CHAPTER ELEVEN

88 7 1
                                    

🌹🌹🌹

PILIT siyang kinukumbinsi ni Cole na mag-file ng case against sa lalaking namantala sa kanya ngunit kagaya ng una ay sinabi niyang hindi na. Hindi naman niya kasi alam kung na saan na ang lalaking iyon. Naglaho ito ng parang bula. Wala din naman pupuntahan ang kaso niya kahit anong gawin niya. Ayaw na niyang ilaan ang oras sa taong gumawa ng masama sa kanya. She is trying to move on.

Hinayaan naman siya ng kaibigan kahit kitang-kita niya ang galit nito at kagustuhan na bigyan siya ng hustisya. Nagpapasalamat siya at nariyan si Cole sa tabi niya. Lagi na itong pumupunta sa cake shop niya. Madalas na itong pumupunta para sunduin siya, lalo na kapag gabi na sila nagsasara. Sinabi niya din kasi rito na hindi niya kayang sumakay ng taxi. Nagkaphobia siya dahil sa nangyari. Cole volunteer to pick her up in the morning and in the night. Minsan na itong nakita ni Kurt pero wala naman sinabi ang dating nobyo.

"Ma'am Marie, kami na po rito," sabi ng assistant niyang si Jasmine.

Natigil siya sa ginagawa at napalingon sa kanyang assistant. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Cole na nakatayo sa tabi nito at may hawak na plastic bag.

"Hello. I brought lunch. Want to eat with me?" May ngiti ang labing tanong nito.

Napangiti naman siya at binitawan ang hawak na icing spatula. Pinunasan niya muna ang kamay bago lumapit sa kaibigan.

"Anong binili mo?" tanong niya.

"I brought you favorite. Fried chicken and spaghetti."

Naglakad sila palabas ng kitchen. Madalas ay sa opisina niya sila kumakain dalawa. Masaya siya kapag kasama si Cole. Hindi niya alam pero gumagaan ang pakiramdam niya kapag nakikita ito. At kapag hindi naman ay hinahanap niya si Cole. Minsan nga ay tinawagan niya ito dahil nais niyang marinig ang boses ng kaibigan bago matulog. Para bang kompleto ang araw niya kapag nakikita at nakakausap ito. Hindi niya alam kung bakit ganoon siya sa kaibigan, marahil ay dahil sinabi niya rito ang totoong nangyari sa kanya. Naging sandalan niya ito ng mga sandaling iyon. He is really her best friend. At tinutupad naman ni Cole ang pangako nito na hindi siya hahayaan na mag-isa.

Papasok na sana sila sa opisina niya ng may narinig silang tumawag sa kanya. Nakita niya si Kurt na nakatayo hindi kalayuan sa kanila.

"Marie, can we talk? Please!" Nagmamaka-awa ang mga mata ni Kurt na nakatingin sa kanya.

Napatingin siya kay Cole. Walang emosyon ang mga mata nito. Walang araw yatang hindi pumupunta sa cake shop niya si Kurt at naghihintay na ka-usapin niya. Madalas lang itong nakatingin sa kanya at kay Cole. Ngayon lang ulit ito naglakas loob nalapitan siya at kausapin. Muli siyang napatingin sa dating nobyo.

"Okay." Napatingin siya kay Cole. "Ka-usapin ko lang siya. After this sasamahan kita kumain."

Napatingin sa kanya si Cole. Wala paring emosyon ang mga mata nito. "Okay," sagot nito at hinalikan siya sa noo.

Bigla siyang natigilan sa ginawa ng kaibigan. Nagulat siya sa ginawa nitong paghalik sa kanya. Nakita niya naman ang sakit sa mga mata ni Kurt. Hindi niya iyon pinansin, hindi siya pwedeng maging marupok ng mga sandaling iyon. Nang makapasok sa office niya si Cole ay lumapit siya kay Kurt.

"Doon tayo." Itinuro niya ang isang mesa na malayo sa costumer. Tumungo naman si Kurt.

Na-una na siyang lumakad. Alam niyang nakasunod sa kanya si Kurt. Pinaghila pa siya nito ng upuan. Magalang siyang yumuko at umupo.

"Thank you."

Nakita niyang may sumilay na ngiti sa labi ni Kurt. Umupo naman ito sa kabilang bahagi ng mesa.

THE GIRL IN RED DRESS (Cousinhood Series 1)Where stories live. Discover now