CHAPTER THREE

110 6 4
                                    

🌹🌹🌹

PAMILYAR KAY Clara ang daan na tinatahak nila ni Cole. Napatingin siya sa kaibigan. Nakatingin din pala ito at may isang ngiti sa labi nito.

“They miss you,” anito.

“Maganda itong pambawi mo pero saka na ako matutuwa kapag nakita ko na talaga.” Pinataray niya ang boses.

Ayaw niyang ipakita sa kaibigan na masaya siya sa ginawa nito. Nang makapasok sila sa malaking gate at tinahak ng driver ang malawak na pathway ay lalong nilukob ng saya ang puso niya. Huminto sa isang malaking mansyon ang kotse. Unang lumabas si Cole para pagbuksan siya ng pinto. Inalalayan siya nitong makalabas. Ito ang mansyon ng Saavadra at alam niyang hindi madalas ang mga ito doon. Hindi niya alam kung anong trip ng ama ni Cole dahil hindi talaga doon dumutoy ang pamilya Saavadra dito sa Manila. May bahay ang mga ito sa isang kilalang subdivision din pero hindi kasing laki nito. Doon sila madalas ni Cole kapag weekend maliban sa park. Ginagamit lang ang mansyon kapag may mga importanting event o party ang Saavadra.

Pinakatitigan niya ang lugar. Iyon ang panglimang beses niya sa lugar na iyon pero wala siyang nakikitang pagbabae. Maganda pa rin ang lugar. Maraming bulaklak sa gilid ng bahay. Iyong mahabang pathway ng sasakyan ay maraming bulaklak na nakalagay. Mahilig sa bulaklak si Tita Ivy kaya di na rin nakakagulat. May fountain sa gitna ng pathway kung saan umiikot ang mga sasakyan. Nakita niya sa gilid ang tatlong kotse ng pamilya Saavadra. Ang alam niya ay walang pinsan si Cole. Nalaman niyang walang pamilya si Tito Carl habang si Tita Ivy ay tinakwil ng pamilya nito noong nagpakasal kay Tito Carl. Kaya walang itinuturing na pinsan ang kaibigan. Nag-iisang anak din ito. Hindi na kasi pwedeng mabuntis si Tita dahil mapanganip dito.

“Let’s go.” Inilahad ni Cole ang kamay.

Gusto niyang irapan ang kaibigan pero pinigilan niya ang sarili. Ngumiti siya dito at tinanggap ang kamay nito. Magkahawak kamay silang pumasok ng mansyon. Isang katulong ang nagbukas sa kanila ng pinto bago pa sila makalapit at kumatok.

“Magandang umaga, Senoirito Cole.” Magalang na bati ng katulong.

“Magandang umaga din, Celine. Sina mommy?” tanong ni Cole ng makapasok sila sa loob ng mansyon.

“Nasa outside patio po sila, Seniorito.”

“Salamat.” Humarap sa kanya si Cole. “Tara.”

Tumungo siya sa kaibigan. Naglakad sila papunta sa isang side ng mansyon kung saan may daan papunta sa swimming pool kung nasaan naman ang patio. Sumalubong sa kanila ang malawak na pool at sa side noon ay ang patio. Nabuhay ang saya sa puso niya ng makita ang dalawang taong nakaupo sa puting sofa. Nag-uusap ang mga ito. Nakangiting lumapit sila ni Cole sa mga ito. Malapit na sila ni Cole ng mapansin sila ng dalawang taong iyon. Tumayo si Tita Ivy at agad siyang silang sinalubong.

“Clara, hija.” Niyakap siya ng mahigpit ni Tita Ivy.

Gumanti din siya ng yakap dito. Ilang buwan na ba niyang hindi nakikita ang mga ito. Nakikita lang naman niya ang mga ito kapag sinasama siya ni Cole sa bahay ng mga ito. Kumawala si Tita Ivy sa pagkakayakap sa kanya at sinipat ang suot niya. May ngiting naglalaro sa labi nito.

“Kinidnap ka na naman ng anak ko, ano?”

Alam niya kung anong ibig nitong sabihin. Halata kasing pangbahay ang suot niya tapos hindi pa maayos ang pagkakatali niya sa buhok. Hidni na niya iyon naayos kanina sa loob ng sasakyan dahil sa presensya ng kaibigan. Kapag inayos niya kasi ang buhok niya ay siguradong guguluhin lang nito.

“Mommy…” reklamo ni Cole na ikinatawa nilang dalawa ni Tita.

“Yes po, Tita. May kasalanan kasi itong anak niyo sa akin.” Pagsusumbong niya.

THE GIRL IN RED DRESS (Cousinhood Series 1)Where stories live. Discover now