Kurt's POV
Tama ba yung narinig ko? maid? Alalay? Ganun na ba ako talaga katagal na napalayo sa lola ko? Hindi ko na siya kilala ngayon. Nagbago na siya. Parang hindi na siya yung lola ko dati.
"Ano? Maid? Sa tingin mo lola papayag ako na gawin mo yan sa girlfriend ko!?"
"Bakit hindi? Yun naman ang gusto mo diba? Ang makasama ang girlfriend mo? Ang makilala ko siya ng husto?"
"Pero hindi sa ganitong paraan! Ano ba namang klaseng idea yan!? Uuwi nalang kami kung ito lang din pala yung mapapala namin dito!" Galit na galit kong sabi kay lola.
Hinawakan ko kaagad ang kamay ni Mara tiyaka siya hinila papuntang parking lot. Bat kaya nagpapahila pa tong si Mara? Wag niyang sabihing papayag siya dun kay lola!? Hinding hindi ako makakapayag,siyempre!
Pagkadating namin sa kotse ko ay agad ko siyang pinagbuksan ng kotse pero di siya pumasok.
"mmm Mara?" Nagtataka kong tanong.
"Kurt, eh kung papayag nalang kaya ako dun sa deal ng lola mo? Wala namang mawawala eh. Sabi nga nila eh, try and try until you succeed."
"Mara naman. Hinding hindi ako makakapayag. Ayoko ng ganung pamamaraan. Hindi yung karapatdapat. Kausapin nalang natin ulit si lola tungkol dito kapag medyo malamig na yung ulo niya." Nag nod lang si Mara. Alam kong napakalungkot niya ngayon.
Mara's POV
Maid talaga? Yun ba talaga ang gusto niya? Yun ba talaga!? Kaya ko naman eh. Papayag naman ako eh. Kaso ayaw ni Kurt. Kaya ko namang gawin lahat para lang samin ni Kurt eh. Para lang matanggap ako ng lola niya. Para lang maging legal kami sa lola niya. Kayang kaya kong maging alalay dun sa lola niya, kung yun ang gusto niya. Kaso alam kong galit na galit si Kurt dun sa naisip ng lola niya. Halatang halata sa mukha niya ngayon na galit na galit siya.
Kailangan kong kausapin si Kurt tungkol dun sa deal.
"Kurt, di na ba talaga magbabago yang isip mo?" Tanong ko sakanya. Bigla namang kumunot yung nuo niya habang nagmamaneho siya.
"Ha? Isip? Saan?" Nagtataka niyang tanong.
"Yung about sa deal ng lola mo? Ok lang naman kasi talaga sakin na maging maid niya eh. Matanggap niya lang ako bilang girlfriend mo."
"Mara naman, kailangan ba talagang ulit-ulitin natin to? Ayoko nga. Hinding hindi ako papayag. Ok?" Mahinahong sagot ni Kurt
"Pero kas--"
"Pero kasi ano? Mara naman. Kung yun ang gusto ng lola ko para matanggap ka, hinding hindi ako makakapayag. Kung hindi ka niya tanggap, edi hindi. Basta yung pag mamahalan lang naman natin yung mahalaga dun. Ha Mara? Huwag na huwag kang papayag. Kapag nalaman ko talagang pumayag ka--"
"Ano? Anong gagawin mo?"
"Basta, wag mo nalang gawin Mara please.. Please?" Nagmamakaawang sabi sakin ni Kurt.
"Sige na nga.."
"Thanks Mara. I love you.." Sabay halik niya sa pisngi ko na may kasamang yakap.
"I love you too" -Mara
YOU ARE READING
The Assuming Girl
Teen FictionOk lang din naman pala ang maging assuming. Wag lang talagang sobrahan para di ka masasaktan ng sobra. Hello, I'm Mara at subaybayan ninyo kung anong nangyari dahil sa ka assumingan ko.