Kabanata 7

129 12 1
                                    

1988





Ganoon ulit ang ginawa namin ni Doktora Templaza. May pinakita siya na mga kung ano-anong larawan tapos ay sasagutin ko lamang ang kaniyang mga katanungan.

Dumalo si Doktor Medina sa aming dalawa. Hindi naman ako idinismis kaya nanatili lang akong nakaupo. Kaharap na namin parehas si doktora.

"According to her tests, she's normal. She does not have amnesia and she's not bipolar," sabi ni Doktora Templaza. Ingles na naman kaya hindi ko iyon maiintindihan.

Marahil ay tatanungin ko na lang si Dok Medina para sabihin sa akin kung ano ang pinag-uusapan nila.

"Maybe she was just shock to what happened to her kaya naging agresibo siya noong pangalawang beses na magising siya."

Seryosong nakikinig si Doktor Medina sa sinasabi niya. Bakit kailangan niya pa titigan ng malapitan ang doktorang ito.
Mapupula ang labi at maganda ang tabas ng kilay nito, kahit sino ay magkakagusto sa kaniya.

"Is she traumatize?"

Ayaw ko naman na sumingit sa usapan nilang dalawa kaya nagmasid muna ako ng buong paligid. Malapit sa bintana ni doktora ay may maliit na mesa kung saan may nakapatong na kalendaryo.

"I see that's she's a visual learner."

Halos maningkit ang aking mga mata upang tuluyan lang makita ang mga nakasulat dito.

Ayon kay Doktor Medina ay isang buwan na ako rito kahapon. Kung ganoon ay nairaos ko ang buong buwan ng Hunyo sa paghiga lamang dito sa ospital.

Panigurado ay ika-isa na ng Hulyo ngayon.

Ngunit bakit iba ang taon na nakalagay dito? Kinusot ko nang ilang beses ang aking mata. Ganoon pa rin talaga, hindi nagbabago.

Tumayo na sila dahil siguro ay tapos na silang mag-usap.

"Halika na, Victoria."

Hindi ko pinansin ang paanyaya ng doktor dahil abala ako sa aking tinitingnan.

"Sandali lang," pagpipigil ko.

"Bakit?"

"Bakit isang libo siyam na raan at walumpu't walo ang nariyan sa iyong kalendaryo?" tanong ko habang unti-unti kong hinawakan ang aking dibdib. Gusto kong pabagalin ang tibok ng aking puso ngayon.

"Hah?" sabay silang nagtaka sa aking tanong.

Nanginginig kong itinuro ang kalendaryo sa likod ng doktora.

"Anong petsa na?" naninikip ang aking dibdib.

"July 1, 1988" maikling sagot ni Arturo.

"Ano?!" halos maghisterikal ako.

"Ika-isa ng Hulyo, taong isang libo siyam na raan at walumpu't walo."

Halos mahulog ako sa aking kinakaupuan sa aking narinig.

"Totoo ba?"

"Oo. Bakit? Anong nangyayari sa iyo?" hinawakan na ako ni Doktor Arturo sa aking braso at tinulungan ayusin ang aking sarili sa pagkakaupo.

1988?

Bakit?

Paano?

Unti-unting pumasok ang mga bagay sa aking isipan na ngayon ko pa lang nasasagap.

Ang lenggwaheng Ingles, ang modernisasyon, ang buong paligid ko, lahat-lahat ay hindi ako pamilyar. Masyadong iba sa aking pinagmulan.

Ako ang elyen dito. Hindi ang sinoman o ang lenggwaheng ginagamit nila.
Ako ang naiiba.

Hiraya ManawariWhere stories live. Discover now