CHAPTER NINETEEN

50 5 2
                                    

🌹🌹🌹

"MARIE?"

Napakurap si Marie ng marinig ang pangalan niya. Agad siyang napatingin sa unahan niya ng makita ang natatakang mukha at tingin ni Kurt. Nasa labas sila ng mga sandaling iyon.

"Are you okay?" naga-alalang tanong ni Kurt. Tatayo sana ito para tingnan ang kalagayan niya ng agad niya itong pigilan sa kamay.

"I'm fine, Kurt. May iniisip lang ako." Ngumiti siya kahit isang pilit na ngiti lang iyon.

Hidi umimik si Kurt. Nakatitig lang ito sa kanyang mga mata. Pagkalipas ng ilang sandali ay napabuntong hininga ito. "Are you still thinking about what we talk last night?"

Natigilan siya sa tanong ni Kurt. Hindi niya napigilan na hindi mapayuko. Hindi niya ba talaga maitago dito ang bagay na bumabagabag sa loob niya. Pagkatapos niyang sabihin kay Kurt na payag na siyang magpakasal dito ay bigla na lang nitong pinutol ang tawag at nagtext na mag-usap daw sila bukas. Nais daw nitong marinig ng personal na pumapayag na siyang magpakasal dito. Kaya heto sila ngayon dalawa.

"I'm sorry, Kurt. Let's..."

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Marie. Are you really going to marry me?"

Hindi siya agad nakaimik. Umiwas siya ng tingin kay Kurt. Papaano niya sasabihin dito na hindi pa talaga siya handa na magpakasal dito? Na ayaw niya lang makitang nasasaktan ang ina kaya siya pumayag. Ayaw niyang maging unfair kay Kurt at nais niyang maging totoo rito na kahit sa ganoong bagay lang ay makabawi siya sa taong walang ginawa kung hindi ang mahalin siya.

"It's okay."

"I'm sorry, Kurt." Yumuko siya at itinago ang mukha ng maramdaman ang pagbabanta ng kanyang mga luha. "Hindi ko na kayang makitang nasasaktan si Mommy. Alam kung nahihirapan at nasasaktan na din siya sa nangyari sa akin. Naririnig ko ang mga sinasabi nila patungkol sa akin at alam ko na masakit iyon kay mommy. Kaya nagdesisyon akong tanggapin ang inaalok mong kasal dahil sa tingin ko ay iyon ang tama. I'm sorry, Kurt kung gagamitin ko ang pagmamahal mo sa pansarili kong kapakanan. Sana patawarin mo ako at kung sakali mang magbago ang isip mo, na ayaw mo na akong pakasalan ay tatanggapin ko. Ayaw..."

"I will marry you, Marie." Putol ni Kurt sa iba niya pangsasabihin. Masuyong hinawakan nito ang kamay niya na nakapatong sa mesa. "Kahit anuman ang dahilan mo kung bakit ka pumayag sa inaalok kong kasal ay hindi na importante sa akin. Ang mahalaga ay tinanggap mo ang alok. Gagawin ko ang lahat bumalik lang ang matamis mong pag-ibig sa akin. Sisiguraduhin kong mamahalin mo ulit ako."

"Kurt..." Napaangat siya ng mukha at tinitigan ang mga mata nito.

Nakita niya ang pagguhit ng sakit sa mga mata nito ngunit naruruon ang paga-aasam na magiging okay din ang lahat sa kanila. Ngumiti si Kurt, hindi man iyon kagaya ng dati ay nararamdaman niyang masaya talaga ito sa kanyang desisyon na pakasalan ito.

"You won't regret giving me a chance to be your husband, Marie. Iingatan kita at kayo ni baby. Magiging masayang pamilya tayo." Tumayo si Kurt at niyakap siya.

Wala siyang ibang nagawa kung hindi ang umiyak. Gumanti siya ng yakap kay Kurt at sa mga bisig nito siya umiyak ng umiyak. Bakit napakahirap mabuhay sa mundo. Bakit kailangan maging ganito ang buhay? Tangging nais niya lang naman ay maging masaya sa buhay. Ang makasal sa taong minamahal at makasama ito sa buhay.

Noon kapag naiisip niya ang dulo ng buhay niya. Lagi niyang nakikita ang sarili na kasama si Kurt at ang kanilang magiging anak ngunit nitong huli, kahit sa panaginip ay hindi na niya nakita ang mga bagay na iyon. Napalitan ang mga panaginip niya ng mga alaala ng kabataan niya. Kabataan niya na kung saan ay ang lagi niyang kasama ay si Cole. At sa bawat panaginip niya, tanging nais niya ay hindi na magising. Nais niyang manatili sa panaginip at makita ang masayang ngiti at tawa ng kaibigan.

THE GIRL IN RED DRESS (Cousinhood Series 1)Where stories live. Discover now