Stay Strong

26 2 0
                                    

KURT'S POV

Girlfriend!? Seryoso ka ba?! Oh my god Kurt! Hindi ako makapaniwala!

Ito na nga ba yung ikinakaba ko eh. Galit na galit ata si Lola? High blood ata? Hindi siya sumabay sa amin. Parang hindi nga ata talaga siya makapaniwala. Inutusan niya kanina si mommy na tawagan yung isang driver namin para ipadala sa airport kanina yung kotse ni Daddy. Tulala parin hanggang ngayon si Mara. Nagulat din siya kanina sa nangyari. Lalo na nung napasigaw si lola. Pauwi na kami ngayon pero ihahatid muna kami ni Mara sa bahay nila. Oo tama, kaming dalawa ni Mara. Kailangan ko kasi talaga siyang makausap tungkol dun sa nangyari kanina.

1 hour and 30 mins na rin kaming bumabyahr hanggang sa narealize ko na andito na pala kami sa tapat ng bahay nina Mara.

"Mara...... we're here na." Bulong ko kay Mara.

"Sa-salamat po Tita, salamat po tito." Sabay ngumiti siya ng mapait kay mommy tiyaka daddy. "Mauna nako Kurt. Salamat nga pala sa paghatid sakin dito."

"Sasama ako." Tumingin naman siya sakin ng nakapagtatakang tingin.

"Huh?"

"Kailangan nating pag-usapan yung about dun sa kanina." Tumango lang siya sakin sabay lumabas na siya sa van namin.

"Bye po tito, bye po tita, salamat po ulit." Sabay nag wave siya pero bakas padin sa kanyang mga mukha yung kalungkutan.

"Mag-ingat kayo mom, dad. Maya-maya pa po ata ako makakauwi."

"Ok ijo. Kakausapin ko rin ang lola mo tungkol dito." Pahiwatig sakin ni daddy.

Pinagbukasan kami ni tita ng gate. Nakaalis na rin sila mommy tiyaka daddy.

"Oh anak? Bat ka malungkot? Kumusta?" Sunod-sunod na tanong ni tita. Hindi naman sumagot si Mara kay tita. Deredretso lang siyang umaakyat papunta sa kwarto niya.

"Tita, wait lang po ah. Kakausapin ko lang po sandali si Mara. I'll explain it to you later nalang po."

Tumango lang sakin si tita na may kasamang malungkot na ngiti.

Pagkaakyat ko sa kwarto ni Mara, naabutan ko siyang nakahiga sa kama niya, nakatakip yung isa niya pang unan sa mukha niya.

"Mara......." mahina kong sabi sabay upo sa kama niya.

"Hmmmmm...."

"Mara, mag-usap tayo please" mahina kong sabi sabay hinawakan ko yung kamay niya. Agad niya namang tinabi yung unang nakatakip sa mukha niya tiyaka siya umupo sa tabi ko.

"Kurt..... naiiyak ako." Sabay hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko.

"Mara, it's ok. Ilabas mo lang yang lahat ng nararamdaman mo. Naiintindihan naman kita, then after that, ieexplain ko na sayo ang lahat." Tumango lang siya sakin habang hawak-hawak niya parin yung mga kamay ko.

"Whhhhaaaaaaa!!" Sigaw ni Mara. "Naiinis ako sa sarili ko! Ganun na ba ako ka pangit kaya ganun yung lola mo sa akin!? Hindi ba ako karapat dapat sa buhay ninyo Kurt ha!? Bakit? Bakit Kurt ha, bakit!? Bakit ganun yung reaksiyon ng lola mo nung nalaman niyang girlfriend mo ako? Ku-Kurt, ba-bakit?" Humahagulgol niyang sabi. Sa puntong ito, niyakap ko siya ng mahigpit habang hinahaplos ang kanyang likod.

"Shhhhh....... ieexplain ko na ba?" Mahina kong bulong ko sakanya habang nakayakap padin kami sa isa't-isa. Naramdaman ko sa kaliwang balikat ko na tumatango siya.

"Ganto kasi yun." Huminga ako ng malalim tiyaka ko siya iniharap sa akin. "May napag-usapan kami ni lola dati na bawal akong mag girlfriend hangga't hindi pa ako nakakapag graduate ng college. Alam kong nagpromise ako sa kanya kaso nakilala kita Mara eh. Nakilala kita kaya nga diba niligawan kita nung 2nd year tayo. Alam kong mali yung mga nagawa ko nung mga panahong iyon pero alam kung hindi naman mapipigilan ng ibang tao yung nararamdaman ng isang tao diba. Mara, tandaan mo to, mahal na mahal kita Mara kaya aayusin natin to. Kakausapin ko si lola, kakausapin natin siya aboit satin." Umiiyak padin siya hanggang ngayon.

"Pero Ku-Kurt......" humihikbi niyang sabi. "Pa-paano nalang kung hindi pa-papayag yung lo-lola mo. I-i mean, paano ku-kung pa-pag hi--hiwa-hiwalayin niya ta-tayo......?" Mas lalo siyang naiyak dun sa sinabi niya. Haaayyysssst Mara, wag ganyan. :(

"Shhhh...... wag kang mag-isip ng ganyan. Kailangan nating maging positive sa lahat ng bagay. Kaya natin to. Isipin mo nalang na magugustuhan ka ni lola, na magbabago yung isip niya, na papayag na siya satin kahit 4th year high school palang tayo ngayon. Ha? Maliwanag ba? Shhhh.... tama na, baka maka-apekto pa to sa pag-aaral mo. Monday na bukas kaya huwag mo na munang isipin yung kay lola ha. Susunduin kita bukas ha. Sige, magpahinga ka muna, uuwi na rin ako. May quiz tayo bukas kaya mag-aral ka ha. Isipin mo yung grades mo, huwag muna yung kay lola." Nakangiti kong sabi. Tumatango naman siya habang nagsasalita ako. Bigla niya naman akong niyakap.

"Thank you Kurt ha. Pinagaan mo yung loob ko. Promise, mag-aaral ako mamaya. Ikaw din ha?" Bulong niya sakin. Hinarap ko naman siya sakin.

"Opo ma'am. Oh sige, magpahinga ka muna sandali bago ka mag-aral ha. Alam kong napagod ka sa biyahe natin. Sige mauna na ako. I love you." Sabay kiniss ko siya sa cheek niya.

"Bye, mag-ingat ka. I love you too Mr. Kurt Anderson." Kiniss niya rin ako sa cheek.

"See you tomorrow Ms. Mara Marasigan."

The Assuming GirlWhere stories live. Discover now