CHAPTER NINE

89 6 5
                                    

🌹🌹🌹

KANINA pa hindi mapalagay si Kurt mula sa labas ng kwartong kung saan sinusuri si Marie. Agad niyang isinugod ang nobya sa ospital ng bigla itong nawalan ng malay. Ilang araw na silang hindi nag-uusap ng nobya at alam niya na malaki ang pagkukulang dito. Ngayon niya lang napagtanto kung ang pagkakamali at pagkukulang niya sa babaeng minamahal. He loves Marie so much na naging masyado siyang kampanti na sapat na iyon para tumagal ang relasyon nila at hindi mauwi sa hiwalayan. Hindi naman nakikipaghiwalay sa kanya ang nobya pero sa nangyayari ngayon sa relasyon nila maaaring makipaghiwalay ito sa kanya at iyon ay kinatatakutan niya.

Hindi niya alam kung paano mabubuhay sa kaalaman na wala na sa tabi niya ang babaeng minahal ng higit walong taon. Naging pabaya siyang nobyo, at alam niya iyon kaya naman pinagsisihan niya ng mga sandaling iyon ang mga nagawa. Kaya nga hindi siya tumitigil sa pagsuyo rito.

"Couz." Napatigil siya sa paglalakad ng marinig ang boses ng pinsan na si Santi.

"Santi!" Nakipag-brotherhood handshake sa kanya si Santi.

"Kamusta si Marie?" tanong nito.

"I don't know yet. Hindi pa lumalabas ang doctor mula pa kanina," sagot niya.

Tinapik ni Santi ang kanyang balikat. "Marie is a strong woman. She can get over with it."

"Thank you. Sana lumabas na ang doctor. Nais ko ng malaman kung bakit nagkakaganito si Marie."

"Ano ba kasing nangyari?" Umupo si Santi sa upuan naruruon. Sumunod siya sa pinsan.

"Hindi ko alam." Napabuntong hininga siya. "Pagkabalik ko mula Baguio ay bigla nalang nagkaganito si Marie. Ayaw niya akong kausapin o kahit man lang hawakan ay ayaw niya. She is suddenly cold to me. At hindi ako sanay na ganoon siya sa akin. Alam mo kung gaano kalambing sa akin ang nobya ko." He said frustrated suddenly.

Hindi umimik si Santi. Tumingala ito at hinagod ang noo. "Did you know why she is like that? Did you ask her?"

"Yes. And it's all my fault. Naging pabaya akong nobyo. Kapag naiisip ko kung ano ba ang ginawa ko sa loob ng dalawang taon ng relasyon namin, ngayon ko lang naisip na nawalan ako ng oras kay Marie. Hinayaan ko siyang mag-isa. Kahit ang simpleng achievement niya sa buhay ay wala ako. Iyong mga importanteng araw sa buhay n-nito ay hindi ko man lang siya si...." Huminto siya sa pagsasalita ng maramdaman na parang may bumara sa lalamunan niya. Hindi niya namamalayan na umiiyak na pala siya ng mga sandaling iyon.

Marahang tinapik ni Santi ang balikat niya. "We all know Marie. She loves you. Papatawarin ka noon. Humingi ka ng tawad sa kanya at ayusin mo na ang relasyon niya sa pagkakataong ito."

Pinunasan niya ang mga luhang lumandas sa kanyang pisngi. "Sana nga mapatawad niya ako. Dahil ng mga sandaling tinutulak niya ako paalis ng bahay at buhay niya ay parang dinudurog ang puso ko. Hindi ko kakayanin kapag nawala sa akin si Marie."

"Cous, hindi sasayangin ni Marie ang walong taon na pinagsamahan niya. Sigurado ako, mag effort ka ulit sa relasyon niyo at iparamdam mo sa kanya iyang pagmamahal mo, babalik sa iyo si Marie."

"Sana tama ka, Cous. Sana hindi ako iwan ni Marie."

Ngumiti ng marahan si Santi sa kanya at tinapik ang kanyang balikat. Kahit papaano ay lumakas ang loob niya sa sinabi ng pinsan. Ayaw niyang mawala sa kanya si Marie. Hindi siya makakapayag na tuluyan itong mawala sa kanya. Mahal na mahal niya ang dalaga, noon at hanggang ngayon.

NAKAUPO at hawak ni Kurt ang kanyang kamay ng inimulat niya ang kanyang mga mata. Sumalubong sa kanya ang puting dingding at amoy ng gamot. At sigurado siya ng mga sandaling iyon ay nasa ospital siya.

THE GIRL IN RED DRESS (Cousinhood Series 1)Where stories live. Discover now