Kabanata 27

3K 198 52
                                    

Dinner

I inhaled sharply but didn't say anything.

Nakaupo lang naman kami. Nag-uusap. May sinabi siyang mahalaga na pakiramdam niya'y dapat kong malaman. 'Yon lang.

Ngunit bakit ganito ang pagtahip ng aking dibdib?

"That's great. You'll see her again," sinubukan kong maging masigla.

"Yeah. It is great."

Wala sa akin ang mga mata niya. His stare pierced through the waves in the ocean, as if he's lost somewhere in between them, diving deeper and deeper into the abyss of blues before us.

Walang bakas ng pagkatuwa sa kanyang mukha. Blanko 'yon, taliwas sa mga salitang lumabas sa bibig niya.

I stared ahead, too. Ngayon pa lang, tiyak na lalo akong mahihirapan sa sitwasyon namin. His mother doesn't like me. Pinamukha na niya sa akin 'yon ilang taon na ang lumipas. Ano pa kaya kapag nalaman nyang kami na ng pinakamamahal niyang anak?

The situation made my head spin. And I decided out of nowhere.

"Sergio," tawag ko. "'Wag mo na lang kaya akong ipakilala sa pamilya mo?"

To say that I'm afraid is an understatement. It's eating me piece by piece. Pakiramdam ko'y ito ang tamang gawin.

Agad naman siyang bumaling sa akin.

"Why? Are you still not ready?"

I took a deep breath.

"N-Natatakot ako, Sergio. Baka... may hindi magandang mangyari dahil diyan."

"If this is about my mom—"

"This isn't just about your mom," sabi ko. "I am insecure, Sergio. Still so insecure. Kasi kahit kailan, alam kong hindi tayo tatanggapin ng ibang tao. Lalo na ng pamilya mo. I'm poor. That's the hard truth. Mahal kita. Pero para sa iba, panggagamit ang pagmamahal na 'yon."

He didn't utter a single word. So I continued.

"God knows how I am so ready for you. I've never been so sure my whole life until you came around," I paused, "k-kung pwede nga lang pakasalan kita, gagawin ko agad, e."

Tumawa ako nang kaonti. Pero mukhang hindi siya natuwa. Seryoso niyang tinitigan ang mga mata ko. For a while, I thought he'd lean in and kiss me.

"Then, let's marry."

Nanlaki ang mga mata ko dahil doon.

"S-Sergio!" suway ko. "I didn't mean it like that!"

"So... it's a joke?"

"No!"

Bahagya na akong lumayo sa kanya para harapin siya nang maayos.

"What I mean is, lahat gagawin ko para sa 'yo as you'd do for me."

The left corner of his mouth went up.

"And you'd marry me?"

Umirap ako, ngunit nangingiti na ngayon.

"We'd get there."

I hope so. I really do hope so.

Naalala ko ang kinwento niya noong hindi pa kami. The comet that never came. Dumako ang tingin ko sa mga langit. At taimtim na nanalanging hindi siya ang kometang 'yon.

People do come and go. I get that. No one stays. But some do come back. And leave again. From time to time. And all you can do is wait.

Napapaisip ako kung may paraan bang manatili ang isang tao nang hindi umaalis. Kung maaari bang habang-buhay na lang sa tabi ko, kahit na isang makasariling hiling 'yon.

Shot Through the LightsWhere stories live. Discover now