Who's that girl?

68 2 2
                                    

Mara's POV

Parang kailan lang crush ko lang Kurt. Akala ko hanggang pangarap lang akobsa kanya. Akala ko pag-aassume lang ang maabot ko sakanya. Pero hindi. Masaya ako ngayon na naging kami. Na matutong mag mahal ng isang tao na mahal ka rin. At ngayon, it's our first anniversary. Ang bilis talaga ng panahon. Akala ko di kami aabot ng ganito. Akala ko panaginip lang ang lahat nung naging kami pero hindi eh.

Kanina pa ako nag tetext kay Kurt pero di padin siya nagrereply. Nakakainis lang. Nakalimutan niya ba na ngayon yung araw na pinakahihintay namin? Nakalimutan niya ba na anniversary namin ngayon? Kurt naman. Parang kailan lang, ang aga aga mo dito sa bahay pero anyare ngayon? Ni 'good morning' nga man lang aa text wala. Anong bang nangyayari sa lalaking yun.

Lumabas nalang muna ako saglit. Saturday ngayon kaya walang pasok. First time kong magising ng ganito ka aga kapag weekend kasi nga excited ako kasi anniversary namin kaso ni isang text galing sa kanya, wala? Grabe talaga, grabe!

Papunta ako ngayon sa park. Wala lang, wala kasi akong ibang mapuntahan eh. Habang naglalakad ako, may nakita akong lalaking nakatalikod na may kausap na babae na  pamilyar sakin..Para siyang si Kurt kapag nakatalikod. Habang papalapit ako nang papalapit sa kanilang dalawa, narealize ko na si Kurt nga yun. Bakit niya nag wa sakin to? Ang sakit sakit. Hawak niya pa yung dalawang kamay nung babae na parang nagmamakaawa siya dun sa babae. Nagmamakaawa ba siya na sana sagutin na siya nung babae!? Grabe! Hindi naman taga dito si Kurt pero grabe lang, andito siya para lang sa babaeng yan!? Di niya man lang ako pinuntahan sa bahay? Inuna niya pa talaga yang babaeng yan!? Ang sakit, alam niya ba yun! Hindi niya ba naiisip na posibleng makikita ko sila ditong maglalandian o magligawan!? Tapos sa labas pa ng bahay nung babae. ANG KAPAL! At ang malala, nakita ko nga sila. Nag iinit na yung ulo ko! Hindi ko na kaya! Gusto ko silang sugurin pero naisip ko na wag nalang. Ayokong gumawa ng gulo.

Umuwi nalang ako. Habang naglalakad ako pauwi, naramdaman ko nalang na tumutulo na pala yung luha ko. Ang sakit sakit! Lalo na kapag napamahal ka na sa isang tao tapos malalaman mong may iba pala siya. Pero ang OA ko naman ata? Bakit di ko nalang siya tanungin tungkol dun? Oo tama, tqtanungin ko nalang siya para sure. Pero ba't parang di niya naman naikwento sakin na may kakilala pala siya dito sa subdivision namin? Dahil ba may tinatago siya tungkol sa kanilang dalawa? Ano ba yan Mara, ang gulo mo! Akala ko ba tatanungin mo muna siya? Haaaaaayyy, ang hirap. Umiiyak padin ako hanggang ngayon.

Pagkadating ko sa bahay. Agad ko nang binuksan yung gate kaso may humintong kotse sa harap ng bahay namin tiyaka niya ako tinawag.

"Mara! Good morning" masigla niyang bati sa akin.

Kahit di ko pa nakikita kung sino yun, alam kong si Kurt yun. Alam kong boses niya yun. Sa 1 year ba naman naming pagsasama, di ko makikilala yung bosea niya. At grabe lang  ah, napaka sigla niya ata ngayon. Dahil ba nagkita sila nung babaeng yun!? Arrrggggghh!!! Ayan ka nanaman Mara eh!

Di ko nalang siya nilingon. Di ko siya pinansin. Baka makita niya pang umiiyak ako, baka tanungin niya pa ako kung bakit ako umiiyak. Hindi pa akong handang kausapin siya tungkol dun sa babaeng yun.

Agad na akong pumasok sa bahay namin. Aakyat na sana ako sa kwarto ko kaso nakita ako ni Mommy.

"Oh anak, hindi mo ba papapasukin si Kurt?"

Tanong sakin ni mommy. Mommy, ISANG MALAKING HINDI! -_-

"Po-po?" Tanong ko kay mommy. Kunwari di ko alam na nasa labas si Kurt.

"Ang sabi ko anak, hindi mo ba papapasukin si Kurt. Nasa labas kaya siya."

"A-ahm, sige po, bubuksan ko lang po yung gate."

The Assuming GirlWhere stories live. Discover now