SC: VALENTINE'S DAY

66 3 0
                                    


    🌹🌹🌹

       
    NAKA-UPO SA bench ng school si Clara kasama ang ilang kaibigan niyang babae. It’s Valentine’s day, and school have an event.

    “Hi, Clara. Para sana sa iyo.”

    Napataas ng tingin si Clara ng may lalaking nakatayo sa harap niya at may hawak na isang tangkay ng rosas. Ngumiti si Clara at tinanggap iyon.

    “Thank you.”

    Ngumiti lang ang binata at umalis na. Ganoon ang scenario sa tuwing may lalaking lumalapit sa kanya at nag-aabot ng bulaklak. They just gave her flower and then left. Hindi niya alam kung bakit hindi tumatagal ang mga ito. Walang naglalakas ng loob na ka-usapin siya. Pang-ilang bulaklak na ba iyong natanggap niya ng araw na iyon.

    “What’s up with boys? Nagbibigay lang sila ng bulaklak pero hindi ka naman nila kinaka-usap.” Reklamo ng kaibigan niyang si Katherine.

    “Nagulat ka pa ba?” Natatawang sabi ni Grapes.

    “Well, sino ba ang hindi matatakot sa head officer ng Journalist Club. Mata palang ni Lincoln ay matatakot ka na.”

    Tumingin siya sa dalawang kaibigan. “Tumigil nga kayo. Wag niyong pagsasalitaan ng masama ang best friend ko.”

    Ngumiti ang dalawa. “Best friend lang ba talaga?”

    Napasimangot siya. They always tease her to Cole. Nakaka-inis lang dahil sumasabay ang puso niya sa tuwing tinutukso sila. Hindi lang iyon, masaya siya kapag tinutukso siya ng mga ito kay Cole. And she likes the idea that people think they are dating.

    “Iwan ko sa inyo.” Tumayo siya.

    “Oh! Saan ka pupunta?” tanong ni Grapes.

    Hindi niya sinagot ang tanong ng kaibigan. Naglakad na lang siya. Alam niyang may booth ang club ni Cole. Sinabi nito na hindi siya masasamahan umikot sa umaga dahil ito ang nakatukang magbantay at mag-ayos pero pagdating ng hapon ay masasamahan siya nito. It’s already past noon. Yayain niyang kumain ang kaibigan tapos ay iikot na sila sa mga booth ng ibang club at organization. Hindi niya alam kung bakit may booth ang journalist club pero hindi na siya nagtanong sa kaibigan.

    Nang marating niya ang booth ng kaibigan ay agad niyang nakita ito na-abala sa pagpa-aayos ng mga bulaklak. Lumapit siya sa mga ito.

    “Hi, best friend.” Masaya niyang bati sa kaibigan.

    Humarap sa kanya si Cole. Kagaya ng nakasanayan niya ay walang emosyon ang mukha nito. Wala din siyang nababasa sa mga mata nito. Cole is Cole. He doesn’t change at all. Ngayon niya na-isip kung bakit takot ang mga lalaki na kalabanin ito. Cole is cold. Cole is rich. Mayaman ang binata at kaya nitong gawin ang nais. Hindi din kasi makaka-ilang nakakatakot kalabanin ang isang tulad nito.

    “Clara, anong ginagawa mo dito?” Gulat nitong tanong.

    “Sinusundo ka. Tapos na ba kayo?” Tumingin siya sa ginagawa nito.

    “Hindi pa. Can you wait for thirty minutes?”

    Ngumiti siya sa kaibigan. “Of course, take your time.”

    “Are you sure? Hindi ka ba nagugutom?” Cole voice is worried.

    Napangiti siya. Ito ang nagustuhan niya sa kaibigan. Napaka-alalahanin nito. Ma-alaga din ito sa kanya. Pero alam niya na hindi dapat siya umasa pa ng higit dito. Ganoon si Cole kapag naging malapit sa isang tao. Well, wala namang ibang malapit na babae kay Cole kung hindi siya at ang ina nito.

THE GIRL IN RED DRESS (Cousinhood Series 1)Where stories live. Discover now