akmang lalabas nako ng bahay ng magsalita si Kuya.

"Meeting-meeting ka diyan, baka may boyfriend ka na!?" sigaw niya. Hindi ko nalang siya pinansin.

Boyfriend, my ass.

Psh, si Kuya nagiging si Papa na. Namiss ko naman tuloy si Papa. Ganyan na ganyan kasi ang linyahan kapag nandito siya. Palagi kasi siya doon sa Korea, bakit nandoon siya? siyempre doon talaga siya nakatira eh, at nandoon din ang pinagkikitan ng pamilya namin na isang resto. Were half korean halata naman sa apelyido. Sakanya ko din nakuha ang kagandahan ko, chariz. Pero seryoso, pogi si papa kaya nga baliw na baliw sakanya si mama laughter-laughter!

Anyways, agad akong nagbantay ng taxi pagkalabas ng bahay at swerteng nakasakay agad ako.

"Kuya, sa Montelejo ho tayo," ani ko.

Mabilis kaming nakarating sa school, tinignan ko naman ang relo ko 6:56 am, naks, tamang-tama lang.

"Good morning Kuya!" bati ko sa guard at nginitian niya naman ako.

Habang naglalakad ako ay may biglang bumangga sakin dahilan para mahulog ang mga dala kong libro at siya naman ay natapunan ng dala niyang milktea.

"S-sorry," ani ko at pinulot ang mga libro.

"Sorry your face," ani niya. Napatingin naman ako sakanya at sa apat na kasama niya, taga- section 1 ata to.

"Nag-sorry na nga ako diba, ikaw nga tong hindi nakatingin sa dinadaanan mo," wika ko. Nabi-bwiset ako e.

"So alam mo pala na hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko, so bakit hindi ka tumabi?" sagot niya naman. Okay, may point siya.

"Pwes, hindi ko naman obligasyon na pagsabihan ka, kita mong naglalakad ka kung saan-saan ka tumitingin," sagot ko pa.

Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓Where stories live. Discover now