Kabanata 31

57 2 0
                                    

Umaga


"Nakapagdesisyon ka na ba Victoria?" bungad sa akin ni Victor.

Nakauniporme pa siya at halatang nagmamadali dahil sa tono ng kaniyang pananalita. Naghanap ako sa isip ko ng dahilan kung bakit ko kailangan magdesisyon, kasabay noon ang pagtatagpo ng mga mata namin ni Arturo. Umaasa ito. Alam kong rerespetuhin niya ang aking desisyon na magpakasal kaysa piliin siya.

Ang hinaharap ay hindi kalkulado. Maaring hulaan ang mangyayari sa pamamagitan ng imahisnasyon. Kaya kahit anong desisyon ko ay may maapektuhan. May masasaktan, may masisira at mawawalan. Kaya ngayon, kailangan ko naman piliin ang aking sarili. Kahit isang beses lang, ano nga ba ang hinahangad ng aking puso?

"Ayaw ko magpakasal. Lilisan kami ni Arturo," taas baba ang aking dibdib at saka hinanap ang kamay niya sa aking gilid. Nakaramdam ako ng seguridad nang ako'y kanyang hawakan.

"Pinaghahanap ka ng mga Amendarez, Victoria at may nakapatong na sa ulo ni Arturo."

"Kilala nila si Arturo?"

"Kilala nila si Matias. Dahil nagtago siya sa pagkataong iyon, pinagsuspetsyahan siya na siya si Arturo dahil sa nangyari sa museo."

Pagdating kay Arturo, nagiging irasyonal ako. Ni hindi ko naiisip ang mga susunod kong mga hakbang. Hindi ko naiisip ang mga taong nakapaligid sa akin.

"Bukas ng madaling araw ay aalis tayo. Maghanda kayo."

Naayon ang lahat sa plano. Umalis kami ng Sta. Rosa ng tahimik at walang nakakaalam. At dahil si Victor ang namumuno sa mga daungan ay mabilis kami nakakuha ng barko at nakaalis.

Habang tinitingnan ko ang papaliit nang papaliit na Santa Rosa sa aking tanaw, nakaramdam ako ng kalayaan. Alam kong malawak ang aking kulungan, anomang oras ay maaari itong sumikip. Akala ko ang desisyong pagtakas ko ay dahil para sa akin. Ang lahat pala ng iyon ay dahil pinili ko si Arturo.

Sa silangan kung saan sumisibol ang araw, natanaw ko siyang papalapit sa akin. Isang ngiti ang ginawad niya sa akin na kasing sinag ng araw sa umaga. Nagbibigay ng init sa malamig kong puso.

Wala ni isang salita ang lumabas sa aming mga bibig. Niyakap niya ako at nagpatianod ako.

"Good morning..." aniya.

Agaran akong ngumiti at ginantihan ang mahigpit niyang yakap sa akin.

"I miss you so much, Victoria. Don't vanish again. I'll lost my myself."

Tumingala ako upang tanungin ang kaniyang sinabi. Hindi ko man naiintindihan ito ay alam kong puno ito sakit at pagsusumamo.

"Mahal kita," aniya at tumulo ang isang butil ng luha sa kaniyang mata.

"Mahal din kita, Arturo"

Isa iyon sa mga pinakamagandang umaga ng aking buhay. Dahil ngayon kasama ko siya hindi lang sa umaga kundi buong araw. Bawat minuto, bawat oras ay napakaganda at espesyal kapag kasama ko siya.

Mag iisang linggo na nang dumating kami rito sa Sta. Ana Cagayan. Dito kami pinadala ni Victor dahil wala kaming kamag anak dito at wala koneksyon ang aming pamilya rito.

Gamit ni Arturo ang kaniyang pagkatao. Hindi Matias Alegre. Malaya kaming nakakapaglakad, nakakapamasyal sa parke, malaya kaming maging kami rito. Mababait ang mga tao rito.

Naglalakad kami ngayon sa pamilihan para sa aming tanghalian nang tinawag ako ng tindera. Lumapit ako at sumunod si Arturo.

"Ginang, ginoo. Bili na po kayo sa akin ng mga kamiseta para sa inyong anak."

Hiraya ManawariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon