Kabanata 28

3K 187 17
                                    

Wish

"Mamaya ka na tumawag! Tangina naman. Tatawag ka, palpak pa ang dala mong balita."

Ayan na naman si Tatay sa katawagan niya. Konti na lang at iisipin ko na talagang may kabit siya. Pero dahil nagmumura at mukhang sa kung anong importante ang paksa nila, nagdalawang-isip ako.

And I let that go. Mahirap nang may sagutang mangyari dahil lang sa pagpupumilit ko. Mauuwi na naman sa pagiging bayolente ni Tatay.

I sighed at the view before me, momentarily letting go of my worries.

"Happy 3rd, love," malambing na bati ni Sergio. "I love you."

Narito kami ngayon sa Rapang Cliff, kung nasaan ang mga stone bell. We hiked for almost two hours. Paminsan-minsan lang kaming tumitigil para magpahinga saglit. At tutuloy na naman matapos ang ilang minuto kasama ang guide na si Manong Elvin.

The sun is yet to rise. Minabuti naming magmadali para makita ang pagsikat ng araw. Sergio insisted on this trip. Natuwa naman ako dahil kahit dito nanirahan sa Batanes, hindi ko pa nalilibot ang buong probinsya.

Dwarf date palms and bonsais gathered around the area. There were also different kinds of animals. Nagmistulang isang zoo ang lugar. Ang kaibahan lang, hindi sila nakatali.

I felt Sergio's arms wrap around me from behind.

Naasiwa akong tumingin-tingin at hinanap si Manong Elvin dahil baka nakamasid na ito sa amin ngayon. Nakakahiya!

Nakahinga naman ako nang maluwag pagkakitang wala si Manong sa malapit. Nagpaalam nga pala siyang bababa saglit dahil may aayusin sa baba.

And so, I rested my head on his chest, feeling the soft yet loud thumping of his heart pressed against me.

Three years. Three years of love, friendship, pain, sadness, and joy.

Hindi perpekto ang pagsasama namin. Marami naman kaming mga hindi pagkakaunawaan. Ngunit sa huli'y pinipili naming unawain ang isa't isa. Hindi lumulubog ang araw na may sama ng loob at hinanakit.

"Happy 3rd anniversary. I love you too," tahimik kong saad.

The sun shone on the horizon, slowly unfolding as its light sprawled across the skies in different directions. Clouds parted, as if making way for a new beginning.

Hinawakan ko ang mga braso ni Sergio na nakapulupot sa akin. He dropped kisses on my head before he slowly went down to my cheeks. And finally, he rested his head on my shoulder.

Humigpit ang hawak ko at pumikit. Ayokong matapos ang araw na 'to.

Marami akong inaalala. Maraming problema ang bumabalot sa isipan ko. Ang pamilya, pera, at ang relasyon namin ni Sergio. Kulang na lang ay biyakin ang ulo ko sa dami ng dinadala nito ngayon.

Kaya ninanamnam ko ang iilang saglit kasama si Sergio. Dahil ito na lang ang pahinga ko. Ito na lang ang nagsisilbing paalala sa akin na sa kabila ng sakit, maganda pa rin ang mundo. Masarap pa ring mabuhay.

But that came with another thought. And I think... that's what I feared the most.

Paano kung hindi kami magtatagal? Paano kung gigising na lang ako sa isang araw na wala nang kami? Paano kung sa isang iglap, mawawala lahat?

I don't want to think about it. But the world is uncertain. You can never be so sure of everything. This is reality. Believing that love alone can keep two people happy together is an illusion—a dream. Walang ganoon sa totoong buhay, kahit gaano man natin kagusto 'yon.

"Labhan mo 'yan lahat, ah, hija? Pati na rin pala yung mga tuwalya sa likod. Pakikuha na lang!"

Ngumiti ako. Ngunit mabilis ding nawala 'yon nang tumalikod ang panibago kong kliyente.

Shot Through the LightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon