Maid

34 1 0
                                    

MARA's POV

We're on our way papunta sa hotel kung saan nag s-stay ngayon ang lola ni Kurt. Nasa gotel siya kasi di niya kayang tumira sa bahay nila Kurt dahil dun sa nangyari. Tinignan ko sandalibsi Kurt, halo-halong emosyon ang meron siya ngayon. Hindi ko alam kung ano yun pero "kaba", yun yung nangingibabaw sakanya ngayon. Di niya man sinasabi sakin na kinakabahan siya, pero duh, halata naman eh.

Tinignan ako ni Kurt sandalibat nagsalita.

"Sure ka na ba talaga? Pwede naman nating ipagbukas nalang ito. Mag ga-gabi na rin kasi."

"Hindi Kurt. Handang-handa na akong kausapin ang lola mo Kurt. Kahit ano pang mangyari, gagawin ko ang lahat, maging ok lang tayo sa lola mo." Napangiti naman si Kurt dahil dun sa sinabi ko. Palapit na kami nang palapit sa hotel. Pabilis naman nang pabilis yung tibok ng puso ko dahil sa kaba.

Nasa parking lot na kami ngayon ng hotel ng lola niya. Papasok na kami sa lobby ng hotel at tiyaka nag elevator papuntang 10th floor kung saan andun ang room ng lola ni Kurt.

OMG! This is it!

*ting!*

10th floor

Habang papalapit na kami sa pintuan ng room ng lola ni Kurt ay hinawakan ni Kurt bigla ang kamay ko at hinalikan niya ako sa pisngi ko. Haaay... Butinnalang, pampabawas kaba. HAHAHAHA! Pero real talk guys, kinakabahan talaga ako ng sobra promise!

*tok tok tok tok*

Kinatok ni Kurt yung pintuan. Agad naman kaming pinagbuksan ng lola ni Kurt.

"Ohw, it's you!" Sabay tingin sakin ng lola ni Kurt habang naka taas ang kilay nito.

"Good evening po" kukunin ko na sana ang kanang kamay niyo upang mag mano pero inilayo niya ito sakin.

"At sinong may sabi sayong mag mano ka saakin!?" Mataray na tanong nito sakin.

"Sorry po"

"Bakit kayo andito? Ano nanaman ba!? Bibigyan niyo nanaman ba ako ng problema ha!? Hanggang dito ba naman!?" Sigaw ng lola ni Kurt. Isasara na sana niyo ang pintuan ngunit hinarang ni Kurt ang kanyang kamay.

"Lola, hindi kami pumunta dito para bigyan kayo ng problema. Pumunta po kami dito para maayos na po natin ang lahat"

"Maayos ang lahat!? Kung gusto mong mangyari yan Kurt, hiwalayan mo yang babaeng yan! Ayoko sakanya! Hindi siya para sayo!"

"Pano mo siya magugustuhan kung di mo naman tinatry na papusukin siara sa buhay mo. Pano mo siya makikilala ng lubos kung ayaw niyo naman siyang makasama, kung ayaw niyo naman siyang makita!? Ha, lola, paano? Kung yan ang gusto mo, hinding-hindi ako papayag! HINDING-HINDI!" naiiyak na sabi ni Kurt.

Hinawakan ulit ni Kurt ang aking kaliwang kamay tiyaka niya ako hinila papalayo dun sa room ng lola niya. Pero biglang sumigaw ang kanyang lola.

"Wait!"

Kahit alam kong narinig ni Kurt iyon, patuloy niya prin akong hinila papalayo sa lola niya.

"Kurt! I said wait!" Malakas na sigaw ng lola ni Kurt.

Pinigilan ko si Kurt sa pagka hila niya sakin tiyaka siya lumingon sa lola niyang malapit na samin. Di ko namalayan na hinabol pala kami ng lola niya.

"Ano nanaman po ba!?"

"As what you said earlier, pano ko siya makikilala ng lubos kung ayoko naman siyang papasukin sa buhay ko right? So may naisip ako. I want her to be my ALALAY for short, MAID!"

Seriously!? A maid!? Hindi ako pina aral ng mga magulang ko para maging maid?

The Assuming GirlWhere stories live. Discover now