CHAPTER THIRTY-SEVEN

50 2 0
                                    

🌹🌹🌹

CLARA have a busy day ahead. Maraming order ng cake mula sa website na ginawa niya noong nakaraang linggo lang. Nitong huling buwan ay maayos ang takbo ng kanyang negosyo. Biglang naging patok ang kanyang cake shop. Hindi na nga niya alam kung ilang cake ang natatapos niya sa isang araw. Minsan kahit nasa bahay na siya ay inaasikaso pa niya ang order ng kanyang mga kliyente. Pero kahit ganoon ay may oras pa rin siya sa anak.

Hindi pwedeng hindi niya ito masundo sa paaralan. At kapag kasama na niya ito ay dapat wala na siyang iniisip na trabaho. Bumabalik lang siya sa trabaho kapag tulog na ang anak. Doon niya lang maasikaso ang order ng kanyang magkliyente. Hindi niya inaasahan ang swerteng dumating sa buhay niya. She hired more staff. At nagpapaplano pa nga siya na kapag naging patok ang online store niya ay magtatayo siya ng isang store na siyang mag-aasikaso ng lahat ng order online. Ayaw niyang mawalan ng oras para sa anak kaya kailangan niyang pagplanuhan ang lahat.

Natigil sa paglagay ng decoration ng cake si Clara ng umilaw ang kanyang cellphone. Tiningnan niya iyon at ng makita ang pangalan ng nagpadala ng mensahe ay hinubad niya ang suot na disposable plastic gloves. Ipinatong niya iyon sa mesa at binasa ang pinadalang mensahe ng taong iyon.

‘Hey! How’s your day?’

Napangiti si Clara ng mabasa ang mensaheng iyon. Tatlong buwan na rin ang lumipas mula ng huling nagkita sila. At dalawang linggo na rin silang nag-uusap. Hindi niya alam kung anong nagtulak sa kanya na subukan padalhan ng mensahe ang dating numero nito sa kanyang phone. Nagulat pa nga siya ng gumanti ito sa kanyang mensahe. They talk like before.

‘Busy as always. Maraming order ngayong araw. Ikaw? Kamusta ang opisina?’ sagot niya.

Umupo siya sa upuan na nandoon at pinakatitigan ang mensahe na pinadala nito. She loves their conversation. Para kasing walang nagbago sa kanilang dalawa.

‘Busy like you. Tatlong meeting ang pinuntahan ko ngayong araw. We also close a deal. Papasukin na rin naming sa wakas ang U.S market.’

Napangiti siya lalo. ‘That’s good to know. Congratulations! I’m sure, Tita Ivy is happy for you.’

‘Mom is very happy. How’s Jewel by the way? Is she alright?’

Napalabi si Clara ng mabasa ang tanong na iyon ni Cole. Hindi pwedeng hindi makamusta ni Cole si Jewel sa tuwing nagkaka-usap sila. Palagi nitong tinatanong ang kanyang anak.

‘She is fine. Busy sa studies niya. Lagi na lang nagbabasa ng libro sa kwarto niya.’

‘She is smart like her mom. I’m proud of him.’

Lumapad ang pagkakangiti niya sa sinabi nito. Titipa ulit sana siya ng mensahe ng may munting kuting na nagsalita sa kanyang tabi.

“Mom, why are you smiling?”

Napayuko siya at nakita ang anak na nakatingala sa kanya. Salubong ang kilay nito. Nasakasuot na ito ng pajama at ang alam niya ay matutulog na ito. Kaya naman nagtataka siya kung bakit gising pa ito. Binitiwa niya ang hawak na telepono at yumuko para buhatin ang anak. Pinaupo niya ito sa upuan na kanina ay inuupuna. Mataas iyon kaya nanatili ang kanyang kamay sa pagkakahawak sa anak.

“Baby, why are still awake?” tanong niya.

“I want to drink milk. Can you make one for me, mommy?”
Napangiti siya sa tono ng boses ng anak. Minsan lang maglambing sa kanya si Jewel kaya talagang sinusulit niya ito. Hinawakan niya ang ulo nito at ginulo ng bahagya.

THE GIRL IN RED DRESS (Cousinhood Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon