Kabanata 9

3.3K 234 81
                                    

Uneasy

"Five, six, seven, eight!"

Hinihingal na kami. Kanina pa kami pabalik-balik sa choreo. At mainit na ang ulo ni Ma'am Zai sa amin. She looked so pissed lalo na nang hindi magkapantay ang mga kamay namin sa unang routine.

Umalingawngaw sa buong dance studio ang malakas na tunog ng pito.

"Stop."

Tumingala ako. Sweat trickled down my forehead. Pati na rin sa leeg ko. I grabbed the collar of my sweatshirt and wiped the excess sweat, kahit na alam kong wala ring silbi 'yon kasi parang 'di matigil ang pawis sa pagdaloy.

Hingal na hingal kami habang nag-aabang sa sermon mula kay Ma'am Zai, na halatang hindi nga natuwa man lang sa effort namin para sa routine na 'to. 

"Ano na ang nangyayari sa inyo? Masyado bang masaya ang weekend? Na-eexcite na ba kayo sa break?" sunod-sunod niyang tanong.

Walang sumubok magsalita. Maging ang mga senior na nasa unahan ay nakayuko lang. I rolled my eyes. Kaming mga freshman ang nadadamay, e. Nakatutok ako buong sayaw sa salamin, kaya kitang-kita ko na ang mga senior talaga ang may kasalanan. They've been skipping practices lately kapag wala si Ma'am.

"Are you confident? Tingin niyo dahil ilang taon na kayong champion, hindi na kayo mapapalitan?"

Naglakad-lakad siya.

"Ayusin niyo! We've been at this kanina pa lang. And unang routine pa. We have more routines to practice!"

"From the top!"

Hapon na nang matapos kami. Sobrang pagod na ang katawan ko. Kakabalik ko lang ng Maynila kagabi at agad akong sumalang sa trabahong binigay ni Thelma, kapitbahay ko. And now, we're back to practice.

"Wave, sabay na tayong umuwi—"

Tinanaw ko si Viel nang matigilan siya. Kumunot ang noo ko sa kanya. Nginuso niya naman ang direksyon kung nasaan ang pinto bilang pagsagot. Curious, I looked at where she's pointing.

"HI!"

Nakapamulsa si Aurel at sumandal sa pinto. He's sporting a boyish smile, while mine was weary.

Tumikhim si Viel sa gilid ko at humagikhik.

"Sige, lovebirds, mauuna na ako!" at kumaripas na siya ng takbo kahit hindi ko naman siya pinipigilan.

Bumaling ako kay Aurel.

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Visiting you?" he flashed a shy smile.

Lumapit siya sa akin at tinulungan ako sa pag-aayos ng mga gamit.

"How's the weekend? 'Di kita ma-contact."

For the whole weekend, I turned my phone off. Paminsan-minsan ko lang tinitignan. Pahirapan pa rin kasi ang signal hanggang ngayon sa San Antonio kaya wala ring silbi ang paggamit ng cellphone.

Ngumiti ako nang mapakla.

"Sorry, wala kasing signal. At busy ako whole weekend."

"Really? Bakit, taga-saan ka ba?"

"Province," tipid kong sagot.

Tumango siya at mukhang wala nang balak mang-usisa.

Naglakad kami nang magkasabay. I am aware of the students' stares. These days, people are talking about us. Kahit na hindi naman kami magkasama, pinag-uusapan pa rin kami ng karamihan.

It's something I have always wanted. I crave for fame so much. I love the attention. Pero ngayon, nalilito ako kung bakit normal lang sa akin 'to. Parang hindi na ako nagugulat. Parang wala lang.

Shot Through the LightsWhere stories live. Discover now