Kabanata 15

3.5K 224 106
                                    

Last

Sergio has become my official companion anywhere I go.

Wala namang kaso 'yon sa akin. Ako pa ba ang magrereklamo? Kasabayan ko sa paglalakad ang taong gusto ko. Nag-uusap pa kami. Nagtatawanan. At paminsan-minsang naglalandian.

Masaya si Nanay para sa akin. Dahil alam niyang hindi matapobre si Sergio at ganoon din si Gov. Si Ma'am Felistina, wala namang sinasabi. Ngunit paminsan-minsan siyang sumusulyap sa gawi naming dalawa ni Sergio at nanliliit ang mga mata.

"Basta, anak, dapat ay masaya ka nang walang tinatapakang tao. 'Yon ang importante."

Nagsimula na rin kasi ang bulung-bulongan na ginagamit ko lang daw si Sergio. At pera lang daw ang pakay ko sa kanya.

Bumuntong-hininga na lang ako. Anlalakas manchismis ng mga tao rito, pero hindi naman nila magawang sabihin nang harapan sa akin.

Isa pa, alam ko namang 'yon talaga ang tingin ng tao kapag mayaman ang isa at ang isa'y hindi. Normal 'yon.

But "normal" doesn't mean "right."

"'Wag kang masyadong makipaglapit sa anak ng mga Arcoza, Wave."

Ito yata ang unang pagkakataong nagsalita ulit si Tatay para sa akin. Sa tagal na naming hindi nag-usap ng ilang linggo, halos makalimutan ko nang may ama pa pala ako rito sa bahay.

Pero sa lahat ng pwede niyang pag-usapan, ito pa?

"Bakit po?"

He looked away.

"Basta. 'Wag kang masyadong makipagapit. Tuso ang pamilya niyan. Baka kung ano'ng gawin sa atin. Mahirap lang tayo."

Nangunot ang noo ko.

"Hindi naman po ganoon si Sergio. Kilala ko po siya. Magkaibigan kami—"

"Gawin mo na lang. Mahirap ba 'yon? Mas mabuti nang makasiguro kaysa mahuli ang lahat at wala na tayong magagawa."

With that, he left, leaving me to ponder on his words.

Hindi naging maganda ang turing ni Tatay kay Sergio nang minsang bumisita si Sergio sa akin para magpaturo sa pagluluto. Akala ko nga ay pagbubuhatan na naman ako ng kamay. Ngunit dumaan na lang ang ilang araw matapos bumisita si Sergio, wala naman siyang ginawa.

Ang lagi lang bukambibig ni Tatay ay dapat akong mag-ingat, bagay na lalong pinagtataka ko.

Nang tanungin ko naman si Nanay, nagkibit-balikat lang siya at nagsabing baka gusto lang ako protektahan ni Tatay. And it makes sense, so I let it go.

"Ano'ng pinapatayo diyan?"

Umagang-umaga, binulabog na kami ng maingay na mga sasakyang paroon at parito sa taas ng Naidi Hills. Wala masyadong kabahayan sa burol na 'yon. At hindi rin naman kasi lahat pwedeng maglagay ng bahay diyan. Reserba raw para puntahan ng mga turista.

"Oh, that, proposal 'yan ni Papa. Lighthouse. Para sa dagdag na tourist attraction daw."

Ngumuso ako.

"Para saan? Wala namang masyadong dumadayo rito, ah?"

"Well, wala pa ngayon. But maybe when they hear of this, they'll come."

The binoculars brooch clung to the upper right side of his shirt. Tinitigan ko ang akin na nakakapit naman sa ilalim ng kwelyo nitong damit.

They looked funny to me. I giggled.

Agad namang bumaling si Sergio sa akin.

"What are you laughing at?"

"The brooches! Pwede naman tayong mag-necklace na lang, ah? Bakit brooch?"

Shot Through the LightsWhere stories live. Discover now