Mangyayari na ang mangyayari

137 6 4
                                    

Mara's POV

So narealize ko na oo nga pala, si Carla yung tinutukoy niya dun sa status niya kasi minsan lang siguro  din naman kasi silang nag uusap. Tiyaka ang layo ng gap ng level ni Carla sa level ko no. Siya ang ganda, samantalang ako, kinapos.

So ayun nga nung araw na yun, pag walang umuupo sa tabi ni Carla tumatabi agad siya o di kaya pinapa alis niya muna yung katabi ni Carla. And then, lagi kong nakikita si Kurt na masaya siya kapag kausap niya si Carla. So ayun ako, parang ok, tanggap ko nanaman din eh kasi alam ko namang never niya talaga akong magiging crush tiyaka never pa talagang nangyayari yung mga inaassume ko. :(

Pagka uwi ko sa bahay parang nasaktan ako na parang naiiyak. Hindi ko alam kung bakit. Akala mo naging kami eh pero naiiyak talaga ako. kasi siguro, umasa at nag assume nako nang todo kaya ganun. Hanggang sa nag weekend na, hindi parin ako nakaka move on sa nangyari nung Friday. Halos di  ako maka tulog sa nangyari dahil sa katangahan ko. Ngayon ko lang talaga narealize sa buhay ko na ang sakit palang maging assuming at maging tanga. Sa ilang years kong pag aassume, ngayon ko lang naramdaman tong niraramdam ko ngayon na nasaktan dahil sa katangahan. So hanggang ngayon, di parin talaga ako maka move on and I don't know why. :3 (di naman naging kami, ni hindi niya nga alam na naging crush ko siya eh. )

MOVE ON???

makakamove on lang siguro ako kung lilipat nako ng  ibang school o di kaya silang dalawa. Pano ako makakamove on kung nasa iisang classroom lang kami at nakikita kong masaya siya, sila sa isat isa. Feeling ko, magbabago lang ang lahat kung matututo nakong mag mahal ng tama hindi yung pagnamahal ng patago at pag aassume.

-Fast Forward-

Monday na, pasukan nanaman. Siyempre ako, sa labas ng kalooban ko, kunwari masayahin, hindi nagpapahalata kasi nga di naman nila alam ang lahat eh.

Uwian na at tinawag ako ni Carla:

Mara, samahan mo naman kami ni Raffy (best friend niya *ata*) sa 7-11 kami lang kasi eh.

Ako: Bawal kasi ako eh, sila nalang.

BTW, yung "Bawal" na yun, hindi yun galit ah, sadyang bawal lang talaga ako. Close kami ni Carla since grade 7 kami kaya ayokong mabago yun dahil lang sa pagka assuming ko no. Pero iwas iwas lang nang onteh kasi baka dahil sa di ko na matiis baka masabi ko sakanila yung nararamdaman ko, mas masaklap yun no at nakakahiya.

Hanggang ngayon, magkalapit padin kami ni Kurt ng inuupuan pero pag kinakausap niya ko, dapat good vibes para di mahalata pero umiiwas din ako minsan. XD (Dami kong alam no, akala mo naging kami eh, tagal maka move on ng ate eh. XD)

The Assuming Girlحيث تعيش القصص. اكتشف الآن