Bryan~

51 3 2
                                    

MARA'S POV

Haaaayyy, buti nalang at nai-ahos namin ang lahat. Bati na kami ngayon ni Kurt at nagkakatuwaan kaming tatlo dito sa room namin.. Tawanan dito, tawanan doon. Daldalan dito, daldalan doon. Ganyan kaming magkakaibigan.. XD

tok tok tok tok.....

Bigla kaming tumahimik.

tok tok......

kumatok ulit yung kumakatok.

"Karen, pakibuksan naman ng pintuan oh... please..." utos ni Kurt na tila parang batang nagmamakaawa.

"Yuck Kurt! umayos ka nga diyan, hindi bagay sayo!" sigaw ni Karen sabay tawa. Tumawa na rin ako, totoo naman kasi eh,  hindi talaga bagay sakanya. XD

"Buksan mo na kasi yung pintuan." paki-usap ulit ni Kurt.

"Ayoko nga"

"Grabe ka naman, ang lapit lapit mo na nga sa pintuan tatamad tamad ka pa diyan" -Kurt

"Sige na nga" sagot niya na tila natatawa.

-Pagkabukas ng pintuan-

Hmmmmmm, at sino naman kaya to? baka magnanakaw? baka kidnapper? baka....... pero imposible. Mukha siyang mayaman tiyaka grabe ang gwapo niya. Ang kinis kinis pa ng kutis, parang galing sa ibang bansa. Tapos may dala pang maleta? Maleta?? Hindi kaya siya yung anak nung tita Anne ni Kurt? hindi kaya siya yung pinsan ni Kurt? Hindi kaya siya si Bryan?

unti-unti akong lumingon sa tabi ko kung nasan nakaupo si Kurt. Nakatingin lang siya dun sa lalaki at biglang nagsalita.

"Anong ginagawa mo dito?" cool na sabi ni Kurt

"Gusto ko eh" sagot nung lalaki.

"Napakatino mo talaga kausap" mahinang sabi ni Kurt na di naman ata narinig nung lalaki.

"Oo nga naman kuya pogi. Bat ka nga ba andito? Naliligaw ka ba? o ano? tiyaka sino ka ba?" tanong ni Karen. (tsk tsk tsk. Kahit kailan talaga oh)

"Excuse me? and who are you?" tanong nung lalaki kay Karen

"I'm Kurt's bestfriend. At isa pa, bat mo ba ako inienglish diyan? Tiyaka take note, KURT'S BESTFRIEND. KURT. Tandaan mo yan. Sila ang may ari ng rest house na to." -Karen

"Stop it Karen" cool ulit na sabi ni Kurt. "He's Bryan, my cousin."

"Sorry po kuya pogi." nahihiyang sabi ni Karen.

"It's ok. Tabi ka diyan at papasok nako." haaaayyy... simula palang ayoko na sakanya. Pogi nga, masama naman yung ugali.

"Bat ka nga ba kasi andito? madami namang rooms dito, dito ka pa pumasok sa room namin."

"Wag kang mag-alala, di ko ginusto to. Sinabihan lang ako ni tita Pat na dito daw ako matulog para daw makilala ko naman yang mga kasama mo dito. Pasalamat ka!" naiinis niyang sabi.

"Pasalamat? asa ka noh."- Kurt

Huh? di ko maintindihan. Bat sila ganun magsalita? Parang may galit sa mundo? Magkaaway ba sila? O baka naman tampo tampo lang? Ewan ko ba, hayaan mo na. Ang importante, alam ko na yung ugali ng Bryan na yun.

"Ahm, labas muna ako guys." paalam ko sakanila.

Bryan's POV

Who's that girl? yan lang ang pumasok sa utak ko. Ang ganda niya. At feeling ko mabait pa. Kaano ano naman kaya ni Kurt yun? wag niya sabihing girlfriend niya yun.. hahahahaha.. imposible. Baka naman siya yung sinasabing anak ni tita Lyn? haaaayyy... bahala na. Lumabas din yung babaing bungangera sumunod ata dun sa magandang babae. Kaya ngayon, kami nalang ng pinsan kong si Kurt ang naiwan dito.

The Assuming GirlWhere stories live. Discover now