CHAPTER THIRTY-FIVE

52 3 1
                                    

🌹🌹🌹

SA TULONG ni Jacob, nalaman niya kung anong room ni Cole sa main branch ng DL Medical Center. Sa isang private room at hindi pwedeng pasukan ng kahit na sino ang floor na kinaruruonan nito. Tinulungan din siya ni Jacob na makarating sa floor na iyon. Dahil nga magkaibigan sila ni LJ na siyang kapatid ng may-ari ay hindi na siya nahirapan pa.

Si Jacob na rin ang bumalita sa kanya na maayos na ang kalagayan ng binata. Hindi naman ganoon kalalim ang balang tumama dito. Nag-donate din daw ng dugo ang Kuya Timothy nito. Halos parehas lang daw ang sitwasyon ng anak niya at ni Cole. Cole already woke up. Dinalaw na din naman ito ng pinsan. Nalaman niya na malapit pala talaga ang pinsan sa mga Cortez. Ganoon din si LJ na siyang personal lawyer ng pamilya. She just found out everything last night. Ang asawa ni Alex na si Anna ay isa din pala sa empleyado ni LJ sa law firm nito.

Sinabi din ng pinsan niya na nagtatrabaho ito minsan sa pamilya ng mga Cortez. Basta pagmay-gustong imbestigahan ang mga ito ay ito agad ang unang tinatawagan. Jacob said also that he is close to Cole and Timothy. Minsan na daw nito niligtas sa isang issue si Kuya Timothy.

“Are you ready to talk to him?” nag-aalalang tanong ni Jacob sa kanya.

Nasa tapat na sila ng pinto ng kwarto ni Cole. Tumingin siya sa pinsan. Malakas na malakas ang tibok ng kanyang puso ng mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung anong mapapasukan niya sa loob.

“Kailangan ko siyang ka-usapin.”

Ngumiti ang pinsan niya. “They are good people, Clara. Cortez is not what people think.”

“I know.” Tumingin na siya sa pinto at huminga ng malalim bago kumatok.
Walang sumagot pero bumukas ang pinto at iniluwa ang gulat na mukha ni Anna.

“Clara…” banggit nito sa pangalan niya.

“C-can I come in?” Lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Naririnig niya iyon.

Tumingin si Anna sa pinsan niya bago bumalik sa kanya. Ngumiti ito. “Of course.” Binuksan nito ng malaki ang pinto.

Siya ang unang pumasok. Ang pinsan na rin niya ang nagsara ng pinto. Sumunod siya kay Anna. Malaki ang kwarto na inaakupa ni Cole. May mini sala doon, T.V at mini ref. At may isa pang pinto na siguradong si Cole ang nasa kabilang bahagi. Nakita niyang naka-upo sa sofa si Tita Ivy at Ashley. Kasama ng mga ito ang isang lalaki na hindi niya kilala pero pamilyar sa kanya. Yumuko siya para magbigay galang sa mga ito.

“Good morning, Tita, Ashley.” Bati niya sa dalawa.

Ngumiti si Tita Ivy at tumayo. Lumapit ito sa kanya ang niyakap siya ng mahigpit. “Good to see you again, Clara.”

“Ako din po, Tita.” Kumalas siya sa pagkakayakap dito.

“You want to talk to him?”

“Opo sana kung hindi niyo po sasamain?”

Ngumiti si Tita Ivy. “Of course not. Go talk to him. He been waiting for you to visit him. I already told him about Jewel. He is worried that something happens to you and your daughter. So, go.”

Gumanti na rin siya ng ngiti. “Thank you, Tita.”

Humarap si Tita sa dalawang taong naka-upo sa sofa. “Ashley, Peter, come on. Let’s buy foods for everyone.”

Hindi nagsalita si Ashley. Tumayo lang ito. Ganoon din ang lalaking katabi nito na tinawag ni Tita Ivy na Peter. Naalala na rin niya kung sino ang lalaking katabi ni Ashley. Kung hindi siya nagkakamali ang pangalan ng lalaki ay si Peter Casanova del Pilar-Martinez. Ito ang may-ari ng Technoriz Inc. at pinsan ito ni Ashley. Kagaya ng pamilya Cortez ay mayaman din ang pamilya nito. Peter got a controversy last year that makes him well-known. He is gay and dating one of the young bachelors in town. Pero bago pa naman iyon ay kilala na ito bilang batang mayaman.

THE GIRL IN RED DRESS (Cousinhood Series 1)Where stories live. Discover now