Kabanata 3

5.1K 256 141
                                    

Thanks

Matapang kong binalik ang tingin kay Patrick na ngayon ay may malawak na ngisi. Kinakabahan ako. Pero hindi ko 'yon pinahalata. 

"Bakit? Ano'ng gusto mo?"

He leaned back and sighed. Humalukipkip ako at hinintay ang sasabihin niya.

"Ano 'yan?" usisa ni Jelo.

"About the deal," sagot naman ni Jessy.

Nakuha noon ang interes ng iba pang mga kaibigan naming nasa kani-kanilang mundo. Tumigil sa pangongopya si Spencer ng isa pa naming assignment at mabilis na tinuon sa amin ang buong atensyon niya.

"Seriously, importante pa ba 'yan? Wave doesn't need it for sure. And wala naming dinedeny si Aurel."

Tumaas ang kilay ni Ana sa narinig kay Viel. Nanatili lang akong tahimik.

"An agreement is an agreement. Right, wave?" matamis na tanong ni Ana.

Palihim akong umirap. Bigla naman humalakhak si Patrick sa naging reaksyon ko.

"Come on, Wave. Hindi naman kita ipapagawa ng kung anong ilegal na gawain. It's just so simple."

"Ano nga?" I impatiently asked.

Ngumisi siya nang malawak. I honestly don't find this entertaining or what. Pero itong mga taong 'to, mukhang tuwang-tuwa sa mga nangyayari ngayon.

Tinuko ni Patrick ang kanyang siko sa mesa. Naroon pa rin ang malademonyong ngiti niya.

"Ang boring, e. These past few weeks have been so boring. We need to be entertained, yeah?"

"Cut to the chase, Rick," singit ni Spencer.

He shrugged.

"What do you want, really? Kanina galit ka. And now, you're looking for entertainment? 'Di pa ba sapat 'yong kanina?" tanong ni Jessy.

"Tss. That wasn't entertaining. Pinagbintangan ba naman kaming may dala na namang weed? Pangalawang beses na 'yan. Sino'ng matutuwa?" Jelo scoffed.

My brows shot to my hairline. Matagal nang usap-usapan sa school ang involvement nilang dalawa sa pag-violate sa school rules. Pero hindi ko alam na ganito pala ka-lala ang binibintang sa kanila.

Pero binibintang nga ba?

Knowing their power and influence in this school, hindi malabong may kinalaman sila rito.

"Sabihin niyo na lang kina Tito. I'm sure they can do something about it. For sure lagot kayo sa admin. You punched someone. And this time, si Sergio pa!"

"The admin can't do anything against us. Isa pa, humarang siya sa amin. E, siyempre, uminit ulo namin. Ikaw ba naman ang pagbintangan agad!"

Ang kaninang ngisi ni Patrick ay muling bumalik sa simangot. And I'm enjoying this scene, even when my face said it otherwise.

"Anyway, tapos na 'yon. At iba naman ang dapat pag-usapan natin ngayon," aniya.

I gritted my teeth and hid it behind a firm smile.

Never once did I back down from any challenge. Lalo na kung para lang din naman 'to sa akin. I can take down Goliath myself.

I lifted my chin and stared at him.

"Ano ba'ng gusto mo?"

Tss. As if I need this deal anyway. If they would just give me enough time to have Aurel wrapped around my fingers, alam kong kaya ko. Sobrang pakipot at pa-espesyal lang talaga ng lalaking 'yon.

Shot Through the LightsWhere stories live. Discover now