Kabanata 23

3.2K 217 65
                                    

Distance

The more you long for something, the more the world pulls back.

It's an insane game of chase. Gustong-gusto mo ang isang bagay, ngunit ayaw 'yon ibigay sa 'yo ng mundo sapagkat may mas mabuting nakalaan para sa 'yo. At ang gagawin mo lang ay maghintay. Wala ng iba.

Pero hanggang saan aabot ang paghihintay?

"Ganoon ba? Hindi raw nila bibilhin?"

Tahimik lang akong nakinig sa tabi ni Nanay habang katawagan si Tita Alice sa telepono. Bakas sa kanyang mukha ang pagiging problemado dahil sa narinig na balita.

"Ibaba niyo na lang kaya ang presyo? Parang ang mahal lang din naman kasi ng dalawang libo kada metro kwadrado."

I watched as she closed her eyes tight and nodded.

"Sige, sige. Sige na. Salamat, Alice, ibababa ko na," paalam ni Nanay.

She silently put the telephone back and looked at me. Hindi na niya kailangan pang sabihin sa akin kung ano'ng nangyari. Her face says it all.

Bumuntong-hininga ako at inakay na siya paalis sa bahay ng may-ari ng ginamit naming telepono.

"Baka may iba pang pwedeng buyer? Malay mo tataasan ng isa pang libo ang bayad kapag nagkataon at sinuwerte tayo," sinubukan kong magbiro.

Isang malungkot na ngiti lang ang nagpakita sa kanyang mukha.

"Gusto ko lang naman kasing tumigil ka na sa pagtrabaho, e. Dapat maganda ang buhay mo ngayon, anak."

I did not say anything to her. Maging ako ay gusto 'yon. Hindi lang para sa akin, ngunit para na rin sa mga kapatid ko at sa mga magulang ko. Pero ganoon talaga ang buhay. Kahit gaano mo ka-gusto, kung hindi naman para sa 'yo, walang mangyayari.

Sinubukan ko na lang na magbukas ng ibang mapag-uusapan. Ngunit walang gana si Nanay at puro tango at ngiti lang ang tinutugon sa akin hanggang sa makauwi kami.

Sa may pintuan pa lang ay nakaabang na si Tatay sa amin, gusto ring makibalita.

Nag-aalinlangan ako sa sasabihin ko. Mainitin na ang ulo ni Tatay ngayon gawa ng maliliit na pasahod sa mga pinagtatrabahuan niya at ng katawagan niya gabi-gabi. Alam kong hindi 'yon babae. Kasi parati siyang galit sa tuwing nagkakausap sila.

"H-Hindi raw po bibilhin—"

"Ano?" malamig niyang tanong.

Kinagat ko ang labi ko.

Sarkastiko siyang tumawa.

"Sinasabi ko na nga ba! Nagpapalusot lang 'yang mga kapatid mo!" bulyaw niya kay Nanay. "Palibhasa mga nakapagtapos, kaya niloloko na lang tayo!"

Katulad ko, gulat din si Nanay sa paratang ni Tatay.

"Dante, ang paliwanag ni Alice ay masyado raw mahal ang lupa! Hindi ganoon ang mga kapatid ko—"

"Hindi! Gusto nilang angkinin ang lupa! Mga putangina! Kung alam ko lang, hindi na ako pumayag!"

I couldn't understand where he's coming from and what he's fighting for.

Halos mamula ang kanyang buong mukha sa galit. Napaatras naman si Nanay sa nakita sa kanya at mabilis akong dumalo kay Nanay.

"Mga putangina! Ako pa talaga ang lolokohin? May araw sa 'kin 'yang mga kapatid mo!" he darkly said.

Pagkatapos ay sinipa niya ang isang plastik na upuan saka umalis. Maglalasing na naman siguro 'yon kagaya nitong mga nakaraang araw. Akala ko wala na ang masamang bisyo niya. Pansamantala lang palang natigil. Ngayon ay bumalik na naman.

Shot Through the LightsWhere stories live. Discover now