CHAPTER EIGHTEEN

71 6 0
                                    

🌹🌹🌹

KUNG sinuman ang nagpadala ng sulat na iyon ay may alam ito sa totoong nangyari sa kanya ngunit walang nakasulat na pangalan o kahit enesyal lang. Nabuhay bigla ang takot sa puso niya dahil sa natanggap na sulat. Her rapist is just around the corner. Kung ganoon ay alam nitong buntis siya sa anak nila at may binabalak na naman itong masama sa kanya.

Paano kung kunin nito sa kanya ang bata? Hindi niya yata kakayanin iyon. She found new reason to live because of her unborn child. Hindi siya makakapayag na kunin nito ang bata sa kanya. Magkakamatayan silang dalawa. Natigilan siya sa ginagawang cake ng may pumasok sa kusina na parang hinabol ng sampong aso. Napatingin siya kay Kurt na magulo ang buhok at habol ang hininga.

"Hey! Anong nangyari?" Lumapit siya rito.

"Are you okay?" Instead of answering her question, Kurt asked her. Tumayo si Kurt at sinipat siya mula ulo hanggang paa.

Nagsalubong ang kilay niya dahil sa ginawa nito. "I'm fine." Marahan siyang lumayo kay Kurt. "May problema ka ba? At bakit ka tumatakbo kanina?"

"Someone send you a letter, right?"

Natigilan siya at agad na napatitig sa mga mata ni Kurt. "H-how did you know?"

"Ha!" gulat na sabi ni Kurt. Bigla itong umiwas ng tingin sa kanya. Lalo siyang nagtaka sa ginawa nito. Anong ibig sabihin ng pag-iwas nito ng tingin?"

"Kurt, how did you know that someone give me a letter? Wala akong pinagsabihan tungkol sa sulat kahit si mommy. Kaya papaano mo nalaman ang tungkol sa sulat?"

Pilit niyang sinusuri ang mukha ni Kurt. Umiiwas talaga ito ng tingin. "I just know. Someone told me."

"And who she is!?" Galit niyang sigaw. Bakit pakiramdaman niya ay hindi ito nagsasabi ng totoo.

"Ako!"

Sabay kaming napalingon ni Kurt sa may pinto ng kusina. Hindi siya nakakibo ng ilang sandali. How did she know about the letter?

"H-how did you know, mom?"

Lumapit sa kanila ang kanyang ina. "Pumasok ako kaninang umaga sa kwarto mo para sana kunin ang mga damit labahan mo ng mapansin ko ang papel na nakapatung sa study table mo. Sa paga-akala kong resita iyon ng OB mo ay kinuha ko at binasa. Agad kong tinawagan si Kurt na magkataon na nandito na rin sa bansa para matingnan niya ang sulat."

Umiling siya. Hindi na dapat sinabi ng ina kay Kurt. Ayaw na niyang maugnay pa sa kanya ang binata. Pagkatapos ng sinabi ng ina nito ay napagtanto niyang hindi talaga para sa kanya si Kurt. She can't let Kurt involve in her own problem.

"You shouldn't tell Kurt about it. It's my problem, kaya ko ng harapin ang mga problema ko." Inis niyang sabi.

"Marie, Kurt has the right to know. He is your fiancé. At kailangan mo ng proteksyon. Nasa tabi-tabi lang ang rapist mo at siguradong nagbabalak na naman iyon ng masama sa iyo. I can't let him hurt you again. Not on our watch."

Naramdaman niya ang paghihirap ng kanyang ina. Alam niyang ang nais lang naman nito ay masigurado ang kaligtasan niya at ng kanyang anak. "I can protect myself mom."

Umiling si Mommy. "Tell that to me again if you are not a rape victim, Marie."

"Tita!" Hinawakan ni Kurt ang kanyang mga balikat ngunit agad siyang pumiksi.

Pumatak ang mga luha niya dahil sa sinabi ng ina. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig. Hindi niya akalain na maririnig iyon mula rito. She doesn't trust her anymore. Alam niyang dahil sa kapabayaan niya kaya sila nasasaktan ng mga sandaling iyon. Akala niya ay unti-unti ng naghihilom ang sugat ng kahapon ngunit dahil lang sa isang sulat ang bumalik lahat ng sakit.

THE GIRL IN RED DRESS (Cousinhood Series 1)Where stories live. Discover now