1st Anniversary

47 2 0
                                    

Kurt's POV

Oo tama, si Khate nga ata yung tinutukoy niya. Ano ba yan, sa lahat lahat ba naman kasing araw ngayon pa kami nahuli. Kung kailan napaka importante ng pinag-uusapan namin  ni Khate. Sana wala siyang narinig kanina. :(

"Ohw.... I think it's Khate?"

"Malay ko ba kung anong pangalan nung babae mo!"

Oo nga naman. Malay niya ba kasi diba kung anong pangalan nung kasama ko kanina. Tiyaka correction Mara, hindi ko siya babae o ano. Siya lang naman yung pinaka close ko sa lahat ng mga pinsan ko. Ahm, close naman kaming lahat na magpinsan pero siya yung super ka close ko.

"Hahahaha..." natawa nalang ako sa sinabi niya. Makapag sabi kasi na babae ko yun eh di naman.

"Anong nakakatawa!?" Seryoso niyang tanong sakin.

"Ano ka ba Mara. Can you stop thinking na babae ko yun. Ano ka ba, hinding hindi ko magagawa sayo yun kasi nga mahal kita Mara."

"Eh ano mo yun?" Mahina niyang tanong tapos yumuko siya ng onteh.

"She's my cousin."

"Cousin!? Pero baki--" di ko na siya pinatapos pa. Baka madulas pako neto.

"Basta, kalimutan mo na muna yun. Mamaya na natin pag usapan yan. Magbihis ka na at may pupuntahan tayo." Nakangiti kong sabi habang siya blanko lang yung mukha niya.

"Saan naman tayo pupunta? Tiyaka sorry nga pala dun sa kanina." Nag sorry siya? Yung totoo? Hinawakan ko agad yung labi niya.

"Shhhh.. wala kang dapat ipag sorry. Magbihis ka na, mag aantay ako sayo sa baba ah." Sabay ngiti tapos sinara niya na agad yung pintuan ng kwa to niya.

Mara's POV

Haaaayyyyssss, nakaka hiya kay Kurt. Kung ano ano yung iniisip ko tungkol dun sa babae, yun pala pinsan niya lang pala. Napaka assuming ko kasi eh, ayan tuloy. Nag assume ako na babae niya yun, kaso mali ako. Minsan, sobra sobra na talaga yung pagiging assuming ko. Haaayyysss...

Oo nga naman, bat di ko naisip yun na hindi ako kayang ipagpalit ng lalaking yun, ni Kurt. Haaaaayysss, sorry talaga Kurt.

Tapos na akong magbihis kaya bumaba na ako agad. Saan kaya kami pupunta ngayon? Hmmm.

Pagkababa ko, nakita ko si Kurt na nakaupo sa sofa namin. Tumayo agad siya nung nakita niya ako.

"Ahhmmm.. Ma-mara? Bagay sayo."

Yung totoo Kurt?

"Ahm thank you." Sa panahong to, namumula ata ako sa kilig. Hehe.

"Ipapa alam muna kita kay Tita." Hinawakan niya yung kamay ko tapos pumunta kami sa kusina kung nasan si Mommy.

"Tita, pwede ko po bang--" hindi pa nga tapos si Kurt na magpaalam kay mommy pumayag agad. Yung totoo?

"Oo naman. Alam mo namang may tiwala ako sayo at wag mong sirain yung tiwala ko sayo ah?"

"Opo naman po tita." Lumabas na kami ng bahay. Pinagbuksan niya ko ng pintuan sa kotse niya. Pumasok naman agad siya sa kotse niya nung nakapasok na ako.

"Ahm, Kurt, san ba tayo pupunta? Di mo man lang ako sinabihan kahapon na may lakad pala tayo ngayon."

"Malalaman mo mamaya." Tumingin siya sakin sabay kindat. Andaming alam ng boyfriend ko. Malalaman ko din naman pala mamaya, bat di niya sabihin ngayon.XD

Andito na pala kami. Di ko namalayan, nakatulog kasi ako eh. Grabe ang ganda, labas palang maganda na paano pa kaya sa loob nito? Binuksan naman ni Kurt yung pintuan ng kotse niya para makalabas na ako.

"Let's go?" Tanong niya sakin na may kasamang nakakamatay na ngiti.

Hawak-hawak niya yung kamay ko habang naglalakad kami papasok. Grabe, super ganda ng resort na to. Halatang mamahaling resort to. Tiyaka makakapag relax ka talaga kasi wala gaanong tao. Lumapit si Kurt dun sa may parang information chu chu.

"Ms, ok na ba?" Tanong ni Kurt dun sa babae.

"Opo sir." Sagot nman mung babae tapos may binigay siyang susi kay Kurt.

"Susi? Para san yan? Tiyaka nasan ba tayo ngayon? Ngayon lang ata ako nakapunta dito." Tanong ko sa kanya.

"Kalma Mara,kalma. Nasa resort tayo alam mo yan" pabiro niyang sabi. Kahit kaylan talaga tong Kurt nato! Pilosopo talaga! Hayst!

Maya-maya, sumakay kami sa elevator. At grabe, nasa 5th floor na kami pero di padin kami lumalabas dito. Grabe naman. Hanggang sa maka abot na kami sa 8th floor at agad na kaming lumabas dun sa elavator. Grabe ang ganda dito. Paano niya kaya nahanap tong lugar nato. Hmmm...

Binuksan niya yung pintuan ng isang room gamit yung susi na binigay nung babae kanina. Pagkabukas niya, andilim naman dito. Grabe lang ah. Humarap sakin si Kurt tas hinawakan niya yung mga balikat ko.

"Ikaw nang mag bukas ng ilaw." Sabay kindat sakin. Yung totoo? Magbubukas na nga lang ng ilaw di niya pa kaya. Eh pipindutin niya lang naman yung switch. Hihi.. Agad kong pinindot yung switch.

WOW! yan lang talaga yung masasabi ko ngayon, wow talaga as in wow! Anlaki ng kwarto. Pumasok kami, grabe, anlaki ng kama tas may mga rosas tas naka form yung mga rosas ng "Happy 1st Anniversary" awww... nakaka touch nemen.

Ayan nanaman siya, humarap nanaman siya sakin. Tapos hinawakan niya yung dalawa kong kamay.

"Happy anniversary Mara, I love you" sabay yakap sakin.

"I love you too Kurt tiyaka thank you sa lahat ng to. Akala ko nakalimutan mo yung anniversary natin.".

"Ikaw naman, pwede ba yun? Syempre hindi no." Sabay tawa. "Oo nga pala Mara,may ipapakilala ako sayo. Ipapakilala ko sayo yung may ari ng resort na to. Nasa baba na daw siya, tara?"

"May ari? Bat kailangan ko pang makilala yun? Ni hindi ko nga alam tong lugar na to eh." Pagtataka kong sabi. Eh totoo naman kasi eh. Hihi

"Mara, kailangan mo siyang makilala at gusto ka rin niyang makilala." Hinawakan niya yung kamay ko tapos lumabas kami dun sa kwarto na yun tiyaka kami sumakay sa elevator.

Nasa pinakababa na kami nung hotel. Pupunta daw kami dun sa may resto. Anlaki ng resto. Siguro napaka yaman nga nb may ari ng resort na to.

Nasa loob na kami ng resto. Inasist kami nung isang waiter. Tinuro niya sa amin yung isang table kung saan may naka upong babae. Siya kaya yung may ari ng resort na to?

Isang hakbang nalang at makikilala ko na siya. Wait, parang pamilyar sakin tong babaeng to? Pero di ko matandaan kung saan ko siya nakita.

"Oh hello, it's nice to see you." Nakangiti niyang sabi habang naka tingin siya sakin. "So Kurt, siya na ba si Mara?" At aba, kilala niya ako? Ang galing naman, samantalang ako hindi ko siya kilala.

Ang ganda niya, medyo kahawig niya si Kurt ng onteh.

Itutuloy....

Sa mga nagbabasa po nitong "The Assuming Girl" suportahan niyo po yung bago kong story. :) "A Very Special Love" po yung title. :) Prolouge palang po yung andun. :) Happy new Year! :)

The Assuming GirlWhere stories live. Discover now