<3

33 3 1
                                    

Mara's POV

3rd day na namin ngayon at di ko padin talaga alam kung ano yung isasagot ko kay Kurt. Simula nung tinanong niya ko kahapon hanggang ngayon, na awawkward nanaman ako. Ano ba naman to, lagi nalang, dati nung tinanong niya din ako tungkol dito, ganto din yung nafefeel ko. Kagigising ko lang ngayon at grabe, ang sarap ng tulog nila. XD  At dahil wala naman akong kausap dito, napagplanuhan ko nalang na lumabas. Hahawakan ko na sana ang door knob ng bigalang may nagising.

"Mara..... san ka pupunta? Coffee tayo." nakasmile na sabi ni Kurt

"Ha? ahm ka-kasi.."

"Sige na pleeeeaaassseee..." pagmamakaawa niya habang papalapit sakin.

"Ahm, sige" mahina kong sabi.

********

Nasa starbucks kami ngayon para mag coffee. Libre niya daw. Tiyaka, nakakahiya naman kung di ako sasama eh. :3

"Ahm, anong gusto mo?" tanong niya sakin.

"A-ah, kahit ano nalang.."

"Ha? sure ka ba?" mahinang tanong sakin ni Kurt

"Ahm, oo. Promise." naka ngiti kong sabi (na parang  naka fake smile)

Umupo siya sa harap ko (imaginin niyo nalang XD Basta yung pangdalawahang tao lang. XD) tiyaka ako tinanong.

"Ok ka lang ba Mara? baka na awawkward ka nanaman katulad ng dati?" natatawa niyang sabi.

"Yyyiiiiieeee, tatawa na yaaaaan..." dagdag ni Kurt. Haaaaaay, ang galing talaga neto, alam niya na talaga kung pano ako patawanin.

"So ano na nga, na awawkward ka nanaman ba? walang ganyanan ah." natatawa niya nanamang sabi.

"H-ha? ah-eh"

"Sige wag na nga, baka mas lalo ka pang ma awkward. Pano ba naman kasi, sa kapogian kong to, sino banaman kasing di ma awawkward." mahina niyang sabi na may kasabay pang tawa. (yung tawang parang nang-aasar. XD)

"Ang kapal naman!" mahina kong sabi

Ewan ko ba, simula nung pinatawa niya ako, biglang nawala yung awkward. Tiyaka simula nun, nagkatuwaan na kami dito sa loob ng starbucks. Hanggang sa nag order na siya tapos hanggang sa naubos na namin yung coffee at hanggang sa umuwi na kami.

*naglalakad pabalik ng rest house*

"Mara, sisimulan ko na ah." pabiro niyang sabi na may kasama pang pakindat kindat.

"Ang alin? Yung totoo?"

"Yung panliligaw ko." ayan nanaman yung pakindat kindat niya. XD

"Bakit? pumayag na ba ako? wag ka nga Kurt." grabe, bat ganun, di nako na aw-awkward ngayon.

"Asus, alam ko namang papayag ka eh." natatawa niyang sabi.

"Kapal!"

"Ano na Mara? sisimulan ko na ba?"

"HAHA, mag-antay ka!" natatawa kong sabi.

Kurt's POV

"HAHA, mag-antay ka!"

grabe talaga to, pinapahirapan talaga ako. XD Di pa nag sastart yung  panliligaw ko niyan ah, pano pa kaya kung magsastart na. XD

"Mara, seryoso na ha, kailan ba pwede?"

"Mamaya. HEHE"

"Mamaya? yung totoo?" pabiro kong tanong.

"Bakit? di mo ba kayang mag antay?"

"Ha? eh? siyempre kayang-kaya!"

"Yun naman palla eh"

*pagkadating sa rest house namin.*

Dumeretso na agad kami sa room namin para mag-ayos. Uuwi narin na kasi kami mamayang 4:30. Tiyaka siyempre, mamasyal pa kami pagkatapos mag-ayos. Sulitin na dapat namin to no. Magpapasukan nanaman na kasi eh. XD

*Pagkaasok sa room*

Kaming dalawa lang dito. Ewan ko lang kung nasan nanaman yung Karen na yun. XD Siguro, kasama nanaman si Bryan. Ewan ko ba sa dalawang yun. Nalaman lang ni Bryan na kami na ni Mara (kahit hindi) naging kaclose niya na agad si Karen. XD Joke lang. XD Baka naman kasi gusto niya lang magkaroon ng  bagong kaibigan.

"Kurt, pwede na" mahina niyang sabi.

"ha?" pinapaulit ko lang. XD Baka kasi nagkamali lang ako ng rinig.

"Wala!"

"Ui, joke lang! narinig ko yun noh. Pinapaulit ko lang,baka kasi nagkamali lang ako ng rinig eh. So pwede na nga?"

"Mmm."

"Anong Mmm?"

"Pwede na nga! Kulit!" naiiritang sabi na may kasamang tawa pa sa dulo.

Nung narinig ko yun, nahug ko siya ng biglaan. Di ko alam kung bakit pero baka kasi nabigla lang ako tiyaka siyempre may halong saya at kaba. XD (daming alam)

Pagkatapos naming mamasyal, umuwi na kami paMaynila. Super saya. Lalo na nung namasyal kami, ang daming nangyaring gusto ko pang ulitin. Ito na ata ang pinaka masayang sembreak na nangyari sa buhay ko. At siyempre, dadagdagan pa ang masasayang memories ko kasama si Mara. :) <3

The Assuming GirlWhere stories live. Discover now