Kabanata 2

244 10 4
                                    

Ang kabanatang ito ay dedikado kay @victoriousone


Diwata



"Anong klase sila? Ipinagkakasundo nila ko nang hindi ko alam. Kung pwede lang baliin ang kulturang iyan ay gagawin ko! Ilang mga kababaihan na kaya ang naikasal sa mga lalaking hindi naman nila mahal?" sunud-sunod ang mga sumpong ko.

Anong klaseng buhay ang mayroon ang mga babae sa panahong ito?

Paanakan? Sunud-sunuran sa mga asawa? Katulong sa bahay? Preso?

Hindi malaya.

Lahat ng kilos ay nakabantay. Ni pagtawa ng malakas ay bawal?!

Pambabastos ba ang pagtatanggol sa sarili laban sa mga salita ng magulang? Gusto nila'y lagi tikom ang aking bibig na tila isang pipi.

"Ang panahon na ito ang kumukulong sa mga kababaihan."

Buong lakas kong hinagis ang maliit na bato sa batis. Tumalbog-talbog ito habang papalayo sa akin at tuluyan ding lumubog pagdating sa dulo.

Ito ang lihim na batis na aking natuklasan noong ikalabing walong kaarawan ko noong ako'y nangangabayo. Nasa gitna ito ng kagubatan. Parte ito ng lupain namin.

Simula noon ay dito na ako naglalagi kung nais kong mapag-isa. Nakakabingi ang kapayapaan dito. Tanging tunog lamang ng mga insekto ang aking naririnig at mahinang agos ng tubig.

Tanaw ko ang tila sinabog na mga bituin sa kalangitan. Kasabay ito sa pag-ilaw ng kalahating buwan.

Pumikit ako at humingang malalim.

"Sana ay dumating ang panahon na pantay na ang pagtingin sa kababaihan at kalalakihan."

Hindi ko alam kung dasal ba iyon o kahilingan lamang. Basta ang alam ko sa sarili ko ay sinambit ko ito ng buong puso.

"Hiraya Manawari."

Napatayo ako sa gulat nang may nagsalita. Sa loob ng tatlong taon ay alam kong ako lamang ang laging naririto. Walang ibang tao ang nakakaalam sa lugar na ito.

"Sambitin mo iyon sa tuwing ikaw ay hihiling, " aniya. Lumabas ang napakagandang  babae mula sa mga halaman. Unti-unti kong natanaw ang kaniyang mukha ng maliwanagan ito ng buwan.

Nagniningning ang kanyang balat na tila kristal. Ang pinagkaiba lamang sa normal na babae ay medyo mahaba ang kaniyang tainga. Tila bahaghari ang kanyang kasuotan at may korona siya na gawa sa mga bulaklak.

Napakaganda niya. Siya'y lumulutang.

Umatras ako ng isang hakbang nang sinubukan niyang lumapit sa akin.

"D-diwata ka?" nanginginig ang mga labi ko nang sinambit iyon. Ngumiti lamang siya sa akin.

Unang beses ko makakita ng diwata. Akala ko ay kwento-kwento lamang dito sa bayan ng Santa Rosa.

Nakakaakit.

Kaya pala walang nangangahas tuklasin ang parteng ito ng aming bayan ay dahil totoo nga pala talaga ang diwata na ito.

Ang mga lalaki na nangangahas mangaso dito na may masamang balak ay hindi na nakakabalik pa.

"Wala akong masamang intensyon sa kagubatan mo."

"Alam ko," aniya at humalinghing ng mumunting tawa.

Napako ako sa aking kinakatayuan. Ni hindi ko maigalaw ito para tumakbo.

"Huwag kang matakot. Narinig ko ang masidhi mong kahilingan."

"Gusto mo ba'y dalhin kita sa panahon na nais mo?" kumunot ang noo ko at hinintay ang karugtong na kaniyang babanggitin.

Hiraya ManawariWhere stories live. Discover now