<3

30 1 1
                                    

Kurt's POV

Pauwi na kami ni Mara ngayon, alam niyo na, baka mapagalitan pako ni Tita. Alam kong may tiwala siya sakin at hinding-hindi ko papabayaan na mawala yung tiwala ni tita sakin. Mahal na mahal ko si Mara at papatunayan ko iyan sa mga pamilya niya.

"May narinig ako kanina" mahina kong sabi habang nagdadrive ako.

"Narinig? Kanina? Ano naman yun?" Nakangiti niyang tanong. Gets niya na ata kung ano yung ibig kong sabihin.

"Asuuuus, alam ko na yang ngiti mong yaaan.." panloloko ko sa kanya.

"Oo na, ako na kasi yung halata diba? So, kilig ka naman?"

"Sino ba namang hindi kikiligin dun diba?" Kinikilig kong sabi.

"Eh pano kung sabihin ko sayong joke lang yun? Sinabi ko lang yun sakanya kasi pinsan mo siya?" Seryoso niyang tanong. Huh? Bat bigla siyang nagseryoso? Grabe ka Mara, pinapakaba moko. Walang ganyanan.

"H-ha?" Nauutal kong tanong.

"Eto naman, siyempre joke lang! Pwede ba yun. Siyempre totoo yun! Siyempre totoo yung pagmamahal ko sayo." Sabay pininch niya yung pisngi ko.

Simula nun ay natahimik ang atmosphere namin dito sa loob ng kotse hanggang sa nakatulog siya. Haaaayy... ang cute cute niya talaga kapag tulog. Mas lalo akong nainlove. Tssss... aaminin ko sa inyo, simula talaga nung grade 5, siya talaga yung una kong nakita. Na Love at first sight nga kumbaga. Napaka saya ko kasi napunta sakin yung babaeng gusto kong makasama habang buhay. Hinding-hindi ko papakawalan yung taong mahal ko at si Mara yun. 1st anniversary namin ngayon at dadagdagan pa namin iyan. Pangako.

Nasa tapat na kami ng bahay nila at tulog parin si Mara.

"Mara...." hinaplos-haplos ko yung buhok niya. Buti nalang at nagising siya agad.

"Andito na tayo." Dagdag ko. Agad niyang inayos ang sarili niya. Bumaba naman agad ako para pagbuksan siya ng pintuan.

"Salamat Kurt." Mahina niya sabi sabay hinalikan niya yung pisngi ko. Akalain mo yun? Hinalikan niya ako sa pisngi? First time kong maranasan na mahalikan ni Mara.

"Walang anuman." Sagot ko sa kanya na may kasamang napakalawak na ngiti. Pinindot ko yung doorbell nila para naman makapag pahinga na si Mara.

"Oh mga anak, andiyan na pala kayo." Binuksan agad ni tita yung gate.

"Goodevening po tita." Bati ko kay tita.

"O, ijo, pasok ka muna sandali."

"Ay, wag na po tita, kailangan niyo na pong matulog at magpahinga lalong-lalo na si Mara, pagod na pagod na po ata ito sa biyahe." Napangiti nalang si Mara sa sinabi ko.

"Sige, mag-ingat ka sa pagmamaneho ijo."

"Siyempre naman po, papakasalan ko pa po itong anak ninyo." Pabiro ko kay tita. Natawa namann si tita sa sinabi ko. Inantay ko muna silang makapasok sa bahay nila bago ako umalis.

Nasa bahay na ako ngayon at sinalubong ako ng mga ngiti nila mommy at daddy.

"Ahm, why?" Pagtataka kong tanong.

"Guess what, bukas na ang dating ng lola mo at susunduin natin siya tomorrow morning. I think 8:00 tayo aalis para mga 9, andun na tayo. You have to call or text Mara para mainform siya. Isasama natin siya bukas para makilala naman siya ng lola mo." Masayang sambit ni mommy.

"O-ok."

"You're not excited ba anak?" Pagtatakang tanong ni mom.

"I'm just nervous mom. Do you think ba na papayag si lola samin ni Mara? You know naman na over protective si lola lalong-lalo na saakin kasi ako yung pinaka bunsong apo niya. Mom, alam mo namang 4th year highschool palang kami ngayon ni Mara. Lola said that after college pa ako pwedeng mag girlfriend, remember?" Malungkot kong tanong.

"Anak, sabi nga nila eh think positive. Wag ka ngang nega diyan. I know na kung makikilala na ng lola mo si Mara, alam kong magbabago na yung isip niya na after college ka pa pwedeng mag girlfriend. Duuh, alam mo naman si Mara diba, siya yung tipong mabait, masipag, masunurin sa mga magulang niya, mapag-mahal lalong-lalo na sa iyo, maganda, matalino, for short, she's almost perfect. Alam mo yun anak, kaya mo  nga siya minahal ng sobra diba? Kung ayaw mong tawagan o itext si Mara, ako nalang."

"Thanks mom kasi pinagaan mo yung loob ko. Ginawa mong positive yung negative kong utak. Sige, I'll call Mara." Napangiti si mom sa sinabi ko.

"That's my boy..."

Agad akong umakyat sa taas at pumasok sa kwaryo ko. Umupo ako sa kama ko at tinawagan si Mara. Sana di pa siya tulog, antukin panaman yun. Hihi..

Kring kring....kring kring..... kring kring...

Nakailang ring na pero di niya parin sinasagot. Baka tulog na. Pero last na talaga, kapag di niya paring sinagot, bukas ko nalang ulit siya tatawagan.

Kring kring.... kring kring....

"Hello?"

"Nagising ba kita?" Mahina kong tanong.

"Ano ka ba, hindi no. Galing kasi akong CR. Naligo lang ako sandali kaya di ko nasagot yung tawag mo kanina. Sorry..."

"No, you don't have to say sorry Mara."

"Ahmm hihi... so bat ka tumawag? Namiss mo bako agad? O baka naman makikipah break ka na sakin? Wag ganun ah." Talaga tong babaeng to, bat naman ako makikipag break. Yung totoo? Loka loka talaga.

"Makipag-break ka diyan. Sa tingin mo, kaya ko yun? Siyempre hindi noh. Si mom kasi sabi niya bukas na raw ang dating ni lola."

"Oh tapos?"

"Kailangan mo dawng sumama bukas para makilala ka na ni lola"

"Oh my G! Sure ka!!? Ok! Omayghad, excited na akong ma meet lola mo." Wow, maka sigaw ha. Buti pa siya, excited samantalang ako, ewan ko. XD Hindi ko pa kasi naikukwento sa kanya yung napag-usapan namin ni lola.

"Oh, hinga hinga, baka himatayin ka diyan. Wala panaman ako diyan. Matulog ka na ah. See you tomorrow. Goodnight, I love you."  Nakangiti kong sabi kahit alam kong di niya iyon nnakikita

"I love you too. Matulog ka na rin ah. See you tomorrow.... mwwuuaaahh..." aba aba, may pa mwuah mwuah pa siyang nalalaman ah. "Oh wait, what time nga pala bukas?" Oo nga noh, di ko nasabi.

"8:00 daw aalis so susunduin kita bukas ng 7:30 ng umaga. Dito ka narin pala mag breakfast. Ok? Bye na, you have to rest na eh. Goodnight ulit, and I love you ulit."

"Byeeee....."

Itutuloy......

Hello readers, thank you sa suporta ah. Hihihi... May bago nga pala akong story "A very special love" po yung title. Sana po suportahan niyo din yung bago kong story. Salamat. :*

The Assuming GirlWhere stories live. Discover now