CHAPTER TWENTY-EIGHT

74 6 6
                                    

🌹🌹🌹

ISINASAYAW NI Clara si Jewel ng pumasok sa sala ang kanyang ina kasama ang ama niya. Ayaw ng anak niya sa kwarto kaya heto siya ngayon sa sala. Napatingin siya ng umupo sa mahabang sofa ang mga magulang.

"Kamusta po ang pagkikipag-usap niyo kay Leo John?" tanong niya sa ina.

Napabunting hininga ang ina bago siya sinagot. "Tama nga ang sabi mo anak. Hindi sapat ang DNA test at testimone ni Beatriz para maipakulong natin si Lincoln. Masyadong makapangyahiran ang pamilya ni Cole para kalabanin natin."

Napayuko siya. "Sinabi ko naman sa iyo, mommy. Ayaw ko ng magsampa ng kaso laban kay Cole. Sapat na ang TRO na inihain natin para magbagong buhay kami ni Jewel."

"Pero anak, nais namin ng Daddy mo na ibigay ang hustisya na nararapat sa iyo. Hindi kami makakapayag na nasa labas si Cole at maaring gumawa na naman ng masama sa iyo. Baka kunin din niya sa iyo si Jewel."

"Hindi iyon magagawa ni Cole." Tinitigan niya ang anak. Hindi niya alam kung bakit ang nasabi niya. Siguro ay dahil alam niyang mahal siya ng binata. Cole wanted her forgiveness and if he wanted too, he won't do crazy thing that make her mad to him.

"Paano ka nakakasigurado anak? Alam mong may problema sa pag-iisip si Cole. Anumang oras pwe---"

"Hindi siya gagawa ng ikakagalit ko, mommy. Kilala ko si Cole. Magaling na siya. Nais niya---"

Natigil siya sa pagsasalita ng biglang may nag-flash na report sa T.V nila. Nakita niya ang larawan ni Cole. Nasa magkabilang bahagi nito ay ang mga pulis na hawak-hawak ito. Napatingin siya sa kamay nito. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang nakaposas ito. Anong nangyayari? Bakit nasa T.V si Cole at may kasamang pulis?

Nagimbal ang buong business world ng bumutok ang balitang kusang pumunta sa pulisya ang kilalang business man na si Lincoln Aries Cortez-Saavadra. Kilala ang binata bilang tagapagmana ng Saavadra Empire. Ang familya Saavadra lang naman ang isa sa mga nagmamay-ari ng malaking wine distributer ngayon sa buong bansa. Nagulat ang lahat ng inamin ng binata ang ginawang krimin noong nakaraang taon. Inamin nito na may ginahasa itong babae. Hindi pinangalanan ng mga pulisya kung sino ang babae sa paki-usap daw ni Mr. Saavadra pero itinanggi ni Mr. Saavadra ang pagpatay sa taxi driver na si Mr. Arevalo. Ito kasi ang tinuturo ng pamilya ng Taxi Driver na pumatay.

Naramdaman niya ang pagdaloy ng kanyang mga luha sa pisngi. Cole... Cole turns his self in. Inako nito ang lahat ng kasalanan. Hindi nito hinintay na magsampa sila ng kaso laban dito. Maliban pa doon ay hindi nito hinayaan na lumabas sa media ang pangalan niya. Bigla ay nakaramdam siya ng pananakip ng dibdib niya. Muli na naman siyang nasasaktan dahil sa nangyayari sa buhay niya. Bakit ba kay hirap maging masaya? Bakit kailangan gawin iyon ni Cole? Hindi naman siya magsasampa ng kaso. Sapat na sa kanya ang paghihirap na dinaranas nito para makuha niya ang nais na hustisya. Alam niyang masakit dito ang mapalayo kay Jewel. Kitang-kita niya kung gaano nito kamahal ang anak nila.

"Anak..." Agad na lumapit sa kanya ang ina ng marahan siyang umupo sa sofa.

"Mommy!" Umiiyak niyang sabi sa ina.

Agad naman siyang niyakap ng ina. "Magiging maayos din ang lahat. Makakamit mo na rin sa wakas ang hustisya na nais natin."

Alam niyang masaya ang ina sa balitang narinig nito ngunit siya ay hindi. Hindi niya magawang maging masaya sa kaalaman na nasa kulungan si Cole at maari itong mahirapan doon. Ngayon palang ay sumisikit at nasasaktan na ang puso niya. She loves him. She loves him so much despite of what he did to her. Alam niyang maling mahalin pa rin si Cole pero iyon ang sinisigaw ng kanyang puso. May pagkamuhi man ay naruruon pa rin ang pagmamahal na meron siya para dito. At hinihiling niya na matakpan na iyon ng galit sa binata.

THE GIRL IN RED DRESS (Cousinhood Series 1)Where stories live. Discover now