Kabanata 13

104 6 6
                                    

Santa Rosa





Pagkaapak ko sa Sta. Rosa, bumalik sa akin ng malinaw ang lahat ng aking ala-ala. Tila isang pelikula sa aking isipan ngayon ang aking naging buhay rito sa Sta. Rosa. Medyo marami na ang mga kabahayan, hindi tulad dati na nasa iisang lugar lamang ang mga bahay. Ngayon ay kahit saan parte ay may nakatayo nang mga bahay. Ngunit layo-layo pa rin sa isat isa.

"Sakay tayo tricycle," sambit ni Ajay nang makarating kami sa tila istasyon muli ng mga sasakyan na tatlo lamang ang gulo.

Nauna ako sumakay at sumunod naman siya. Medyo mababa ang sakayang ito kaya todo yuko siya. Idagdag pa ang malaki niyang bag kaya ngayon ay para kaming nasiksik na sardinas dito.

Umusod pa ako ng kaunti para makaupo siya ng maayos.

"Pasensya na. Gusto mo sa likod na lang ako sumakay?" tanong niya at akmang aalis na.

"Naku, huwag na. Dito ka na."

"Hmmm. Sige."

Nagsimulang umandar ang tricycle. Naaalog-alog kami sa loob tuwing napaparaan sa mga lubak. Hindi pa pala patag ang daanan dito hindi tulad sa Maynila. Mas modernisado talaga roon.

"Ayos ka lang?" tanong niya sa akin habang kita na nauuntog siya sa bubong ng tricycle.

"Ayos lang ako. Ikaw? Baka mamaya magkumpulan ang bukol mo pagkababa natin," malumanay akong napatawa.

Gumanti rin ito nang tawa, "Malapit naman na tayo makababa," aniya.

Dahan-dahang huminto ang aming sinasakyan. Pagbaba namin ng tricycle ay bumungad sa amin ang makulay na banderitas na pangkasalan at mga dahon ng niyog bilang dekorasyon sa bakuran na punung-puno ng mga halaman at bulaklak.

Sakto lamang ang laki ng kanilang bahay. Sementado ang unang palapag at kahoy ang itaas.

Nawala ang atensyon ko sa paligid nang ipinakilala ako ni Ajay, "Si Victoria po. Kaibigan ko."

Matamis akong ngumiti sa mga tao roon.

"Magandang tanghali po."

Inilahad ko ang aking kamay upang magmano sa kanila.

"Victoria, nanay at tatay ko."

Siniko si Ajay ng kanyang tatay sa tagiliran.

"Pasensya ka na sa anak ko. Nahiya ka yatang ipakilala bilang nobya."

"Tay..." napakamot si Ajay ng kaniyang batok. Tila nangungunsumisyon.

Nanlaki ang aking mata sa narinig. Mukha ba kaming magkasintahan?

"Naku... Hindi niya po ako nobya," pagtatanggi ko. Nawala ang ngiti ng kaniyang mga magulang at natahimik sandali.

Kinagat ko ang aking labi dahil naiilang ako. Parang nadismaya ang magulang niya. Sa pagkakaalam ko, tradisyon dito na kapag nagpakilala ka ng babae o lalaki sa mga magulang mo ay ibig sabihin lamang ay nobyo o nobya mo iyon. At kailangan mong pakasalan.

Uminit ang aking pisngi. Mukhang maling desisyon yata ang dumiretso rito.

Kinlaro ni Ajay ang kaniyang lalamunan. Maya-maya pa ay humalakhak ang kaniyang mga magulang.

"Tuloy ka. Magtanghalian na muna kayo."

Mga kahoy ang mga upuan. Malinis at makintab ang sahig. Hindi masyado makinis ang sementadong pader ngunit maaliwalas naman tingnan dahil tinakpan ito ng makulay na kurtina.

Pagpasok namin ng kanilang bahay ay mayroong dalawang dalaga. Isa na halos kaedad ko lang at ang isa naman ay dalagita.

"Mga kapatid ko nga pala, Si Riya at Ana," pagpapakilala niya sa dalawa.

Hiraya ManawariWhere stories live. Discover now