Medyo palusot

60 4 1
                                    

Mara's POV

"And I just want you to know that, I.....a...I... I like y... yo.... y---"

Omayghad!! Ano to, aaminin niya na ba? na gusto niya ako, na mahal niya ako? Alam kong ayoko na sanang mag assume kaso ito na yun eh. Ito na talaga.

"Ahm ano yun Kurt?" -tanong ko sa kanya habang ako naman namumula dahil sa kilig

"Ahm, I just want you to know that..... that.... I like your outfit. Oo tama, I like your outfit!" natatawa niyang sabi. ghaaaaaaaaddd, Oo nga pala, di ako nakapag bihis, binuksan ko yung pinto na suot suot yung pantulog ko. Namumula na ako ngayon dahil sa hiya. -______-

"Hihi, sorry.... Wait lang ah" sabay sara ng pinto.

Kurt's POV

"Ahm, I just want you to know that..... that.... I like your outfit. Oo tama, I like your outfit!"

Buti nalang. Buti nalang nakalusot ako. Kimabahan ako dun ah. Yung bulaklak, 'Wag na yun, tiyaka uwi nalang ako para makatakas sa mga palo nun. XD Tiyaka pati na din sa mga tanong nun. Sa pasukan nalang ulit. Papasok nalang ako ng maaga para makapag usap kami ng maayos. Tiyaka i-p-PM ko nalang siya o di kaya itetext na pumasok siya sa Monday ng maaga. Di ko alam pero di ko talaga kayang ipagtapat sa kanya. Torpe lang eh no. Pero bahala na. Baka kapag sinabi ko sa kanya yung totoo, lalayo siya sakin.Pero kailangan. Baka maunahan ako ni Lance. Maunahan?? liligawan ko ba si Mara? hala! nababaliw na talaga ako.  Nababaliw na kay Mara. Joke lang, baliw na nga talaga ako.

Mara's POV

Nakapag bihis na ako ngayon. Pagkabukas ko ng pintuan wala na siya dun kaya agad akong bumaba at baka andun lang siya nag aantay sakin kaso wala. Ano bayan, nagtatampo na talaga ako sakanya. Pagkatapos niya akong paasahin ganun ganun lang. Pero sa tingin ko, kasalanan ko din naman kasi napaka assuming ko lang kasi kaya siguro ganun. Kailan ba kasi mawawala sa buhay ko tong pagka assuming ko? Nasaktan na nga ako dahil sa pag aassume pero wala padin, ganun padin ang daloy ng pamumuhay ko, nag assume padin ako ngayon. Nag aassume ako na balang araw sana magkagusto sakin si Kurt. Nang biglang tumunog yung phone ko.

"Ahm, hello Mara, sorry talaga sa hindi ko pag pans in sayo nung nakaraang araw tiyaka sorry din nung kanina. Di ko alam pero siguro kasi kaya ako biglang umalis kasi nahihiya pa ako sayo dahil sa mga nagawa ko sayo tiyaka siguro iniiwasan ko lang yung mga tanong mo. Yung mga tanong mo na kung bakit ko ginawa yun. Siguro di pa ako handang makipag kausap say ng harap harapan pero sana maintindihan mo ako. Pumasok ka sana ng maaga sa Monday para makapag usap tayo ng maayos. Sure na yan, promise. Inaasahan ko ang pagdating mo nang maaga sa school sa Monday. Sana.... :)))" G

grabe yung text niya ang haba. Pero naiintindihan ko naman siya eh. Kasalanan ko din naman siguro kasi napapadalas na yung pag sama ko kay Lance. Tiyaka hindi niya naman kasalanan na nasaktan ako kanina sa ginawa niya eh, ako. Kasi masyado lang akong umasa, nag assume.

Agad ko siyang nireplyan,

"Sige sa Monday nalang :) See you! :)" reply ko sa kanya.

@MyNameIsNicole29 ito na po yung update :) salamat sa suporta mo sa mga story ko. :) Sa mga votes mo salamat :) Pati na din sa lahat ng nagbabasa ng story ko at sa lahat ng nagvovote. Salamat. Paki basa nadin po yung new story ko, Yung "It's Started With a Kiss" salamat :)

The Assuming GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon