CHAPTER SEVENTEEN

65 6 1
                                    

🌹🌹🌹

"I'M soon to be a dad." Ngumiti si Cole sa kanya ngunit nagbigay iyon ng kilabot kay Clara.

"Paanong ikaw ang ama ng bata, anak?" tanong ni Tita Ivy.

Tumingin si Cole sa ina. "Mom, Clara is my best friend. Whoever the father is, I will be there for her and the baby. Ako ang tatayong ama ng bata. Hindi ko sila pababayaan dalawa ng anak niya. I will treasure them both. Hindi man ako ang totoong ama ng bata ay gagawin ko ang lahat maging ama niya lang sa paningin."

"Cole..." tawag niya sa pangalan ng kaibigan. She feels someone touch her heart. Bawat salitang lumabas sa labi ni Cole ay puno ng senseridad. Naramdaman niya ang pagmamahal nito para sa kanya at sa anak niya. Bakit napakaswerte niya sa kaibigan niyang ito?

"Why you treat me like this, Cole? Bakit sobrang bait mo sa akin, gayong sinaktan kita noon?" tanong niya.

Lumingon sa kanya ang mag-ina. Nakita niya ang pagkagulat at pagrehistro ng pag-alala sa mga mata ni Cole. Agad nitong kinuha ang tissue na naruruon at pinunasan ang mga luha niyang lumandas sa kanyang pisngi. She is getting emotional because of what he said.

"Hey, Clara. Don't cry. Stop crying. Hindi iyan nakakabuti kay baby. Hindi ka pwedeng mastress sabi ng doctor mo."

"Then answer me. Bakit ka ganyan? Sinaktan kita noon. Hindi kita pinili noon at wala ako sa panahon na kailangan mo ako. Tapos ngayon ako naman ang may kailangan at nahihirapan, nariyan ka. You should hate me. You shouldn't care that much on me and on my baby but here you are, saying those words to me as if I'm a good friend to you. Cole, I don't deserve you as a friend. You shouldn't---"

"Clara, calm down. Okay." Hinawakan ni Cole ang magkabilang pisngi niya. "Clara, listen to me. I already told you why I can't get mad at you. You are my best friend and best friend should try to understand each other. I can't hate you. At saka mas may kasalanan ako sa iyo. Kaya wag kang magsalita ng ganyan." Hinalikan siya ni Cole sa noon. "I love you and no past can ruin what we have right now. I will treasure you forever, Clara."

Umiiyak na yumakap siya kay Cole. Walang paki-alam na umiyak siya sa bisig nito. Hindi niya alintana na nasa harap nila ng mga sandaling iyon ang ina ni Cole at ang ilan sa mga katulong ng mga ito. Tanging mahalaga sa kanya ng mga sandaling iyon ay ang yakap na pinaparamdam sa kanya ng kaibigan. She feels comfortable, safe and love with Cole's embrace. Cole words make her feels love and wanted. Alam niyang hindi na siya nag-iisa sa laban niya. At ng mga sandaling iyon, pinapangako niya na walang nakakasira ng kasayahan nila ni Cole. Hindi siya makakapayag na may humadlang sa kasayahang nararamdaman ng mga sandaling iyon.

"MA'AM Marie may naghahanap po sa inyo," sabi ni Jasmine ng pinapasok niya ito sa loob ng opisina niya.

Pinayagan siya ng Doctor niya na magtrabaho. Safe naman daw kasi si baby kaya nakakapunta na siya ng cake shop. Pinayagan din siya ng kanyang ina sa kadahilanan na pumapayag na siyang doon tumira sa bahay ng kanyang mga magulang. Ngayon nga ay binibinta na ng kanyang ina't ama ang kanyang bahay. Wala naman siyang choice dahil nga ayaw siyang payagan ng kanyang ina na umuwi sa kanyang bahay dahil sa buntis siya.

"Sino?" Umangat siya ng tingin at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang dalawang tao na ngayon ay nakatayo sa loob ng kanyang opisina.

Napatayo siya at magalang na yumuko. "Magandang araw po, Tita Kathnes at Tito Adam." Magalang niyang bati sa mga magulang ni Kurt.

"So totoo pala ang balitang buntis ka, hija." Walang emosyong sabi ng ina ni Kurt.

Umangat siya ng tingin. Nakita niyang seryusong nakatingin ang mag-asawa sa tiyan niya. Bigla siyang kinabahan at mabilis na itinago ang tiyan na may umbok na.

THE GIRL IN RED DRESS (Cousinhood Series 1)Where stories live. Discover now