Kabanata 28

129 9 4
                                    

Kulungan

Kakatapos lamang ng misa. Nakipagkwentuhan lamang sila sandali at nakipagbatian sa mga kakilala. Umikot ang aking mata sa sobrang pagkabagot.

"Halika na para tayo'y makakain!" pag-iimbita ni Ginang Amendarez.

Pinanlakihan ko ng mata si Ina.

"May salo-salo sa kanilang mansyon. Pag-uusapan ang nangyari dati," bulong niya sa akin.

Gusto kong ipadyak ang aking paa paalis sa harapan nila! Ito na naman. Kung ano man ang pag-usapan sana ang maging desisyon ay huwag nang ituloy ang kasal.

Kasalukuyang kong gustong itarak ang punyal na nasa harap ng lechon para lang makatakas sa kanila. Gustuhin ko mang tumakas muli tulad ng una kong ginawa dati ay hindi ko maaari. Baka maulit ang nangyari. May kasabihan ngang ang kasaysayan ay umuulit lamang.

Tikom ang aking bibig habang sinasabi nila ang petsa ng aking kasal kay Fedrico. Tuloy pala, alam ko na.

"Biglaan ito dahil alam ko na ang mga biglaang kaganapan ay mas natutuloy," halakhak ni Gng. Amendarez.

Tuliro ako sa harap ng aking paboritong ulam. Kailan ba ulit naging mainit at masarap ito sa aking paningin? Ah, noong kasama ko si Arturo na kumain nito.

"Hija?" tawag sa akin matagal ako bago bumaling sa kaniya. Lahat ng mata nila'y nakatutok sa akin. Naghihintay ng aking sagot. Tumingin ako kay ama. Siya ang nagsabi na pwede na akong pakasal sa aking mahal at kung ito'y aking gugustihin. Subalit heto, isa siya sa mga taong naghihintay ng aking sagot. Naghihintay sa akin na um-oo.

"Buong akala ko'y wala nang nakagapos sa aking leeg, pinakawalan lamang pala ako sa mas malawak kong kulungan," sambit ko sabay inom ng aking margarita. Nilaro ko muna ito sa aking kamay at tumikhim.

"Victoria..." bakas ang takot ni ina na ibabasura ko na naman ang ganitong usapin.

"Ang Pilipinas ang tinutukoy ko..." na inihahalintulad ko sa aking sarili.

"Gawin ang nais ninyong gawin," pinal kong sabi atsaka tumayo. Nagsalin pa ng margarita sa aking baso.

"Papakasal ako ngunit hindi ako sisiping sa kanya."

Sinundan ako ng tingin ni Fedrico. Ramdam ko ang galit niya, unti-unting umaalingasaw.

"Walang kwenta ang babae kung walang anak! At isa pa, mag-asawa kayo kaya natural lamang na gumawa kayo ng supling."

"Ang halaga ng babae ay higit pa sa pagkakaroon ng anak. Tandaan ninyo iyan. Kung ayaw ninyo sa kapalit na nais ko, mas magandang huwag ituloy ang kasal."

Nagpasya na akong umalis.

"Magpapahangin lang po ako sa labas. Huwag kayong mag-alala, hindi ako tatakas."

Isang linggo ang aking nanamnamin upang damhin ang pagiging ako dahil pagtapos noon ay isa na akong Amendarez. Sa isang linggo pa iyon ngunit pakiramdam ko, ngayon na ako naikasal. Hindi ko alam kung papayag sila sa aking hinihinging kapalit. Sana hindi. Alam ko kung gaano kaimportante ang pagsalin-lahi lalo na't sa ganyang karangya na pamilya.

Tumingin ako sa mga tala, mahaba-haba na pala ang aking nilakad. Malawak ang lupain ng mga Amendarez. Sa banda ko'y wala nang gwardya sibil. Nasa gitna ako ng hanging-tulay habang dinig na dinig ko ang rumaragasang ilog sa baba.

Mainit ang aking pakiramdam habang hawak ang aking sintido. Umiikot na ang aking paligid.

"Ubos na?!" singhal ko habang tinitingnan ang walang laman kong baso. Puno ito bago ako umalis ah.

Hiraya ManawariWhere stories live. Discover now