Kabanata 48

3.5K 189 40
                                    

Talk

Muli kong naaninag ang pamilyar na lugar na ngayon ay pinapalamutian ng mga tanawing estranghero pa para sa 'kin.

I sighed for the nth time. Tahimik lang ang driver pero paminsan-minsa'y napapatingin sa direksyon ko sa tuwing ginagawa ko 'yon.

I just can't help it. Palaisipan sa akin kung bakit palagi akong dinadala ng tadhana sa kanya. This isn't just mere coincidence. I wanted a peaceful space. Binigay ng mundo. Pero 'yon nga lang, ang may-ari ay siya.

"Ayos lang po ba kayo?"

Napatingin ako sa nagsalitang driver at ngumiti.

"Ayos lang po. May iniisip lang."

'Di nagtagal ay tumigil na ang taxi sa gilid ng entrance. Walang parking space dito kasi hindi pa naman siya opisyal na tanawin at hindi rin masyadong nagdadala ng sasakyan ang mga pumupunta. Isa pa, sa sobrang lawak ng lote, maaaring ipasok ang mga 'yon kung sakali.

I literally had to drag my feet towards the massive mansion. Narito si Sherry. I just... don't know how to handle it. I don't know how she will take my presence. I was her husband's ex for fuck's sake! At pinatay ng tatay ko ang kanya.

With every ounce of courage that I have, I pressed the doorbell.

Malimit kong inisip noon kung paano naging maybahay si Sherry. She must be so wonderful to be with. Magaling magluto, maalaga, at malambing. I always imagine seeing them together, happy. With kids, pets, or just themselves. Sinanay ko ang sarili sa pag-iisip ng ganoon bilang parte ng mabagal kong pag-usad, pilit sinasabayan ang matuling takbo ng oras. It hurt each time. But do I really have a choice?

At ngayon, hinahanda ko na ang sarili ko para sa pagbubukas niya ng pinto.

But to my surprise, a middle-aged lady wearing a maid's uniform opened the door for me.

"Sino po sila?"

Lumunok ako. Baka... baka nasa loob lang.

"Uh, dito po ba nakatira si Mr. Mercado?"

I know. But I had to make sure. Baka namali ako ng bahay.

"Opo. Ano po'ng sadya niyo kay Senyorito?"

"Uh, balak ko po kasing bilhin ang lupa niya roon malapit sa hillside ng Basco."

"Ay, pasensya na po kayo, Ma'am. Bilin po ni Sir sa amin na pina-reserba na raw po 'yon."

A voice from behind her interrupted my next question.

"Sino 'yan, Manang?" his baritone voice filled the seemingly empty house.

Napalingon naman ang babae sa kanya.

"Ay, Sir! Nandiyan po pala kayo. May nagbabalak po kasing bumili ng lupa, yung pinareserba niyo po sa may hillside."

Bumilis ang lakad niya patungo sa amin. Kinakabahan ako lalo. Dahil pakiramdam ko, nakasunod na sa kanya si Sherry.

Ngunit nang makita ko siya at pasimpleng tinuon ang pansin sa kanyan likuran, walang ibang taong naroon.

"Come in, then," sabi niya.

"S-Sir?" naguguluhang tanong ng kasambahay.

Pero hindi siya sumagot. Kaya nataranta na naman ako at 'di malaman kung ano ang gagawin.

"Ma'am? Maghihintay lang po ba ako rito?" tanong ng driver sa akin.

"Hindi na po. Ako na ang maghahatid sa kanya."

I don't know if I should say yes or not. Pinangako ko sa sariling hindi na ako muling magpapahatid sa kanya! Ayokong isipin ng ibang tao na kumakabit ako. Dahil hinding-hindi ko magagawa ang ganyang pambabastos sa sarili ko at sa ibang babe.

Shot Through the LightsWhere stories live. Discover now