Kabanata 7

3.5K 244 113
                                    

Hate

"Maraming salamat ho, Manong."

Tumango lang ang driver ng sinasakyan kong traysikel. Sinuot ko ang mabigat na backpack at nagtungo na sa kahoy naming gate.

Ganoon pa rin naman ang bahay naming gawa sa semento at kahoy. Walang pinagbago.

Tinaas ko ang aking kamay para abutin ang trangkang gawa sa kahoy. Nahirapan pa ako dahil sa malaki kong bag.

"Nay! Nay! Si Ate!"

Nakahinga ako nang maluwag nang makita si Alex, ang pangalawa sa aming tatlong magkakapatid.

Tumakbo siya tungo sa akin at buong giliw akong sinalubong. Nakabuntot naman sa likuran niya si Evelyn, ang bunso sa amin.

"Aba, ang lalaki niyo na, ah?"

Umirap si Alex. Ang dati'y palaging buhaghag na buhok ay nakatali na ngayon. May mga clip din sa kaliwang parte ng buhok.

"'Wag ka ngang oa, Ate. Ilang buwan ka lang namang nakaalis."

"May pagkain ka?"

Umiling ako sa tanong ni Lyn at inabot ang backpack. Sa bus terminal, maraming nagtitinda ng kung anu-ano kaya minabuti ko na lang na bumili ng konting pasalubong para sa kanila.

May pastillas, otap, at dried mangos. Pinagpiyestahan naman nila ito at parang nakalimutan na ako.

"Ang bababoy niyo talaga. Tulungan niyo nga ako rito," biro ko.

"Kaya mo na 'yan, Ate. Tumataba ka na rin naman," ani Alex habang ngumunguya.

"Wave, anak?"

Napalingon ako sa tumawag sa akin mula sa maliit naming hardin, at nakita ko si Nanay na may bitbit na mga labahang hindi 'ata natuyo nang maayos gawa ng masamang panahon ng nagdaang gabi.

Gumuhit ang ngiti sa aking labi.

Kahit na ilang taon na ang lumipas, at pinagdaanan na ng panahon ang kanyang buhok at mukha, nasilayan ko pa rin ang munting kagandahan niyang pinamana sa aming magkakapatid.

Binaba niya ang dalang labahan at pinuntahan ako.

"Nakakain ka na? Alas tres na ng hapon! Baka gutom ka!"

"Ayos lang po. May pagkain naman doon sa eroplano kanina."

Mabuti nga at hindi sobrang mahal ng ticket pabalik dito. Wala rin naman kasing masyadong pumupunta sa Batanes.

"Si Tatay?"

"Nandoon sa barkada niya. Hay naku. Sana at hindi umuwing lasing. Bawal pa naman siyang maglasing!"

Napukaw doon ang interes ko.

"Naglalasing pa rin siya, Nay?"

Biglang nanahimik si Nanay. At imbes na sagutin ako, nilihis niya ang usapan.

"Akala namin, e, umaga ka darating."

Pumasok na kami sa bahay. Tinulungan ko si Nanay na magsampay bago tuluyang pumasok sa loob para ilagay ang mga gamit ko.

I removed my socks and my jacket.

"Kaninang alas diyes ho ako dumating. Kaso, andaming pasahero ng bus. Siksikan. Naghanap ako ng jeep, pero punuan din. Kaya naghintay na lang ako."

"Sigurado kang hindi ka gutom? Ipagsasaing kita. Tamang-tama at itong si Alex marunong nang magluto," aniya.

Napaangat ang kilay ko sa kapatid na may hambog na itsura dahil sa sinabi ni Nanay.

Shot Through the LightsWhere stories live. Discover now