Kabanata 21

3.2K 249 89
                                    

Love

Nakahinga ako nang maluwag pagkatapos ma-update ang scholarship ko sa opisina ng admissions and aid kanina. Ang taas kasi ng linya dahil bayaran na ng tuition at dinagsa ang office ng mga estudyanteng nagmamadali.

As usual, I was alone. Hindi kagaya noon na kasa-kasama ko pa ang mga kaibigan. O 'di kaya'y ibang tao. And it's actually fine. Great, even.

"Salamat po," ngiti ko sa staff na tumanggap ng documents ko.

It was sunny. But the wind is cold. Unti-unti nang nagpaparamdam ang Pasko. At habang gusto kong umuwi para i-celebrate 'yon, hindi na nakayanan sa pera. Kapos pa rin ako.

My 18th year in this world was celebrated humbly. Iilan lang ang nakaalala at bumati. Tumawag ako kina Nanay para mangamusta. Ngunit parang hindi naman nila naalala.

"O, anak, napatawag ka?"

"M-Mangangamusta lang ho sana."

"Ah, 'yung lupa. Naku. Malapit na malapit na, anak! May nagtitingin na rito. Sana lang talaga ngayong taon na."

Malungkot akong ngumiti.

"Sige po, Nay. Mabuti naman kung ganoon."

Narinig kong bumuntong-hininga siya sa kabilang linya.

"Oo nga. Oh, sya. Sige na. Ibababa ko na, ha? Mag-ingat ka riyan palagi."

Binaba ko na lang ang tawag.

I didn't get any greeting from them that day. And that's alright. Malaman ko lang na maayos sila ay sapat na sa akin.

My parents never really celebrated my birthday. Kaya nasanay na lang din ako na walang gano'n. Konting kain lang kasama sila at simpleng pagbati. Espesyal na 'yon sa akin. Ngayon lang 'ata na nakalimutan nila.

Ayokong malungkot. Ngunit dahil sa mga nangyari nitong nakaraang buwan, hindi ko mapigilang isipin 'yon nang paulit-ulit hanggang sa naiyak na lang ako habang gumagawa ng assignment.

Ayos lang naman talaga. Masakit nga lang.

And then I remembered how that night turned out alright.

"Happy birthday."

Napatigil lang ako sa pag-iyak nang makita kong nasa labas ng apartment unit ko si Sergio, may dalang maliit na cake galing sa mamahaling restaurant at iilang pagkain. Ni-check ko ang oras at nakitang pasado alas diyes na ng gabi. Dalawang oras na lang at matatapos na ang kaarawan ko.

Hindi ko inakalang alam niya. Wala naman akong sinabi. Dahil nahihiya akong wala akong alam na birthday niya noong nakaraan.

Halos 'di na ako makatingin sa kanya ngayon. Nakikiusyuso naman ang mga tambay dito at nagpaparinig na baka pwedeng saluhin ni Sergio ang inuman nila.

"W-What's that?" nahihiya kong tanong.

"Cake. And... a little bit of food."

Tinagilid ko ang aking ulo. Maliit lang pala para sa kanya ang dalawang malalaking bag na bitbit. Sige.

"Pasok ka. Maginaw dito sa labas," aya ko saka mabilis na nauna.

The gate creaked as he closed it behind him. Mukhang nahirapan siya dahil sa mga dala-dala at halos pukpokin ko ang ulo ko dahil hindi ko man lang naisip na tulungan siya!

Dali-dali naman akong lumapit sa kanya para kunin ang isang bag at ang cake.

"A-Ako na."

He silently nodded and gave me the bag. But not the cake. Nang subukan kong kunin 'yon mula sa kanya, umiling lang siya at tumuloy na sa apartment.

Shot Through the LightsWhere stories live. Discover now