Kabanata 25

119 8 8
                                    

Mata

Halos mapamura ako nang naramdaman ko ang mga kasukasuan ko sa katawan. Nagliliyab ako sa init. Tila takure ang pagbuga ko ng hangin. Hindi ko na itinuloy ang paggalaw at nanatili lamang sa pwesto. Naghahalusinasyon na yata ako. Nakita ko si Arturo sa harap ng batis at sinambit ang mumunting mga salita.


"Victoria..." boses ni Ina.


Nawala roon ang atensyon ko. Marahan kong binuksan ang mabibigat na talukap ng aking mga mata.

Natanaw ko siya na nakaupo sa aking harapan. Nasa likod niya si Ama na kasalukuyang nakapangalumbaba habang ako'y pinagmamasdan.

"Nasaan ang mga kahoy? Maglililok ako."


Nanghihina man ay pilit akong bumabangon. Marahan naman akong tinutulak ni Ina pabalik sa pagkakahiga.


"May trangkaso ka anak. Huwag muna."

"Pero---"

"Paggumaling ka ay pwede mo nang gawin lahat ng kahit ano Victoria," baritonong sambit ni Ama. Tumingin sa kaniya si Ina at ibinalik naman sa akin at matamis na ngumiti.

"Tama ang iyong ama. Magpahinga ka pa."

Nagpatianod ako sa pagtulak ni ina. Bumalik ako sa pagkakahiga. Hinaplos niya ang buhok ko ng paulit-ulit hanggang sa ako'y makatulog muli.

Ilang araw na naging ganoon ang aking pakiramdam. Akala ko ay hindi na matatapos pero ngayon ay umayos na. Pagkagising ko ay sinalubong ako nina ama at ina ng almusal sa higaan. Nasa likod nila ang batang Pedring dala ang mga kakailanganin para sa paglililok.

"Pedring!" dali-dali akong tumakbo sa kaniya at siya'y niyakap.

Hindi ko napigilan ang mumunting mga luha.

"Senyorita," aniya at ramdam kong gusto niyang kumalas.

"Kumusta ka?" humiwalay ako sa kaniya. Hinawakan ko ang kulot niyang buhok na nasaksihan ko nang puti iyon.

"A-ayos lang po Senyorita."

"Mabuti naman, kumain ka na ba? Anong gusto mo?"

Nahagip ko ang pagkunot ng noo ni Ina.

"Mabuti pa ay sa labas na kayo maglilok ni Pedring, hija. Upang maarawan ka at makalanghap ng sariwang hangin."

Mabilis akong tumango dahil sa pananabik.

Pagdating ko sa labas ng bahay ay naroon ang mahabang mesa. May mga kahoy na roon na pwede nang ililok bilang espada at daga. Ginagamit ito ng mga arnisador pamalit sa totoong itak at espada. Masyado kasing mapanganib ng pag-gamit niyon lalo na't pag-anyo at ensayo.

Naroon ang batang Pedring. Nakangiti sa akin, halatang nahihiya.

"Magandang umaga po."

"Magandang umaga rin."

Tinuruan niya ako kung paano gawin iyon. Mahirap para sa akin lalo na't unang beses ko palang itong ginawa pero kalaunan ay nadalian na ako kahit papaano.

"Patawad pala..." pasimula ko.

"Para saan po?"

"Sa pagwala ng Kuya Panggoy mo."

Nawala ang kaniyang ngiti at napalitan ng lungkot ang kaniyang mga mata.

"Naging mabuting kaibigan si Panggoy sa akin."

Hiraya ManawariWhere stories live. Discover now