Hmmmm??

52 3 1
                                    

Kurt's POV

Ilang araw nang nakalipas. Kagaya ng inasaahan ko, iniiwasan niya nga ako. Simula nung inamin ko sakanya yung totoo, di na kami nagkikibuan. Yung tipong laging may "AWKWARD" sa pagitan namin. At ang malala nililigawan na daw ni Lance si Mara ayon kay Karen. Di ko maiwasang malungkot. Bakit niya hinayaang mag paligaw kay Lance? Eh kung alam niya nanaman din na may feelings ako para sa kanya? Para san pa to? Para ba maramdaman ko din yung sakit na naramdaman niya dati? Sana naman hindi. Kailangan kong mag effort para mag kaayos kami, pero hindi muna sa ngayon kasi hindi pa ako handa at alam kong di pa din siya handa katulad ko.

Mara's POV

Ilang push nalang sasagutin ko na siya, sasagutin ko na si Lance. Ito na ang pinakainantay ko, magkakaroon na ako ng bf for the first time. Sa pagka assuming ko ba naman kasing babae di ko sasagutin yun eh ito na nga to eh. Eh kung dati nag aassume lang ako na magkaroon ng bf pero ito na to, di na basta bastang assume to. XD Nang biglang may kumatok sa pintuan.. Baka si Karen na yun aalis kasi kami ngayon eh, gala gala. XD Pagkabukas ko, si Karen nga.

"Ahm hello" malungkot niyang sabi.

"Oh, bat malungkot ka ata? kung kailan gagala tayo, wala ka pa sa mood." tanong ko sakanya habang siya naman unti unting pumapasok sa room ko tiyaka napaupo sa kama ko.

"Ah... ah.... ahm, Ma..ma... Mara.." paputol putol niyang sabi habang nakasimangot padin ang mukha.

"Ano yun Karen? May problema ba? may maitutulong ba ako diyan sa problema mo?" sunod sunod kong tanong.

"Ha, eh kasi Mara, di ko problema to, problema niyo to." sabay hinga ng malalim.

"Ha namin? Namin ba ni Lance? Pero wait, kung problema man namin yan, bat di ko alam yun?" pagtataka kong tanong.

"Eh kasi di sainyo ni Lance. Sainyo ni Kurt."

Bigla akong natulala nung narinig ko yung pangalang Kurt.

"Huy Mara!" sigaw sakin ni Karen na may kasamang alog.

"A----ayyy sorry.. Ahm, anong problema?" mahina kong tanong.

"Naka move on ka na ba kay Kurt?"

"Naka move on?, ahm, oo, oo." sabay yuko.

"Oo? eh bat ka napayuko diyan?"

"Karen, sa totoo lang hindi. At unang una sa lahat bat mo tinatanong yan eh di naman naging kami ni Kurt?"

"Eh pero bat mo iniiwasan si Kurt hanggang ngayon? Ano ka ba Mara, ito na yun oh, pareho na kayo nang nararamdaman sa isat isa. Tapos palalagpasin mo pa ang lahat?"

"Ayun na nga kasi Karen, sinabi niyang gusto niya ako pero totoo ba? Totoo bang mahal niya ako? o baka naman trip niya lang ako kasi alam niyang napaka assuming kong tao. Kaya ako umiiwas Karen, kaya ako umiiwas." tas bigla nalang akong naiiyak.

"Ayan, ayan ang problema sayo Mara eh, agad agad kang sumusuko. Pano mo malalaman yung totoo eh iniiwasan mo nga siya. Di mo man lang siya hinayaang iexpress yung feelings niya para sayo nang maayos. Kasi umiwas ka, lumayo ka, sumuko ka. At sa totoo lang, seryoso siya sayo. Sinabi niya sakin yun habang umiiyak pa siya nun. Maawa ka naman sa taong seryoso sayo. Di yung katulad ng Lance na yan." sabi sakin ni Karen.

Iyak lang ako ng iyak. Kasi sa totoo lang, totoo naman kasi yung sinabi ni Karen eh. Eh kung itry ko kayang ipaexpress pa ng bongga yung feelings niya sa akin para malaman ko ang totoo? Pero pano? nahihiya ako. Pero I'll try. Tiyaka umiyak? umiyak si Kurt nang dahil sakin? nakaka konsensya naman.

The Assuming GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon