This is it!

60 2 1
                                    

Kurt's POV

It's a Saturday morning. Maaga akong nagising na tila parang excited ang aking nararamdaman ngayon. Excited na may halong kaba. Pero bakit? Ay oo nga pala, kakausapin ko nga pala si Mara ngayon. Pero paano? Paano kung wala siya sa bahay nila? O di kaya pano kung...... he! Andami kong tanong nakakainis! Problema ba yun kung wala siya sa bahay nila. Madami panamang araw eh tiyaka bat kailangan may kasaling kaba, eh sasabihin ko lang naman kung ano dapat at alam kong walang mali sa gagawin ko. BAHALA NA NGA.

Pagkatapos kung kumain agad akong nag toothbrush, nagbihis at nag ayos. Papunta na ako ngayon sa bahay nila Mara nang biglang may nadaanan akong nagbebenta ng magagandang bulaklak at agad ko itong binalikan.

"Manang, pabili naman po niyan." sabay turo sa napakagandang bulaklak. Agad naman itong inabot ng manang at agad ko itong binayaran. Bakit nga ba ako bumili ng bulaklak? Ano nanaman ba 'tong pumasok sa utak ko.... -_-

****

Ayan na, papasok na ako sa subdivision nila. Lalo akong kinabahan. Ano ba naman to.

Nasa tapat na ako ngayon ng bahay ni Mara at agad kong pinark ang aking sasakyan sa may gilid. Di ko dinala yung bulaklak at agad ko nang pinindot ang doorbell nila. Diiinnnggg Dooonnngg.... Wala paring nagbukas. Inulit ko, Ding Dong, Ding Dong.... Magkasunod kong pinindot. May lumabas, si manang pala.

"Aba'y iho, pasok ka't puntahan mo nalang si Mara sa kanyang kwarto." Sabi ni Manang.

"Hoooooo!!!??? sa kwarto ni Mara???" gulat kong tanong

"Basta puntahan mo nalang. Wala din sila madam kaya huwag kang mahiya." Sabi sakin ni manang.

Unti unti akong umakyat at pagkadating ko sa kwarto ni Mara ay agad ko itong kinatok. tok tok tok.... Walang nagsalita. Inulit ko, tok tok tok tok. "Sino yaaaannnn???" mahina niyang tanong na tila parang kakagising niya lang.

Mara's POV

Sino yaaaannnn??? tanong ko.

"Ako to Mara, si Kurt"

"Kuuuurrrrtttt!!!!!???" grabe, nung narinig ko yung pangalang Kurt agad akong tumayo at naghilamos sabay toothbrush. Pagkatapos kong maghilamos tiyaka mag toothbrush agad kong binuksan yung pintuan.

"Ahm hiiii..." Bati niya sakin na parang nahihiya.

"Ano bayan Kurt, pwede naman kasing mag text diba? Kung wala kang load pwede mo naman akong ichat. Online ka naman kagabi eh. Tiyaka Good morning nga pala."

"Good morning din. Eh kasi..."

"Eh kasi ano?" tanong ko sa kanya.

"Gusto ko lang mag....... mag..." paputol putol niyang sabi

"Mag??"

"Mag sorry sayo. Sorry talaga Mara. Sorry kasi sobrang nagselos kasi talaga ako kay Lance. Lalo na nung lagi ko kayong nakikitang magkakasama, nung lagi ko din kayong naaabutan na masaya. Ayoko ko lang naman kasing mawala ang kaibigan ko sa buhay ko no."

Biglang tumahimik ng saglit.

"And I just want you to know that, I.....a...I... I like y... yo.... y---" -Kurt

The Assuming GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon