05: Partner

120 11 4
                                    

RAINE LEE PEREZ
REAL WORLD
Festival Week
Monday, 7:00 am

Sa wakas, start na ng review namin ni Bliss ngayon para sa quiz bee next week, siyempre excempted kami sa klase buong week.

Gusto ko pang matulog dahil nag-puyat kaming lima kaka-nood ng Duel. Okay naman ang kinalabasan ng Duel kahapon, masaya nga eh kasi first time naming manood.

Pagdating ko sa library ay nakita ko na ang magiging partner ko.

Nilapag ko ang mga gamit ko, "Hi, good morning," bungad ko.

Napatingin naman siya sakin, "Mag-review ka na para hindi ka mag- mukhang tanga sa quiz bee next week," sagot niya. Aba, the nerve of this guy.

Oo inaamin ko, I hate Science pero hindi ko sinabi na hindi ako magaling sa subject na yan.

"For your information mister, matagal nakong nag-review bago mag-start tong review natin." wika ko at kinuha ang libro ko sa bag.

"Do I care?" sagot niya at binaling ulit ang tingin sa libro.

Now I felt what Nayee felt, just great.

Habang nagre-review ako ay biglang nagsalita itong mayabang sa harapan ko. "I have a question," tanong niya.

Tumaas naman ang isang kilay ko, "Ano?"

Napatingin siya sakin, "What was the name of the first supersonic passenger airliner?" tanong niya.

Psh, basic.

"Concorde," tipid kong sagot.

"Hmm, how many hearts does octopuses have?" ani niya pa.

"Three,"

Pumalakpak naman siya, "Good, siguraduhin mo lang na ganyan ka din sa quiz bee," wika niya.

Kapal.

"Ako naman," wika ko.

Inayos niya naman ang upo niya at tumingin sakin.

"What was the name of the first man-made satellite launched by the Soviet Union in 1957?" ani ko.

Napangisi naman siya, "Sputnik 1," sagot niya.

"Which oath of ethics taken by doctors is named after an Ancient Greek physician?" medyo mahirap to, tignan natin.

Napahikab naman siya, "Wala na bang ikahihirap yan?"

"Sagutin mo nalang kasi," inis kong sabi.

"Hyppocratic oath,"

Woah, he's smart.

"Oh, ano ka ngayon?" pagmamalaki niya.

"Kapal mo talaga," napa-iling nalang ako at nagbasa ulit. Mahirap ang quiz namin dahil iba't-ibang lesson na ito, kaya kailangan kong isampal sa pagmumukha ng lalaking to na mahihigitan ko siya, kala niya ha.

Ilang oras din bago kami natapos dahil lunchbreak na. Kinuha ko naman ang cellphone ko para mag-chat sa gc namin.

MGA INIWAN GC

Raine Raine go away: guys sama ako sa inyo sa lunch ha!😃

Blissmaganda: oy ako din!

Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓Where stories live. Discover now