Kabanata 18

3K 208 57
                                    

Beautiful

My head is spinning.

Sergio tilted his head. Ang kanyang kamay na nakahawak sa isang kamay ko'y dinala niya sa aking batok para ipalalim ang halik.

At doon na ako natauhan.

What was that?

The kiss came so suddenly. Like lightning. A beautiful one at that. Still, it shouldn't have happened.

Kissing Sergio is not a mistake. The situation is. Buong buhay ko, ngayon lang 'ata ako nakaramdam ng mabigat na pagsisisi.

Galing sa pagkakapikit, binuksan ko ang aking mga mata at mabilis na tinulak siya palayo sa akin.

"Wave—"

I raised my hand to stop him. Lumunok ako bago nagsalita.

"D-Don't say anything, please."

Umiling siya.

"I'll never be sorry for that kiss. You should know that."

My heart is still beating rapidly. And like what cowards would always do, I escaped.

"I have to go," nagmamadali kong ani.

Muli niya pa akong tinawag. Subalit hindi niya na rin naman ako sinubukan pang habulin o sundan.

Halos tumakbo ako pababa. His kiss lingered. I know it will forever linger in my mind from now on. And that is dangerous.

Ihinilamos ko ang aking palad sa mukha at napayuko nang tuluyan nang makababa sa building. I don't know if Sergio's still there or he's making his way downstairs.

Kahit kapos pa sa hininga, nagmamadali na naman akong lumayo roon para makauwi nang mabilis. I can't stay here. Not when I know we're still moving in the same place.

People came from different directions in front of me. May sari-sarili silang buhay. May kani-kaniyang ganap. At ako namang nasa gitna lang ng mga taong paroon at parito, pakiramdam ko'y napag-iiwanan ako ng lahat.

I vowed to never mess up his life again. Pinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang tama at maghihintay ako sa tamang pagkakataong ibibigay ng mundo. I wanted to do all those.

Kahit na alam kong sobrang imposible na maghihintay din si Sergio sa akin, susugal pa rin ako. Pagod na ako sa sitwasyong kailangan kong isakripisyo ang ibang tao para sa sarili ko.

When did it start? When did I come to realize that I wanted something else?

Maybe things changed when Sergio showed me how living is like. That you can actually find things to be happy about. That no matter what, you will always have a place in this world despite failures and rejections.

But the truth still remains. Mahirap mamuhay sa mundong 'to pag ipit na ipit ka sa mga sitwasyon. This is a survival. Kahit gaano kahirap ang mga bagay para sa 'yo, walang tutulong. Kasi sa huli, ikaw at ikaw lang din ang pupulot sa sarili mo mula sa putikan.

At tanggap ko naman lahat 'yon. Handa na akong tanggapin lahat ng 'yon.

"Wave? What happened?"

Tumingala ako galing sa pagkakayuko at nakita ang mukha ni Aurel. Hindi ko mapigilang hindi madismaya. I thought it's...

I shut my eyes tight before I breathed in deeply. What am I even thinking?

"Nothing, Aurel. I just wanna go home."

"I can drive you back home if you want."

I smiled weakly.

"No, thank you. I'm fine alone."

Shot Through the LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon