CHAPTER THIRTEEN

80 6 2
                                    

🌹🌹🌹

UNTI-UNTING inimulat ni Marie ang mga mata. Napatingin siya sa paligid at nakita niyang napapalibutan siya ng puting kisame at dingding. Naka-amoy siya ng gamot sa paligid niya. Itinaas niya ang kanang kamay at nakita niyang may nakatusok doon. Napabuntong-hininga siya. Nasa ospital siya. Kung ganoon ay buhay pa siya at hindi siya tuluyang namatay sa ginawa niyang paglaslas ng pulso kanina. Pumatak ang mga luha niya sa kaalamang buhay pa siya.

Bakit ba hindi na lang siya hayaan ng Diyos na mamatay? Wala na din naman kwenta ang buhay niya. Wala na rin naman direksyon ang buhay niya. Paano niya haharapin ang mga magulang ngayong buntis siya at walang ama? Siguradong itatakwil siya ng mga ito. Mapapahiya ang mga magulang niya sa mga kakilala nila.

Pumatak ang mga luha niya at iyon ang naabutan ng kanyang ina ng pumasok ito sa hospital room niya. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang mapupulang mata ng kanyang ina.

"Mommy." Umiiyak niyang tawag dito.

Lumapit sa kanya ang ina at niyakap siya. Feeling her mother embrace makes her feel safe and comfortable. Wari bang magiging okay ang lahat dahil sa yakap nito. Gumanti siya ng yakap dito at umiyak ng malakas. Para siyang bata na inaway ng kalaro habang yakap ang ina. Everything is too hard for her and hugging her mom makes her feels she have someone on her side.

"Everything will be alright now, Marie." Bulong ng kanyang ina.

"Mom, I'm sorry."

"Tahan na, anak. Magiging maayos din ang lahat. Sa lalong madaling panahon ay ikakasal din kayo ni Kurt."

Kumalas siya sa pagkakayakap ng ina at gulat na napatingin dito. May ngiti sa labi nito at hindi maitago ang saya sa mga mata nito. Bago pa siya makapagsalita ay bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang ama at si Kurt. Tumatawa ang dalawa at halatang masaya ang mga ito. Natigil naman ang mga ito ng makitang nakatingin silang dalawa ng kanyang ina.

"Gising ka na pala, Marie." Nakangiting sabi ni Kurt at lumapit sa kanya. Hahawakan sana nito ang kanyang kamay ngunit agad siyang umiwas. Nakita niyang nasaktan ito sa ginawa niya.

Tumikhim ang kanyang ina. "Sa tingin ko, kailangan niyong mag-usap dalawa. Pupunta muna kami ng ama mo sa canteen. Pagbalik namin ay pag-uusapan natin ang kasal niyong dalawa."

Tatayo na sana ang kanyang ina ng hawakan siya nito sa kamay. Umiling siya dito. "Anong kasal? Walang kasal na mangyayari sa amin ni Kurt." May diing sabi niya.

Nagtatakang napatingin sa kanya ang ina't ama. "Hija, bakit hindi? Buntis ka at dapat iyang panagutan ni Kurt." May bahid ng galit ang boses ng ina.

Umiwas siya ng tingin sa ina dahil sa sinabi nito. "H-hindi si Kurt ang a-ama ng bata, mommy." Pabulong niyang sabi.

"Ano?" Malakas ang boses na tanong ng kanyang ina.

"Tita, pwede niyo po ba muna kaming iwan ni Marie? Mag-u...."

"Hindi!" Sigaw ng kanyang ina. "Anong sinasabi mong hindi si Kurt ang ama ng bata? Si Kurt ang boyfriend mo hindi ba?"

Tumingin siya sa ina. Disappointment was written at her face. "Mommy, hindi po talaga si Kurt ang ama ng bata." Pumatak ang kanyang mga luha.

"Tunta!!!" Isang malakas na sampal ang kanyang natanggap mula sa ina.

Agad siyang niyakap ni Kurt habang ang ama ay hinawakan ang kanyang ina. Lalong bumuhos ang kanyang mga luha habang nakahawak sa nasaktang pisngi pero wala ng mas masakit pa sa sumunod na sinabi ng kanyang ina.

"Isa kang malanding babae. Nagpabuntis ka sa ibang lalaki gayong may nobyo ka. Masyado na bang makati kaya nagpatikim ka sa iba. Wala akong anak na isang kagaya mo."

THE GIRL IN RED DRESS (Cousinhood Series 1)Where stories live. Discover now