Bestfriend is bestfriend

53 3 2
                                    

KURT'S POV

Grabe to,  kakaiba, parang tumigil yung mundo ko na parang ewan. Basta. Di ko maintindihan. Yung tilang may kasabay pang kabog ng puso mo. -_- Haaaaayyyy.... So nagbalikan na kami sa kanya kanya naming mga upuan. Haaaayyy... hanggang dun nanaman ba yun? usap tapos mawawala nanaman. Ayoko na, ayoko nang maulit pa muli yung nangyari samin this past few weeks. Kaya kailangan na talaga naming mag-usap. Pero papano? Hmmm... makapag cr nga muna.

"Ahm, ma'am,  may I go out?" tanong ko sa adviser at agad namang tumango ito.

Nakatingin lang ako ngayon sa salamin at tinitignan ang sarili ko. Maya-maya, agad na akong lumabas, baka magtaka pa yung mga kasama ko sa classroom kung bakit ako natagalan. XD

Habang naglalakad, inaayos ko rin yung damit ko, nang may nabangga ako.

"Ahm sorry mi-------" naputol yung miss ko nang nakita kong si Mara pala yun. Grabe, ito na ba yun? Ito na talaga, kakausapin ko na talaga siya. "Sorry Ma....Mara..."

"No it's ok" sabay smile sakin.

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko kay Mara. Tumingin lang siya sakin nang di kumikibo.

"Ahm...., Mara, Can we?" Tanong ko ulit kay Mara.

"Sure?"

"Ahm, sige, wag na pala. Mukhang di ka pa handang makipag kausap sakin. Sige pasok na ko." sabay turo sa may pintuan. At agad naman akong naglakad papasok.

Haaaayyyy grabe. Ang awkward nun ah, grabe. SUPER AWKWARD! :'(

*******

Tapos na yung party namin.  Ako nalang mag-isa ngayon sa classroom. May pinapaayos pa kasi sakin yung adviser namin nang biglang may kumatok sa pintuan. Agad naman akong tumingin sa pintuan at..... O_____O Totoo ba tong nakikita ko? Weh!? grabe! Sinampal sampal ko yung mukha ko nang pumasok siya sa pintuan at lumapit siya sakin.

"Uy, parang kang baliw diyan sa ginagawa mo. Sa totoo lang." natatawa niyang sabi.

"A-a-ahm, MARA?"

"Oh? bat parang ayaw mo atang nandito ako? akala ko ba, gusto mong makipag kausap sakin?" tanong niya sakin tiyaka umupo siya sa tabi ko..Parang bumabalik na siya sa dati. ^_^

"Ahm kasi, nagulat lang ako. Akala ko kasi ayaw mo nang makipag kausap sakin."

"Ano ka ba!? loko to, bat naman mangyayari yun eh bestfriend kita." sabay gulo ng buhok ko.

"Bestfriend? wala ba talaga akong pag-asa sayo MARA?" tanong ko sa kanya. And now, I feel so AWKWARD! -_-

"pag-asa saan?" natatawa niyang sabi.

Ano bang nangyayari kay Mara. Ano bang pinakain ni Karen neto. XD

"Yung............ yung.......  yung sabi ko nga sayo na, gusto kita, crush kita. Mara, maging seryoso ka naman please. Kahit ngayon lang."

Tumingin lang siya sakin na tila seryoso. 30 secs nang nakalipas tahimik padin ang atmosphere at napaka awkward.

"Ahm, alam mo naman kasing isa lang akong napaka assuming na babae diba. Kaya ayokong maulit ulit yung nangyari. Yung ginawa ni Lance sakin. Nung una, iniisip ko na baka trip mo lang akl kasi alam mong assuming akong tao. Kaya ako umiwas sayo ng pansamantala Kurt kasi ayoko nang masaktan ulit. Sorry Kurt pero hindi ko masasagot yang tanong mo. Sorry." naiiyak niyang sabi.

"Naiintindihan kita Mara...." malungkot kong sabi. Tuluyan naman siyang umiyak. Inabot ko yung panyo ko sa kanya, agad niya namang kinuha tiyaka pinunas sa mga mata niya.

"Thank you Kurt and I'm really really sory." sabay fake smile.

"No, it's ok. So....., friends?" tanong ko sa kanya sabay smile.

Tumingin siya sakin sabay smile tiyaka nag salita.

"Bestfriend" :)

Grabe, na bestfriend zone ako. Pero ok na din yun atleast makakasama ko na ulit si maganda at madaldal kong BESTFRIEND.

The Assuming Girlحيث تعيش القصص. اكتشف الآن