CHAPTER SEVEN

80 7 1
                                    

🌹🌹🌹

NAKATITIG si Marie sa dalawang tao na nasa harap niya ng mga sandaling iyon. Hindi niya akalain na si Lincoln at Trixie ang magkakatuluyan. Of course, she remembers Trixie. Ito ang babaeng tahasang nagsabi na gusto nito ang kaibigan niya. Ito din ang partner ni Cole noong Junior prom nila. Hindi niya akalain na sa pagbabalik ni Lincoln ng Pilipinas ay kasama nito si Trixie at magpapakilala sa kanya na nobya ng kaibigan.

"What are you doing now, Cole?" tanong niya sa kaibigan.

"I'm the one handling the business of my parents," sagot ni Lincoln.

"He is now the CEO of Redwave Group of Companies. Kaya nga super proud ako dito sa boyfriend kong ito," sabi ni Trixie at yumakap sa braso ni Lincoln.

"I'm also proud of you," sabi ni Lincoln na puno ng paghangang nakatingin kay Trixie.

She suddenly feels something in her heart. Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng inggit kay Trixie. Lincoln looks like he is so in love with her. Iyong ngiti at titig nito ay nagsasabing mahal na mahal nito si Trixie. Alam niya iyon dahil ganoon tumitig sa kanya si Kurt dati. Nakaramdam ulit siya ng munting kirot sa puso ng maalala ang nobyo. Napayuko na lang siya ng makitang hinawakan ni Lincoln ang pisngi ni Trixie, puno iyon ng pagsuyo. And the green monster is eating her heart.

"Aries, umayos ka nga? Nasa harap natin si Clara." Narinig niyang suway ni Trixie sa nobyo.

Napangiti siya ng mapakla. Huminga siya ng malalim bago nag-angat ng mukha. Nagtagpo ang kanilang mga mata ni Lincoln. Ngumiti sa kanya ang kaibigan. Ngiti na dati ay tanging sa kanya lang nito ibinibigay.

"It's okay to you right, Clara?" tanong ni Lincoln.

"Ha!" napakurap siya at napatingin kay Trixie. "Ya! It's okay. Ganyan naman pag-inlove ang isang tao. They don't mind about the people around. Fucos lang sila sa isa't isa."

"You really know what I feel, Clara," sabi ni Trixie. "So, kamusta ka naman? What do you do right now?"

"I own this cake shop," sagot niya.

Tumungo si Trixie at Lincoln. Inikot ng mga ito ang tingin sa loob ng cakeshop niya. Napayuko naman siya. Wala pa siyang masyadong maipagmamalaki ngayon. Yes! She owns a cake shop but it's not big like the others. Marami pa siyang bigas na kakainin. Marami pa siyang kailangan patunayan sa mga taong nakapaligid sa kanya. Nagsisimula palang ang cake shop niya at marami pa siyang balak gawin. She wants to have another branch of her business but right now she wants to focus on her first branch.

"You have a good place." Komento ni Lincoln.

Napaangat siya ng tingin. May isang ngiti sa labi ni Lincoln at naroon din ang paghanga sa mukha nito. He seems proud of what she achieves so far. "Thank you, Cole."

"Aries is right, Clara. Your place is great. Akala ko hahawakan mo ang business ng mga magulang mo. Lalo na at nag-iisang anak ka lang," sabi naman ni Trixie.

(Lincoln o Cole for Marie, Aries for Trixie. Lincoln Aries Cortez-Saavadra po ang buong pangalan ni Cole. Marie for Kurt and Clara for Lincoln. Marie Clara Alonzo po ang buong pangalan ni Marie.)

"I tried to work at my parents business but I don't feel at home there. Kaya naman sinubukan kong magtayo ng sarili kong negosyo."

"At mukhang masaya ka sa negosyo mo. I bet Kurt is proud of you?"

Natigilan siya sa sinabi ng kaibigan ng banggitin nito ang pangalan ng nobyo. Mukhang napansin agad ni Cole ang reaksyon niya dahil agad na nagbago ang bukas ng mukha nito. Napansin niya ang pagkamot ng mukha nito at pagkawala ng ngiti sa mga labi nito.

THE GIRL IN RED DRESS (Cousinhood Series 1)Where stories live. Discover now