Kabanata 33

74 5 0
                                    

Hiraya Manawari


Dalawang oras ang lumipas matapos tumunog ang malaking orasan sa aking kwarto. Ngayon na ang tamang oras. Hindi talaga ako pumikit. Bawat lipat ng kamay ng orasan ay nakabantay ako.

Nagsimula na akong kumilos. Marahan akong lumabas sa silid. Tulog ang nag-iisang gwardya sa pinto. Tila isang pusa ako habang kumikilos papunta sa palikuran kung saan iniwan ko ang bolo at baril.

Kinuha ko iyon at lumusot sa bintana na pinaglabasan ko kahapon. Alas dos, sabi niya. Ngunit wala pa siya rito. Natanaw ko ang iilang gwardya sibil na naglalakad lakad. Ang ilan naman ay tulog.

Ilang minuto na ang nakalipas ngunit wala pa siya rito. Aalis na sana ako nang may kamay na nagtakip ng aking bibig. Paglingon ko'y siya nga. Narito na siya.

"Bakit ang tagal mo?" sabi ko.

"Sabi ko alas dos binibini. Wala ka pa ng alas dos dito kaya hinanap kita."

"Hayaan mo na. Nasaan si Arturo?"

"Ituturo ko, tara na."

Lumisan kami sa pwestong iyon. Sinundan ko lamang siya. Mahina ang bawat yabag ng aming paa.

Naririnig ko ang bawat kaluskos na aming ginagawa. Naririnig ko rin ang ingay na ginagawa ng mga gwardya sibil. Hinahanap na nila ako. Rinig ko ang aking pangalan sa mga bulungan nila. Ayaw nilang mapagalitan sila ng amo kaya hinahanap nila ako hanggat kaya nila.

Patawid na kami sa tulay kung saan kami muling nagkita ni Arturo. Kung saan nagpanggap siyang gwardya sibil. Pagtapos tumawid doon at malawak na taniman ng mais at iilang mga puno sa paligid.

Tumakbo kami hanggang sa makarating sa unang puno na pwedeng pagtaguan. Halos umalulong sa sakit ang sundalong aking kasama dahil sa tama ng itak sa kanyang tadyang na gawa ng sibil. Sisigaw na sana siya upang ipaalam na kasama niya ako ngunit naunahan ako ng kaba. Ibinaon ko ang patalim sa kaniyang ngalangala.

"Sumama ka sa akin," sabi ko sa kasama.

"Mauna ka na binibini. Mukhang hindi na rin ako magtatagal."

"Pero--"

"Naghihintay ang taong mahal mo, sige na!" bawat salitang binibitawan niya ay may diin at naghahabol ng hininga. Ni hindi ko lamang nalaman ang pangalan niya. Ang swerte ni Victor at may kaibigan siyang tunay.

"Puntahan mo siya sa dulo ng lupaing ito. Diretsong silangan, huwag kang lumihis! May kamalig doon. Naroon siya. Mag-iingat ka."

Iniwan ko siyang naliligo sa sariling dugo. Kung ano man ang mangyari sa akin ngayon, ang diyos na ang bahala.

Tinahak ko ang lupain. Takbo. Hinga. Takbo. Hinga. Ni hindi na ako lumingon sa pinanggalingan sa sobrang nais na makarating sa pinaroroonan. Ni hindi ko alam kung nasusundan ba ako.

Natanaw ang kamalig. Sa itsura ng langit ay papasilip na ang araw. Kailangan kong magmadali.

Sobra-sobra ang tahip ng aking puso nang makita ang napakaraming bantay ng kamalig. Lahat sila'y tulog marahil sa alak na nasa tabi nila.

Marahan kong pumasok sa kamalig. Pagpasok ay agad hinanap ng mga mata ko ang mahal ko. Halos sumabog ang dibdib ko sa sakit nang makita ang kalagayan niya. Nakatali sa tila ekis na kahoy ang kanyang mga paa't kamay. Duguan. Hinang-hina. Naparaming sugat sa katawan, sariwa pa ang mga ito. Kung hindi pa ako lumapit ay hindi ko malalaman na buhay pa siya.

Inuna kong tanggalin ang tali sa kaniyang mga paa.

"Anong ginawa nila sa iyo, mahal ko?" sambit ko nang makita ang kamay niyang duguan at walang nang mga kuko.

Hiraya ManawariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon