CHAPTER THIRTY-FOUR

48 3 0
                                    

🌹🌹🌹

NANGINGINIG SA ISANG sulok si Clara habang hinihintay nila ang doctor na tumingin kay Jewel. May tama nga sa tagiliran ang anak niya. Hindi niya talaga napansin iyon kanina. Bakit ba kasi hindi niya tiningnan ang kalagayan ng anak? She is nothing but a importel mother. She hates herself more. Hindi niya naprotektahan ang anak.

“Marie, calm down.” Hinawakan ni Kurt ang kamay niya na nanginginig ng mga sandaling iyon.

Nataas siya ng tingin. Nanlalabo ang kanyang mga mata dahil sa pag-iyak. Walang tigil iyon sa pagpatak mula pa kanina. Dalawa lang sila ni Kurt ng mga sandaling iyon. Wala ang kanyang mga magulang dahil parehong nasa U.S ang mga ito pero uuwi sila ngayong gabi. They are already at the airport as Kurt speak to them.

“How can I calm down? Nasa operating room ang anak ko, Kurt. Hindi ko alam kung makakalabas ba siya ng buhay. Hindi ko alam kung mayayakap ko ba siya ng mahigpit. I let my daughter shot. Hindi ko siya na protektahan kaya paano ako kakalma.” Sigaw niya.

Pagod na pagod na siya pero ayaw pa niyang sumuko. Pakiramdam niya ay durog na durog ang puso niya ng mga sandaling iyon. Knowing that her beloved daughter is fighting for her life inside. Kung pwedeng ipagpalit ang sitwasyon niya sa sitwasyon ngayon ng anak. Bakit ito pa? Dapat siya ang nasa loob. Siya dapat ang nag-aagaw buhay ngayon.

“I know! I know how hurt you are but Jewel is a strong child. She will be okay. She will be fine. Magtiwala ka lang kay Jewel, Marie.” Niyakap siya ni Kurt.

“I can’t lose her, Kurt. I can’t lose my child.” Sa dibdib ni Kurt umiyak ng umiyak si Marie.

She cries hard for her daughter. She cries hard at Kurt’s shoulder. Nasa ganoong sitwasyon sila ng lumabas ang doctor ni Jewel. Mabilis silang tumayo at lumapit ni Kurt. She is praying that they will hear a good news.

“Doc, k-kamusta ang anak ko?” nanginginig ang kamay na tanong niya.

Malungkot na tumingin sa kanya ang lalaki. Muling umayos ang mga luha sa kanyang mga mata at kung siya agad nasalo ni Kurt ay baka napa-upo na siya sa sahig.

“Misis, magpakatatag po kayo. Nakuha na naming ang bala sa likuran niya pero kailangan niyang masalinan ng dugo. She lose to much blood.”

“I can donate my blood.” Agad niyang wika.

“Your daughter blood type is positive B.”

Nanlamo si Clara ng marinig ang sabi ng doctor. “Positive A.”

Isang malalim na paghinga ang ginawa ng doctor. Tumingin ito kay Kurt. “How about you?”

“I’m sorry, doc. Negative O po ang blood type ko.” Malungkot na sagot ni Kurt.

Napatingin siya kay Kurt. Nakikita niya ang lungkot sa mga mata nito. Alam niyang gusto din nitong iligtas ang kanyang anak.

“I check the blood bank. Baka mayroon doon na pwede sa anak niyo. Pero baka may kakilala kayo na pwedeng mag-donate. Just tell me. Your daughter needs a blood transfer, right now.” Hinawakan ng doctor sa balikat si Kurt bago bumalik sa loob ng operating room.

Tuluyan siyang napa-upo sa sahig ng mawala ang doctor. Hindi na siya nasalo pa ni Kurt.

“Clara…” Pumantay na din sa kanya si Kurt. “Please be strong. Jewel needs you right now.”

“Kurt…” tawag niya dito sa pagitan ng kanyang pag-iyak. “Si Jewel… Anong gagawin ko?”

“We need to find blood donor. I will call my cousin. Baka isa sa kanila ang pwedeng mag-donate ng dugo.”

THE GIRL IN RED DRESS (Cousinhood Series 1)Where stories live. Discover now