Kabanata 19

116 10 7
                                    

Swimming





Naglakad siya papunta rito sa paliguan habang unti-unting hinuhubad ang saplot pang-itaas. Tapos na ako mag-almusal pero may nakahain na pandesal. Umiinit tuloy ang aking pisngi, sing-init ng kape ko kanina.

Pagkarating sa harap, doon sa parteng malalim ay tumalon siya para lumusong at lumangoy papunta sa akin. Hindi ako nakagalaw sa aking pwesto. Halos magdikit ang aming katawan sa pag-ahon niya.

Tumulo ang mga butil ng tubig mula sa kaniya buhok na napapansin kong mas mahaba na ngayon kaysa noong una naming kita sa ospital.

"Turuan na kita," aniya habang nakatingin sa aking labi.

"Ng ano?" nalilito kong tanong.

Kumunot at noo niya at sumilay ang pang-asar na ngiti.

"Lumangoy..."

"Ah! Iyon pala! Tama nagpapaturo nga ako lumangoy, simula na tayo." Marunong ako lumangoy ngunit hindi ako kagalingan. Gusto ko pa itong maensayo.

Naipilig ko ang aking ulo dahil sa naiisip. Anong inaasahan ko? Turuan niya akong humalik? Bakit kasi nakatingin siya sa labi ko? O baka namalik mata lang ako?

Buti nalang hindi ko naisatinig ang aking mga katanungan. Pool pala sa wikang Ingles ang tawag sa paliguan na ito. Nalaman ko lang ngayon dahil lagi niya itong binabanggit. Sinimulan niyang turuan ako lumangoy.

"Floating ka muna..."

"Hindi maiiwasan na hawakan kita, okay lang ba?"

"Okay lang, Arturo." Tumango ako bilang pagsang-ayon.

"Don't worry. Hindi kita hahawakan as much as possible," aniya na hindi ko alam kung bakit ikinadismaya ko.

Nanginig ako sa kuryenteng dumaloy sa aking buong sistema nang mahawakan niya ako sa balikat at baywang. Marahan niya akong pinapahiga sa tubig. Nakita kong iniiwas niya ang kaniyang mga mata sa aking dibdib.

Hindi ko maiwasan ang mapatingin sa madilim niyang mga mata. Hindi ko rin maiwasan na mauntog sa mala-bato niyang katawan.

Hinabol ko ang aking hininga nang ako'y umahon galing sa paglubog.

"Kanina pa kita tinuturuan. Madali lang ito," aniya.

Ganoon ulit ang nangyari, nalulubog lamang ako. Hindi ako nakakalutang tulad ng ipinapakita niya sa akin.

"Nahihirapan ka ba?" tanong niya.

"Medyo..." nahihiya kong sambit.

Oo. Gusto kong sabihin na nahihirapan ako. Ewan ko ba. Ako lang ba sa aming dalawa ang nahihirapan? Medyo naiilang pa ako sa kaniya. Siguro hindi na rapat ako nagpaturo pa kung paano gumaling sa paglangoy. Okay na sana sa akin ang marunong lang.

Unang pagkakataon na hawakan ako ng isang ginoo. May permiso ko ang paghawak na iyon. At bawat hawak niya, may nararamdaman akong kakaibang sensasyon.

"Gawin ulit natin."

Mahaba ang kaniyang pasensya. Natuto akong lumangoy sa mga paraan na hindi ko pa alam. Tuwing magpapahinga kami sa paglangoy nagbabasaan lang kami. Minsan nagkakarera sa kabilang gilid ng pool. Nagulat na lang kami ay wala nang halos tao sa pool.

Tanghaling tapat na nang umahon kami. Mapula na ang kaniyang pisngi at balikat.

"Ang pula mo!" asar ko sa kaniya. Kinuha ko ang bathrobe ko sa upuan at ibinalot sa aking katawan. Kinuha rin niya ang twalya niya at ginulo ang buhok gamit nito. Parang tumigil ang mundo ko habang pinapanood siya. Ano na bang nangyayari sa akin?

Hiraya ManawariWhere stories live. Discover now