Let's Do This

30 1 0
                                    

Kurt's POV

Saturday ngayon at halos one week na rin ang nakalipas nung sinundo namin si lola sa airport. Ok naman ang lahat. Katulad ng sinabi ko kay Mara, hindi naman siya nagpaapekto dun sa nangyari, actually perfect pa nga kami  dun sa quiz namin eh.

Maaga akong nagising ngayon kaya napagpasyahan kong pumunta nalang kina Mara. Nagpaalam na ako kina mommy at daddy. Wala dito si Lola, nasa hotel siya simula nung Sunday. Gusto niya lang daw munang pag-isipan yung samin ni Mara.

****

Ding dong..... ding dong...... ding dong...

Lumabas naman agad ang daddy ni Mara.

"Oh ijo, ikaw pala. Ang aga mo ata ngayon? May lakad ba kayo ngayon? Tulog pa si Mara, baka nakalimutang magpa alarm." Natatawang pahayag ni tito.

"Wala naman po tito. Gusto ko lang po sana siyang dalawin?"

"Ngayon pa ba kita hindi papayagan? Eh halos araw-araw ka namang naandito" nakangiting sabi ni tito. "Oh sige, pumasok ka na roon. Bibili lang ako ng dyaryo kay aling Bebang."

"Sige po tito, salamat. Good morning na din po pala" tumawa naman si tiyo dun sa sinabi ko. May mali ba sa sinabi ko? HAHAHAHA bahala na nga.

Pagkapasok ko naman sa bahay nila Mara ay naabutan ko naman si titamg nagluluto sa kusina nila.

"Uhm tita, good morning po. Dadalawin ko lang po sana si Mara." Palapit ako nang palapit kay tita. Ang bango ng niluluto niya. Nagugutom na tuloy ako. HAHAHAHAHA!

"Oh, ikaw pala ijo. Nako! Tulog pa si Mara. Napaka aga mo naman kasi." Natatawang sabi ni tita.

"Eh, sorry na po." Natatawa ko ring sabi.  "Ah-eh tita, tulungan na po kita diyan."

"Nako ijo, hiwag na. Patapos na rin kasi ako. Puntahan mo nalang si Mara doon sa kwarto niya. Sabihin mo magaalmusal na tayo."

"Ah-eh sige po tita." Nakangiti kong sabi.

Kinatok ko yung pintuan ng kwarto niya, walang sagot. Baka tulog pa ata. Di naman naka lock yung pintuan kaya pumasok nalang ako.

"Uhm..... Mara...?" Wala kasi siya sa kama niya.

"Ku-kurt? Ang aga mo naman yata." Biglang may lumabas galing sa cr niya. Naliligo pala. Abaaa, maaga ata nagising?

"Ah-eh so-sorry, wala kasing sumasagot kaya pumasok nalang ako. Akala ko kasi tulog ka pa." Naiilang kong sabi. Paano banaman kasi tuwalya lang yung nakabalot sa katawan niya. Ang puti talaga ni Mara. Haaayyysssttt.... "By the way, aantayin kita sa labas ng kwarto mo ah. Kakain na raw ng almusal sabi ni tita." Nakangiti kong sabi.

"Sige" naka ngiti niya ring sagot.

Mga 30 mins din akong mag iintay kanina dun sa labas ng kwarto niya. Mabilis lang din kaming natapos kumain kanina. Nasa living room ako ngayon kasama si tita Mandy (mommy ni Mara) inaantay mo kasi si Mara. Nagbibihis kasi siya ngayon kasi napag isipan naming manood nalang kami ng sine sa mall.

"Ahm ijo, Kurt"

"Po?"

"Tungkol nga pala sa lola mo?"

"Ha-ha p-po? Alam niyo po yung kay lola? Yung samin ni Mara?"

"Ijo naman, anak ko si Mara kaya kailangan at dapat lang. Naikwento kasi saakin ni Mara iyong tungkol doon sa lola mo. Hindi niya na kasi mapigilan yung nararamdaman niya nung mga araw na iyon kaya inilabas niya lahat ng mga nararamdaman niya sa akin."

"Ahm, tita Mandy..... sorry po kung hindi ko pa po naikukwento sainyo yung kay lola. Dati ko pa po talaga gustong sabihin sainyo yung tungkol dun sa issue namin ni lola. Sorry po talaga, sadyang naunahan lang po talaga ako ng takot. Takot na kung baka kapag nalaman ninyo iyon, baka po paghiwalayin niyo po kami ni Mara."

"Alam mo Kurt, hinding hindi namin magagawa ng tito mo iyan. Alam naming mahal na mahal mo si Mara. Hindi namin alam na kung kayo na ba talaga ang para sa isa't-isa pero gusto talaga namin. Ijo, huwag ka na sanang mag tago sa amin o di kaya kayo ni Mara. Sabihin niyo lang lahat ng mga problema niyo, tutulungan namin kayong ayusin ang mga iyan." Nakangiting sabi sakin ni tita habang tinatapik niya ang aking kanan na balikat.

"Ahm, mommy, Kurt."  Tawag samin ni Mara.

"Oh anak, andiyan ka na pala. Mag ingat kayo ni Kurt ha. Kurt, mag ingat kayo."

"Opo naman po tita. Sige po, mauna na po kami. Paki sabi nalang po kay tito na umalis po kami ni Mara."

"Sige, ingat." Nakangiting paalam ni tita.

****

Nakapanood na kami ng sine ni Mara. Nasa park kami ngayon. Gusto niya raw kasi munang tumambay dito. Gusto niya lang daw magpa hangin sandali.

Nasa may bench kami ngayon naka-upo habang naka holding hands siyempre. ;)

"Kurt......"

"Mmm?" Tinignan ko siya habang siya nakatingin lang sa mga batang naglalaro.

"Narinig ko yung pinag-usapan niNyo ni mommy kanina." tumingin na siya sakin.

"Alam mo Mara, huwag mo munang isipin yun. Diba sabi ko naman sayo, huwag muna nating isipin yun?"

"Pero Kurt, ayoko ng ganito. Gusto ko nang maayos ang lahat. Gustong-gusto ko na. Nahihirapan nakong magpanggap na ok lang sakin ang lahat kahit alam ko naman sa sarili ko na hindi. Sana naiintindihan mo ako ngayon Kurt, sana..." naiiyak niyang sabi.

"I'll talk to her later. Pupuntahan ko nalang mamaya si lola sa hotel kung saan siya nagsastay ngayon."

"No Kurt, WE WILL. We will talk to her dapat. Sasama ako sayo. Kahit ngayon na Kurt, gusto ko siyang kausapin. Gusto ko nang maayos ang lahat. Ayusin na natin to Kurt please...., please. Please lang talaga."

Tumango nalang ako. Haayysstt... sa mga panahong 'to, umiiyak na talaga si Mara. Ayokong makita siyang umiyak kaya pinayagan ko nalang siya sa gusto niya. Tama nga siya, kailangan na naming ayusin yung tungkol kay lola. Alam kong nahihirapan na si Mara at mas lalo na ako. Kaya ngayong araw na 'to, we will make it together at sisiguraduhin kong maayos na namin ang lahat.

The Assuming GirlWhere stories live. Discover now