Ito na Talaga

51 3 1
                                    

Kurt's POV

Kring kring....... kring kring...

Bigla akong nagising nung nag ring yung alarm clock ko. Good vibes na good vibes ata ako ngayon pero bakit parang may halong kaba? Bahala na, ito na talaga to, gagawin ko na ang dapat gagawin. This is it, kalma lang Kurt, you can do it. YOU CAN DO IT.

Agad nakong naligo, nagbihis, nag ayos, kumain, nag toothbrush at pinaandar na ang kotse ko.

*****

Nasa classroom na ako ngayon. Ang aga pa pala #MedyoEcxitedLang. Habang nag aantay kay Mara, unti unti kong naipikit ang aking mga mata at agad nang nakatulog.

Mara's POV

Papasok na ako ngayon sa classroom. Medyo inagahan ko ng onti ngayon kasi nga, gustong makipag kausap sakin si Kurt. Pagkapasok ko sa classroom....... TULOG NA KURT yan ang naabutan ko. Yung feeling na kahit tulog gwapo padin.... ^_____^ Joke lang. Bago pa dumami yung mga pumapasok, ginising ko na si Kurt para makapag usap nadin kami.

Kurt...... sabay alog kay Kurt. Agad naman siyang nagising.

"Ayyy, andiyan ka na pala. Sorry, nakatulog pala ako. Di ko na namalayan. Sorry talaga."

"Ano ka ba, ok lang yun no tiyaka good morning.. :)" Bati ko sakanya sabay smile.

"Good morning" nag smile din siya pero yung tipong smile na inaantok. XD Cute nga eh. XD Joke laaaanngg...

"Ahm Kurt, oo nga pala, speaking of "sorry" bat ka nga ba nag sosorry sakin? bat moko iniiwasan nung mga nakaraang araw? tiyaka ayaw mo na ba akong makasama? nagsasawa ka na ba sakin? samin ni Karen?" Dami kong tanong no. XD

"Kalma lang.... Ayan, ayan ang dahilan kung bakit ako umalis kaagad nung Saturday." Nagtinginan muna kami sabay tawa.

"Ahm, ano nga?" tanong ko sa kanya sabay smile

"Sagot ko dun sa una mong tanong Sorry kasi iniwasan kita nung nakaraang araw. Pangalawang tanong, kasi nagseselos na ako kay Lance. Siya nalang yung lagi mong kasama, lagi mong kausap, lagi mong katawanan. Pangatlo, gustong gusto kitang makasama, ayoko lang mawala ka sa tabi ko--"

"Huh?" tanong ko na tila nagtataka.

"Ayokong mawala ka sa tabi ko" inulit niya na parang nahihiya.

"Pero bakit? Tiyaka unang una sa lahat, hinding hindi mangyayari yun."

"Pero posible Mara, posibleng posible." Sagot niya sakin.

"Pero pano Kurt?" nakapagtataka kong tanong

Huminga muna siya ng malalim tiyaka nag salita.

"Because I like you Mara. Gusto kita. Gustong gusto kita. Hindi lang as my friend pero crush kita. Naalala mo ba nung sa bahay mo? Yung sinabi kong "I like your outfit"? Palusot ko lang yun, kasi natotorpe ako sayo Mara, torpeng torpe. Kaya di ko maamin amin kasi baka layuan mo ako kapag nalaman mong gusto kita."

"Ahm Kurt, siguro mamaya nalang ulit tayo mag usap. Mamayang uwian." naiiyak kong sabi sabay puntang CR.

Kurt's POV

Umalis? Bakit? Ito na ba yung kinakatakutan kong mangyayari? Yung iiwasan ako ni Mara? Sana hindi kasi seryoso naman ako eh at handa akong ligawan siya, handa akong pasayahin siya. Mas higit pa nung dati. Sana walang mangyayaring iwasan sa aming dalawa.

The Assuming GirlWhere stories live. Discover now