CHAPTER TWELVE

83 6 1
                                    


🌹🌹🌹

"HELLO. Kamusta naman ang pasyente?" tanong ng doctor.

"I'm good doc." Sagot niya.

Lumapit sa kanila ang doctor. Umupo naman si Kurt sa may tabi niya. Nakita niyang ngumiti ang doctor sa ginawa ni Kurt.

"Doc, ano pong sakit ng girlfriend ko?" tanong ni Kurt na puno ng pag-aalala.

Napatingin siya dito. Bakit sinabi nitong nobya siya nito? Magdadalawang buwan na silang hiwalay. Simula nang mangyari iyon sa kanya ay nakipaghiwalay siya sa nobyo. Hindi niya kayang makita itong nasasaktan dahil sa nangyari sa kanya ngunit hindi matanggap ni Kurt na wala na siyang dalawa. Gusto daw nitong malaman kung bakit bigla na lang siya nagkaganoon. Wala siyang maibigay na rason dito. Ayaw niyang ipaalam dito ang nangyari sa kanya.

Natatakot siyang husgahan ng mga taong nakapaligid sa kanya. Kaya nga hindi na siya nagsampa pa ng kaso sa taong gumawa noon sa kanya kahit pa nga nakita niya ang mukha nito.

"Congratulation, Hijo. Magiging tatay ka na." Masayang balita ng doctor sa kanila.

Para naman siyang binuhusan ng malamig na yelo. Nanginig ang kanyang mga kamay. Parang isang sirang plakang paulit-ulit na naririnig niya ang sinabi ng doctor. Napatingin siya sa tiyan na wala pang-umbok. Bigla niyang naalala ang mukha ng taong dahilan ng buhay na nagsisimula sa kanyang katawan. May dumaloy na mga luha sa kanyang pisngi. May buhay na nabuo sa gabi ng bangungot ng buhay niya.

"Mukhang emosyonal si Mommy." Narinig niyang sabi ng doctor.

Napaangat siya ng mukha. Kita niya ang saya ng doctor para sa kanya. Kung alam lang nito ang nangyari sa kanya, magiging masaya kaya ito?

"Mommy, natural lang na maging emosyonal sa kalagayan mo ngayon. Wag lang parating iiyak dahil masama din para kay baby. Dapat happy lang." Tumingin ito kay Kurt. "Daddy, alagaan mong mabuti si Mommy lalo na at maselan ang pagbubuntis niya. Five weeks na ang pinagbubuntis ni mommy kaya dapat maingat--"

Marami pang sinabi ang doctor na hindi niya binigyan ng pansin. Tanging tumatakbo lang sa isip niya ay ang katotohanan na buntis siya. Hindi niya din kayang tingnan si Kurt ng mga sandaling iyon. Alam niyang naguguluhan ito at nasasaktan. Alam nitong hindi ito ang ama ng batang dinadala niya. Matapos siyang resetahan ng doctor ng mga gamot at bitamina ay agad siyang niyayang umalis ni Kurt. Naglalakad na sila sa pasilyo nang ospital ng hawakan niya ang damit nito.

"Kurt...." Naiiyak niyang tawag dito.

"Wag dito, Marie, ayaw kong gumawa ng eksena." Matigas at galit nitong sabi sa kanya.

Naglakad na ito at ganoon din siya. Nang makarating sila sa nakaparada nitong kotse ay agad itong sumakay doon. Hindi na siya nito inalalayan kagaya ng ginawa nito kanina. Nasaktan siya pero wala siyang karapatan. Sumakay na din siya sa kotse nito.

Nagulat siya ng bigla nitong sinuntok ang manibela. Puno ng galit ang mga matang tumingin ito sa kanya.

"Sino? Sino ang ama ng batang iyan?" Galit nitong tanong.

Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha niya. Sasabihin niya ba dito ang totoo? Sasabihin niya bang binaboy siya ng ama ng batang dinadala niya?

"Put*** ina Marie. Sino ang ama ng bata? Alam natin na hindi ako ang ama niyan?" Muli nitong sigaw. Namumula na ito sa galit, kitang-kita na rin ang ugat nito sa leeg na indikasyon na nagpipigil itong saktan siya.

"I'm sorry." Tanging nasabi niya at umiyak sa mga palad.

Muling sinuntok ni Kurt ang manibela. "Sorry??? Eh, malandi ka naman pala. Nagpabuntis ka ng panahon na tayo pa. Ano iyon habang nasa malayo ako ay nakikipaglandian ka sa iba."

THE GIRL IN RED DRESS (Cousinhood Series 1)Where stories live. Discover now